Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Dasal. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Dasal. Ipakita ang lahat ng mga post
Ene 1, 2019
Makapangyarihang Diyos | Mga Pagsasalaysay | Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?
Mga etiketa:
Ang Banal na Espiritu,
Dasal,
gawa ng Diyos,
Mga Pagbasa,
tumalima
Dis 18, 2018
Tanong 1: Ang Biblia ay isang patotoo sa gawain ng Diyos, napakalaki ng pakinabang nito sa sangkatauhan. Sa pagbabasa ng Biblia, nauunawaan natin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay, nakikita natin ang kamangha-mangha at makapangyarihang mga gawa, at ang walang-hanggang kapangyarihan ng Diyos. Biblia ay isang talaan ng salita ng Diyos at patotoo ng tao sa Diyos, hindi matatanggap ng isang tao ang buhay na walang hanggan sa pagbabasa ng Biblia. bakit hindi matagpuan sa Biblia ang daan tungo sa buhay na walang hanggan?
X. Daan ng Walang-Hanggang Buhay
Sagot: Sa pagbabasa ng Biblia nauunawaan natin na ang Diyos ang Lumikha ng lahat ng bagay at sinisimulan nating makilala ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa. Ito ay dahil ang Biblia ay isang patotoo sa unang dalawang yugto ng gawain ng Diyos. Ito ay isang talaan ng mga salita at gawain ng Diyos at ang patotoo ng tao noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Kaya, napakahalaga ng Biblia sa ating pananampalataya. Pag-isipan n’yo ito, kung hindi dahil sa Biblia, paano mauunawaan ng tao ang salita ng Panginoon at makikilala ang Panginoon? Paano pa sasaksi ang tao sa mga gawa ng Diyos at magkakaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos? Kung hindi nagbabasa ng Biblia ang tao, paano pa siya sasaksi sa tunay na patotoo ng lahat ng banal sa lahat ng panahon na sumusunod sa Diyos? Kaya, ang pagbabasa ng Biblia ay mahalaga sa pagsampalataya, at walang sinumang nananalig sa Panginoon na dapat lumihis sa Biblia kailanman. Masasabi mong, siya na lumilihis mula sa Biblia ay hindi maaaring manalig sa Panginoon. Napatunayan na ito sa mga karanasan ng mga banal sa lahat ng panahon. Wala ni isang mangangahas na ikaila ang kahalagahan at kahulugan ng pagbabasa ng Biblia sa pagsampalataya. Kaya, ang tingin ng lahat ng banal at nananalig sa lahat ng panahon sa pagbabasa ng Biblia ay isa itong napakahalagang bagay. Sasasabihin pa nga ng ilan na, ang pagbabasa ng Biblia at pagdarasal ay kasinghalaga ng dalawang paa natin para makalakad, na kung wala ang alinman dito ay hindi tayo uusad. Pero sinabi na ng Panginoong Jesus: “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).Dis 9, 2018
Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?
Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?
Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at kahit na ang layunin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, ang paraan kung paano Siya gumagawa ay palaging nagbabago, at sa gayon pati na rin ang mga tagasunod ng Diyos. Mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago ayon sa Kanyang gawa. Gayon pa man, dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago angEbanghelyomga hindi nakakakilala sa gawa ng Banal na Espiritu at ang yaong mga balintunang tao na hindi nakakaalam sa katotohanan ay nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kailanman nakiayon ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, dahil ang Kanyang gawain ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya kailanman inuulit ang gawaing luma sa halip ay sumusulong sa gawaing kailanman ay hindi pa nagawa.
Okt 31, 2018
Tagalog Christian Testimony Video | "Nagising" (Tagalog Dubbed)
Tagalog Christian Testimony Video | "Nagising" (Tagalog Dubbed)
Ang pangalan niya'y Chen Xi, at simula noong maliit pa siya dahil sa edukasyon at impluwensya ng kanyang mga magulang at kanyang pag-aaral ay nais niya palaging mahigitan ang ibang tao at maging mas mataas kaysa sa iba, kaya't masigasig siya sa kanyang pag-aaral at walang sinasayang na pagkakataon. Matapos maniwala sa Diyos binasa ni Chen Xi ang napakaraming salita ng Diyos at naunawaan niya ang ilang katotohanan. Nakita niya na ang tanging wastong landas sa buhay ay ang maniwala sa at sumunod sa Diyos at naging masugid na mananaliksik, at napaka-aktibo sa pagganap sa kanyang tungkulin.
Set 21, 2018
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kahulugan ng Dasal" (Tagalog songs)
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Ang Kahulugan ng Dasal" (Tagalog songs)
I
Ang panalangin ay isa sa mga paraan
kung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,
upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng Diyos.
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwanagan at magiging matatag.
Ang panalangin ay isa sa mga paraan
kung paano nakikipagtulungan ang tao sa Diyos,
upang tumawag sa Kanyang Espiritu at maantig ng Diyos.
Kung Mas higit kang manalangin, mas lalo kang maaantig,
maliliwanagan at magiging matatag.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)