Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos – Pambungad
Ang “Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob” ay mga pagbigkas na ipinahayag ni Cristo, kung saan ay tinataglay Niya ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Saklaw ng mga ito ang panahon mula Pebrero 20, 1992 hanggang Hunyo 1, 1992, at binubuo sa kabuuan ng apatnapu’t pitong mga pagbigkas. Sa bahaging ito ng mga pagbigkas, ipinapahayag ng Diyos ang Kanyang mga salita mula sa pananaw ng Espiritu. Ang paraan ng Kanyang pagsasalita ay hindi maaabot ng nilikhang sangkatauhan. Bukod dito, ang bokabularyo at estilo ng Kanyang mga salita ay maganda at nakakaantig, at walang anyo ng panitikan ng tao ang maaaring humalili sa mga ito. Ang mga salitang pinanglalantad Niya sa tao ay tumpak, ang mga ito ay hindi mapapasinungalingan ng anumang pilosopiya, at dinadala nila ang lahat ng tao sa pagpapasakop. Tulad ng matalas na tabak, ang mga salitang pinanghahatol Niya sa tao ay tumatagos nang diretso sa kailaliman ng mga kaluluwa ng mga tao, hanggang wala na silang lugar na mapagtaguan. Ang mga salitang pinang-aaliw Niya sa mga tao ay nagtataglay ng awa at kagandahang-loob, magiliw ang mga ito na tulad ng yakap ng isang mapagmahal na ina, at ipinaparamdam ng mga ito sa mga tao na ligtas sila higit kailanman. Ang kaisa-isang pinakadakilang katangian ng mga pagbigkas na ito ay, sa yugtong ito, hindi na nangungusap ang Diyos gamit ang pagkakakilanlan ni Jehova o ni Jesucristo, ni si Cristo ng mga huling araw. Sa halip, gamit ang Kanyang likas na pagkakakilanlan-ang Manlilikha – Siya ay nagsasalita at nagtuturo sa lahat ng mga taong sumusunod sa Kanya at susunod pa sa Kanya. Makatarungang sabihin na ito ang unang pagkakataon mula sa paglikha na kinausap ng Diyos ang buong sangkatauhan. Hindi kailanman nangusap ang Diyos sa nilikhang sangkatauhan na ganito kadetalyado at napakaayos. Syempre, ito rin ang unang pagkakataon na nangusap Siya nang napakarami, at ng napakahaba, sa buong sangkatauhan. Ito ay ganap na walang katulad. Ano pa, ang mga pagbigkas na ito ang unang teksto na ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan na kung saan ay inilantad Niya ang mga tao, ginabayan sila, hinatulan sila, at nagsalita ng puso-sa-puso sa kanila at kaya, ito rin ang unang mga pagbigkas na kung saan ay ipinaalam ng Diyos sa mga tao ang Kanyang mga yapak, ang lugar kung saan Siya ay namamalagi, ang disposisyon ng Diyos, kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, ang mga kaisipan ng Diyos, at ang pag-aalala Niya para sa sangkatauhan. Maaaring sabihin na ang mga ito ay ang mga unang pagbigkas na ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan na nagmula sa ikatlong langit mula noong paglikha, at ang unang pagkakataon na ginamit ng Diyos ang Kanyang likas na pagkakakilanlan upang magpakita at ipahayag ang Kanyang tinig sa sangkatauhan sa pamamagitan ng mga salita.
Ang mga pagbigkas ay malalim at hindi maarok; ang mga ito ay hindi madaling maintindihan, at hindi rin posibleng maunawaan ang mga pinagmulan at mga layunin ng mga salita ng Diyos. Kaya, nagdagdag si Cristo ng paliwanag pagkatapos ng bawat pagbigkas, gamit ang wika na madaling maintindihan ng tao upang magdala ng kalinawan sa mas malawak na bahagi ng mga pagbigkas. Ito, kalakip ang mga mismong pagbigkas, ay ginagawang mas madali para sa lahat upang maunawaan at malaman ang mga salita ng Diyos. Ginawa namin ang mga salitang ito na isang karagdagan sa “Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob.” Sa mga iyon, si Cristo ay nagbibigay ng mga paliwanag gamit ang pinaka-madaling maunawaan na paraan ng pagsasalita. Ang kumbinasyon ng dalawa ay ang perpektong pagsasanib ng pagka-Diyos at ng Diyos sa sangkatauhan. Kahit na nagsasalita ang Diyos mula sa pananaw ng ikatlong tao dito sa karagdagan, walang sinuman ang maaaring magtanggi na ang mga salitang ito ay personal na binigkas ng Diyos, sapagka’t walang tao ang maaaring magpaliwanag sa mga salita ng Diyos nang malinaw; tanging ang Diyos Mismo ang maaaring magpaliwanag sa mga pinagmulan at mga layunin ng Kanyang mga pagbigkas. Kaya, kahit na nagsasalita ang Diyos gamit ang maraming mga paraan, ang mga hangarin ng Kanyang gawain ay hindi kailanman nagbabago, hindi rin kailanman nagbabago ang layunin ng Kanyang plano.
Kahit na ang “Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob” ay nagtatapos sa isang pagbigkas na kung saan ay humiwalay ang Diyos sa tao, sa katunayan, ito ay noong opisyal na ipinakita ang gawain ng Diyos na panlulupig at pagliligtas sa tao, at ang Kanyang gawain na pagperpekto sa mga tao. Kaya, mas angkop para sa atin na ituring ang “Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob” bilang ang propesiya ng gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sapagka’t pagkatapos lamang ng puntong ito na ang nagkatawang-taong Anak ng tao ay opisyal na nagsimulang gumawa at magsalita gamit ang pagkakakilanlan ni Cristo, naglalakad sa kalagitnaan ng mga iglesia at nagbibigay ng buhay, at nagdidilig at nagpapastol sa lahat ng Kanyang mga tao-na naging dahilan sa pagbangon ng maraming mga pagbigkas sa “Ang mga Salita ni Cristo nang Siya’y Naglakad sa mga Iglesia.”
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento