Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas. Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan?
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sakuna. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Sakuna. Ipakita ang lahat ng mga post
Hul 30, 2018
Hun 23, 2018
Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumukod sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi ang kapalaran at patutunguhan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna."
Mga etiketa:
Diyos,
kapalaran,
Mga Pagbasa,
Sakuna,
salita ng Diyos
Mar 17, 2018
Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna
Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna
Muling, Beijing
Agosto 16, 2012
Noong Hulyo 21, 2012, nakita ng Beijing ang pinakamabigat na pagbagsak ng ulan sa loob ng animnapung taon. Sa malakas na buhos ng ulan na iyon nakita ko ang mga gawa ng Diyos at nakita ko kung paano Niya inililigtas ang tao.
Nang hapon na iyon nagkita kami ng aking tatlong kapatid na babae. Sa labas ang ulan ay patuloy na bumubuhos. Sa ganap na ika-4:30 ng hapon, ang aking asawa, na isang hindi mananampalataya, ay bumalik at sinabi sa amin na napakaraming tubig sa rotonda na ang mga tao ay hindi na makasakay. Magkagayunman, sa ganap na ika 5:00 ng hapon nagmamadali siyang umalis papunta sa kaniyang panggabing trabaho. Nang oras na iyon ay wala akong naramdaman na anumang kakaiba, at nagpatuloy na gumawa ng aming hapunan gaya ng dati. Sa ganap na ika 7:00 ng gabi ang nangungupahan sa amin ay biglang kumatok sa pinto na tinatawag ako, at nang ako ay lumabas upang tingnan, aking nakita ang pinakakagimbal-gimbal na pangyayari sa buhay ko: Napuno na ng tubig-ulan ang looban at pumapasok sa silangan at kanlurang bahagi ng bahay, habang ang tubig sa lupa ay patuloy sa pagtaas. Sinubukan namin ng aking anak na harangan ang daloy ng tubig, pero walang nangyari. Sa kawalang pag-asa, lumuhod ako sa tubig, tumatawag sa Diyos, “Diyos ko, sumasamo ako sa Iyo na magbukas Ka ng daan palabas para sa akin.” Sa puntong ito ang kompanya ng aking asawa ay tumawag at nagtanong kung siya ay nasa bahay, at habang sinasagot ko ang tawag, ang tubig ay pumapasok na sa pangunahing bahagi ng bahay. Napagtanto ko ngayon kung gaano kaseryoso ang mga bagay, at nagsimulang mag-alala sa aking asawa na wala akong ideya kung anong nangyari sa kaniya. Lumuhod akong muli sa tubig upang tumawag sa Diyos sa aking pagkabahala, “O Diyos! Tanging sa pagharap lamang sa biglang pagbahang ito na nararamdaman ko sa aking sarili ang Iyong galit, at napagtanto ang aking sariling paghihimagsik at pagtataksil. Magagawa Mong ibaling ang aming mga puso tungo sa Iyo, at mabuhay nang madali na umaasa sa Iyo, gayon man kumakapit pa din ako sa aking pamilya, sa aking asawa at anak at hindi bumibitaw. O Diyos! Tanging ngayon lamang na naunawaan ko na sa pagitan ng mga tao wala sinuman ang makakapagdala ng kahit ano sa kahit sino, at walang makakapagligtas sa sinuman; Sa Iyo lamang ako makakaasa. Ang aking asawa ay higit na sa apat na oras na papunta sa trabaho, ngunit hindi pa nakakarating sa kompanya, at hindi ko alam kung anong maaaring nangyari sa daan. Maluwag sa kalooban ko na ipinagkakatiwala siya sa Iyong mga kamay, at anumang mangyari, maluwag ang kalooban ko na susunod sa Iyong pagsasaayos at kaayusan!” Nagpatuloy ako na manalangin ng tulad nito nang paulit-ulit, at bandang ika- 9:00 ng gabi ang aking asawa ay biglang nakatayo sa harap ko na basang-basa. Walang humpay kong pinasalamatan ang Diyos sa aking puso sa pagliligtas sa kaniya. Sa oras na ito ang tubig sa kwarto ay nasa dulo na ng aking hita at kinuha ko ang aking asawa at sinabing, “Manalangin tayo, ang ating buhay ay nakasalalay sa Diyos.” Ang aking asawa ay tumango sa pagsang-ayon, at kami ay lumuhod sa tubig na magkasama sa panalangin. Habang kami ay nananalangin, bigla kong narinig ang nangungupahan sa amin na sumisigaw, “Ang tubig ay humuhupa! Ito ay humuhupa!” Sa aking puso ako ay nanabik; sa labas ang ulan ay bumubuhos, kaya paanong ang tubig ay humuhupa? Ito ay ang pagka-makapangyarihan ng Diyos! Gaano kaibig-ibig, gaano katiwa-tiwala ang Diyos; Lubos Niyang mahal ang tao. Tayo ay lubhang walang halaga at mapanghimagsik, ang Diyos ay naaawa sa atin, at iniintindi ang ating mga iyak at inililigtas tayo mula sa kalamidad. Hindi ko talaga alam kung anong mga salita ang makakapagpahayag sa aking pasasalamat at pagsamba sa Diyos.
Mga etiketa:
Kaligtasan,
langit,
Mga Patotoo,
Panalangin,
Sakuna
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)