Maaaring nagtatanong ang ilan sa mga kapatid: Sinasabi mo na ang Panginoon ay nagbalik na, ngunit papaano n’yo ito nalalaman sa inyong mga sarili? Sa anong batayan mo nalaman na Siya Mismo ang Diyos? Mga kapatid, kung gusto nating malaman kung ang Diyos ay dumating na o hindi, kailangan natin sa isang banda na umasa sa patotoo ng Banal na Espiritu, at sa kabilang banda ay kailangang ibatay ito sa gawaing ginawa ng Diyos. Alam nating lahat na bago ginampanan ng Panginoong Jesus ng Kanyang ministeryo, walang sinumang nakaalam na Siya ang Mesias na darating. Ngunit noong nagsimula ang Panginoong Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, personal na sumaksi ang Banal na Espiritu sa Kanya para alam ng tao ang tunay na pagkakakilanlan ng Panginoong Jesus. Kung hindi dahil sa patotoo ng Banal na Espiritu, hindi nakilala ng tao na Siya ang nagkatawang-taong Diyos. Samakatuwid, ang kaalaman ng tao na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo ay batay sa patotoo ng Banal na Espiritu. Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos patungkol sa ganitong aspeto ng katotohanan ay napakalinaw: “Sa simula, nang hindi pa nasisimulan ni Jesus ang pagsasagawa ng Kanyang ministeryo, katulad ng mga disipulong sumunod sa kanya, minsan ay dumalo rin Siya sa mga pagtitipon, at umawit ng mga himno, nagbigay ng papuri, at binasa ang Lumang Tipan sa templo. Matapos Niyang mabautismuhan at umahon, ang Espiritu ay opisyal na bumaba sa Kanya at nagsimulang gumawa, ibinubunyag ang Kanyang pagkakakilanlan at ang ministeryo na isasagawa Niya. Bago ito, walang nakakaalam sa Kanyang pagkakakilanlan…. Si Jesus ay 29 nang Siya ay sumailalim sa bautismo. Nang matapos ang Kanyang bautismo, nagbukas ang kalangitan, at isang tinig ang nagsabi: ‘Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.’ … Kung nagsagawa ng dakilang gawain si Jesus bago magpatotoo ang Banal na Espiritu sa Kanya, ngunit wala ang patotoo ng Diyos Mismo, kaya gaano man kadakila ang Kanyang gawain, hindi malalaman ng mga tao ang Kanyang pagkakakilanlan, dahil hindi magkakaroon ng kakayahan ang mga mata ng tao na makita ito. Kung wala ang hakbang ng pagpapatotoo ng Banal na Espiritu, walang makakikilala sa Kanya bilang Diyos na nagkatawang-tao” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na saksi. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na saksi. Ipakita ang lahat ng mga post
Dis 1, 2018
Patungkol sa pagbalik ng Panginoon, nakasulat sa Mateo 24:36: “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.” Walang sinumang makakaalam kung kailan babalik ang Panginoong Jesus, kaya paano mo nalaman na nakabalik na ang Panginoong Jesus? Talagang parang mahirap isipin ‘yan!
Sagot:
Okt 1, 2018
Tagalog Christian Movie | The Lord Has Returned "Kumakatok sa Pintuan" (Tagalog Dubbed Movie Trailer)
Dalawang libong taon na ang nakararaan, iprinoposiya ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20).
Set 10, 2018
Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan (Tagalog Dubbed)
Mga Pagsasalaysay | Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan (Tagalog Dubbed)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang Aking awa ay nahahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatakwil ng kanilang mga sarili. At ang kaparusahang sumapit sa masama ay tiyak na patunay ng Aking matuwid na disposisyon at, higit pa, patotoo sa Aking poot.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)