Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na galit ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na galit ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 27, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Dapat Wasakin ng Diyos ang Sodoma

Gen 18:26 At sinabi ni Jehova, Kung makasumpong Ako sa Sodoma ng limampung matuwid sa loob ng lungsod, patatawarin Ko ang buong lugar, alang-alang sa kanila.

Gen 18:29 At siya’y muling nagsalita pa sa Kanya, at sinabi, Marahil ay may masusumpungang apatnapu. At sinabi Niya, Hindi Ko gagawin.

Gen 18:30 At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong tatlumpu. At sinabi Niya, Hindi Ko gagawin.

Gen 18:31 At kanyang sinabi, kung sakaling may masusumpungan doong dalawampu. At sinabi Niya, Hindi Ko lilipulin.

Gen 18:32 At sinabi niya, kung sakaling may masusumpungan doong sammpu. at sinabi Niya, Hindi Ko lilipulin.

Ito ang ilang mga siping napili Ko mula sa Biblia. Hindi ito ang kumpleto at orihinal na mga bersyon. Kung nais ninyong makita ang mga iyon, maaari ninyo mismong tingnan sa Biblia; upang makatipid sa oras, inalis Ko ang orihinal na bahagi ng nilalaman. Pinili Ko lamang dito ang ilang pangunahing sipi at pangungusap, at iniwan ang ilang pangungusap na walang kinalaman sa ating pagbabahagi ngayon. Sa lahat ng sipi at nilalaman na ating ibinabahagi, hindi natin pagtutuunan ng pansin ang mga detalye ng mga kuwento at asal ng tao sa mga kuwento; sa halip, pag-uusapan lang natin ang mga kaisipan at ideya ng Diyos sa panahong iyon. Sa mga kaisipan at ideya ng Diyos, makikita natin ang disposisyon ng Diyos, at mula sa lahat ng ginawa ng Diyos, makikita natin ang tunay na Diyos Mismo—at makakamtan natin mula rito ang ating layunin.
Sodoma,galit ng Diyos

Pinagtutuunan Lamang ng Pansin ng Diyos ang mga Nakakasunod sa Kanyang mga Salita at Sinusunod ang Kanyang mga Utos

Hul 6, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan


Yaong mga kabilang sa mga kapatiran na palaging nagbubulalas ng kanilang pagiging-negatibo ay mga sunud-sunuran kay Satanas at ginagambala nila ang iglesia. Isang araw ang mga taong ito ay kailangang maitiwalag at maalis. Sa kanilang paniniwala sa Diyos, kung ang mga tao ay hindi nagtataglay sa loob nila ng isang pusong gumagalang sa Diyos, kung sila ay walang puso na masunurin sa Diyos, kung gayon hindi lamang sa sila ay hindi makagagawa ng anumang gawain para sa Diyos, kundi sa kabaligtaran ay magiging mga tao na gumagambala sa gawain ng Diyos at mga sumusuway sa Diyos.

Set 10, 2018

Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan (Tagalog Dubbed)


Mga Pagsasalaysay | Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan (Tagalog Dubbed) 


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Aking awa ay nahahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatakwil ng kanilang mga sarili. At ang kaparusahang sumapit sa masama ay tiyak na patunay ng Aking matuwid na disposisyon at, higit pa, patotoo sa Aking poot.