4. Ano ang tunay na panalangin?
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama mo na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapatutunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa.