Ang mga Fariseong Judio noon ay nalantad na mga anticristo dahil sa gawain ng Panginoong Jesus. Ang mga pastor at elder sa kasalukuyan, ay nalantad ding mga anticristo dahil sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Pare-pareho silang namumuhi sa katotohanan. Ang sabi nga sa Biblia: “Sapagka’t maraming mandaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, na hindi nagpapahayag na si Jesucristo ay pumaparitong nasa laman. Ito ang mandaraya at ang anticristo” (2 Juan 1:7). “Dito’y nakikilala ninyo ang Espiritu ng Dios: Ang bawa’t espiritung nagpapahayag na si Jesucristo ay pumarito sa laman ay sa Dios: At ang bawa’t espiritung hindi ipinahahayag si Jesus, ay hindi sa Dios: at ito ang sa anticristo, na inyong narinig na darating; at ngayo’y nasa mundo na” (1 Juan 4:2-3). Kaya makakasiguro tayong lahat ng ayaw tumanggap na dumating na ang Diyos sa katawang-tao ay anticristo. Lahat ng tumutuligsa’t kumakalaban sa Diyos sa katawang-tao ay anticristo. Siguradong tatanggapin ng mga tunay na nananalig ang gawain ng Diyos sa katawang-tao. Sigurado namang tutuligsain at kakalabanin Siya ng mga hindi taos na nananalig at nakakakilala sa Diyos. Inilantad na ng gawain ng Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, ang lahat ng anticristo at ihiniwalay ang mga tupa sa mga kambing, ang mabubuti sa masasama. Sa gano’n inayos ang tao ayon sa sarili niyang uri. Kaya kung hindi matukoy ng mga nananalig ang mga anticristo, napakadali silang malilinlang at makokontrol, at mahihirapan silang makabalik sa luklukan ng Diyos.
Rekomendasyon:
Ano ang Ebanghelyo ?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento