Napakarami ng tungkol sa mga tao ang lihis at mali, hindi nila kailanman magagawang maunawaan sa kanilang mga sarili, at kaya kailangan pa ring gabayan sila sa pagpasok sa tamang landas; sa ibang pananalita, nagagawa nilang ayusin ang kanilang mga buhay pantao at mga buhay espirituwal, ilagay ang parehong mga aspeto sa pagsasagawa, at walang pangangailangan para sa kanila na palaging sinusuportahan at ginagabayan. Tanging sa gayon nila tataglayin ang tunay na tayog. Ang ganito ay mangangahulugan na, sa hinaharap, kapag walang sinuman para gabayan ka, makararanas ka pa rin sa sarili mo. Sa kasalukuyan, kung makarating ka sa pagkaunawa sa kung ano ang mahalaga at hindi, sa hinaharap, magagawa mong makapasok sa katotohanan. Sa kasalukuyan, kayo ay inaakay patungo sa tamang landas, tinutulutan kayo na maunawaan ang maraming katotohanan, at sa hinaharap magagawa ninyong mas lumalim pa. Maaaring sabihin na ang ipinauunawa sa mga tao ngayon ay ang pinakadalisay na paraan. Sa kasalukuyan, ikaw ay dinadala sa tamang landas—at kung, isang araw, walang sinuman ang gagabay sa iyo, magsasagawa ka at susulong nang mas malalim alinsunod sa pinakadalisay sa lahat ng mga landas. Ngayon, ipinauunawa sa mga tao kung ano ang tama, at kung ano ang lihis, at pagkatapos maunawaan ang mga bagay na ito, sa hinaharap ang kanilang mga karanasan ay lalalim. Sa kasalukuyan, ang mga bagay na hindi ninyo nauunawaan ay binabaligtad, at ang landas ukol sa positibong pagpasok ay ibinubunyag sa inyo, pagkatapos ay magwawakas ang yugto ng gawaing ito, at sisimulan ninyong lakaran ang landas na nararapat sa inyong mga tao. Sa panahong iyon, ang Aking gawain ay matatapos, at mula sa puntong iyon pasulong hindi na kayo makikipagkita sa Akin. Sa kasalukuyan, ang inyong tayog ay masyado pang maliit. Maraming mga paghihirap na mga bagay ukol sa sangkap at kalikasan ng tao, at kaya, pati, mayroong ilang mga bagay na naka-ugat nang malalim na hindi pa nahuhukay. Hindi ninyo nauunawaan ang mas maliliit na detalye ng sangkap at kalikasan ng mga tao, at kailangan pa rin Ako para banggitin ang mga ito; kung hindi, hindi ninyo malalaman. Kapag ito ay nakaabot sa isang partikular na punto at ang mga bagay sa loob ng inyong mga buto at dugo ay nailalantad, ito ang kilala bilang pagkastigo at paghatol. Kapag ang Aking gawain ay ganap at lubos na naipatupad saka Ko lamang wawakasan ito. Habang kayo ay nalalantad nang mas malalim, lalong mas maraming karunungan ang inyong tataglayin, at ito ay magiging napakahalaga sa inyong pagpapatotoo at pagka-perpekto sa hinaharap. Kapag ang gawain ng pagkastigo at paghatol ay lubos nang naipatupad saka lamang ito magiging ang kabuuan ng Aking gawain, tutulutan lahat kayo na makilala Ako mula sa Aking pagkastigo at paghatol. Hindi lamang ang Aking disposisyon at pagiging matuwid ang inyong makikilala, ngunit, ang mas mahalaga, makikilala ninyo ang Aking pagkastigo at paghatol. Marami sa gitna ninyo ang mayroong malalaking pagkaintindi tungkol sa pagiging bago at pagiging detalyado na naitatampok sa Aking gawain. Maging anuman, kailangan ninyong makita na ang Aking gawain ay bago at detalyado, at tinuturuan Ko kayo na magsagawa nang harapan, na magkakasama. Tanging ito ang kapaki-pakinabang sa inyong pagsasagawa at sa inyong paninindigan sa hinaharap; kung hindi, kayo ay magiging kagaya ng mga dahon sa taglagas, lanta, naninilaw at tuyo, wala ni kaunting halaga. Dapat ninyong malaman na nalalaman Ko ang lahat ukol sa inyong mga puso at mga espiritu; at kaya, pati, ang gawain na Aking ginagawa at ang mga salita na Aking sinasabi nang napakabanayad. Batay sa inyong disposisyon at kakayahan, kailangan kayong pakitunguhan nang gayon. Tanging sa ganitong paraan magiging mas malinaw ang inyong kaalaman ukol sa Aking pagkastigo at paghatol, at kahit na hindi mo nauunawaan ngayon, bukas ay maaaring malaman mo. Ang sinumang nilikha ay dapat mabuwal sa gitna ng Aking mga salitang pagkastigo at paghatol, sapagkat hindi Ko pinahihintulutan ang paglaban ng sinumang tao sa Akin.
Kailangang kontrolado ninyo lahat ang inyong sariling mga buhay. Sa bawat araw ay makapag-aayos kayo paano man ninyo naisin, malaya kayong gawin anuman ang inyong ibigin, maaari kayong magbasa, makinig, at magsulat, at kung gugustuhin ninyo, maaari kayong magsulat ng mga himno. Ang lahat bang ito ay hindi bumubuo sa isang angkop na buhay? Ang lahat ng mga ito ay mga bagay na kailangang nakapaloob sa buhay ng isang tao. Kailangang gawin ng mga tao ang likas na dumarating; kapag inani na nila ang bunga sa kanilang pagkatao at espirtuwal na mga buhay saka lamang sila ibibilang na nakapasok sa normal na buhay. Sa kasalukuyan, hindi ka lamang nagkukulang sa kabatiran at nawalan ng pagka-maykatuwiran pagdating sa pagkatao. Maraming mga pananaw na dapat maintindihan na kailangang isangkap sa mga tao, at anumang aral ang iyong masagupa, yaon ang aral na dapat mong matutuhan; kailangan mong magawang tumingin sa kapaligiran, at makibagay rito. Ang pagpapaunlad sa antas ng iyong edukasyon at kakayahang magbasa at magsulat ay kailangang gawin nang pangmatagalan. Sa gayon ka lamang makapipitas ng ani. Tungkol naman sa pamumuhay sa normal na pagkatao, mayroon pa ring mga bagay na dapat mong isangkap sa iyong sarili, at kailangan mo ring magsumikap sa pagpasok ng iyong sariling buhay. Sa pagdating hanggang sa kasalukuyan, maraming mga bagay na sinalita noong una na hindi mo naunawaan—ngunit sa muling pagbasa sa mga ito sa araw na ito ay naunawaan mo, at sa iyong puso ikaw ay naging lalong matatag. Ito rin ay pamimitas ng ani. Sa araw na kumain ka at uminom ng mga salita ng Diyos at mayroong kaunting kaalaman sa loob mo, malaya kang magpahayag sa iyong mga kapatid. Hindi ba ito ang buhay na dapat mong taglayin? May mga pagkakataon, nagtatanong ka ng ilang mga katanungan o nag-iisip ng isang paksa at pinapahusay ka sa paghahambing, at nabibigyan ka ng mas maraming kabatiran at karunungan, nagtutulot sa iyo na maunawaan ang ilang mga katotohanan—at hindi ba ito ang nilalaman sa loob ng espirituwal na buhay na tinatalakay sa kasalukuyan? Hindi katanggap-tanggap na magsagawa lamang ng isang aspeto ng espirituwal na buhay; ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, ang pananalangin, at pag-awit ng mga himno lahat ay bumubuo sa espirituwal na buhay, at kapag taglay mo ang espirituwal na buhay, kailangan mo ring taglayin ang isang buhay ng normal na pagkatao. Sa kasalukuyan, karamihan ng mga nasasabi ay para bigyan ang mga tao ng pagka-maykatwiran at kabatiran, para tulutan sila na taglayin ang isang buhay ng normal na pagkatao. Ang kahulugan ng pagkakaroon ng pananaw, ang kahulugan ng pagkakaroon ng normal na personal na pakipag-ugnayan sa ibang tao, kung paano ka dapat makisalamuha sa mga tao—dapat mong sangkapan ang iyong sarili ng mga bagay na ito sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos at ang kinakailangan sa iyo ay matatamo sa pamamagitan ng normal na pagkatao. Dapat mong sangkapan ang iyong sarili ng mga bagay na kailangan mong isangkap, ngunit huwag kang lalabis; ginagamit ng ilang mga tao ang lahat ng uri ng mga salita at bokabularyo, at sa ganitong paraan sila ay nagmamapuri. Mayroon ding iba na binabasa ang lahat ng uri ng mga aklat, na nagbibigay ng kalayaan sa mga pagnanasa ng laman. Pinag-aaralan pa nila at tinutularan ang mga talambuhay at mga panipi ng mga kilalang tao sa mundo, at nagbabasa ng mga aklat ng pornograpiya—ito ay lalong mas nakakatawa! Ang mga taong kagaya nito ay hindi lamang sa hindi nalalaman ang landas sa pagpasok sa buhay, ngunit, higit sa rito, hindi nalalaman ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan, at hindi nila nalalaman kung paano gugulin ang bawat araw. Ang kanilang mga buhay ay masyadong hungkag! Sila ay ganap na mangmang ukol sa kung ano ang mga dapat nilang pasukin mismo. Ang tanging ginagawa nila ay magsalita at makipag-usap sa iba, na parang ang pagsasalita ay kahalili ng kanilang sariling pagpasok. Wala ba silang nakikilalang kahihiyan? Ang mga ito ay mga taong hindi nalalaman kung paano mabuhay, at mga hindi nauunawaan ang buhay ng tao; ginugugol nila ang buong maghapon sa pagpapaganda ng kanilang mga mukha, at gumagawa ng walang katuturang mga bagay—at ano ang halaga ng pamumuhay sa ganitong paraan? Nakita Ko na para sa maraming mga tao, bukod sa paggawa ng kanilang mga gampanin, pagkain, at pagdadamit, sa buong maghapon ang kanilang mahalagang oras ay pinupunan ng walang halagang mga bagay, maging ito man ay katuwaan o pakikipaglokohan, pakikipagkita sa mga kaibigan o pakikipagdaldalan, o pagtulog nang mahimbing. Ang gayon bang buhay ay buhay ng mga banal? Ito ba ang buhay ng mga normal na tao? Maaari ka bang gawing perpekto kung ang iyong buhay ay aba, paurong, at mapagwalang-bahala? Nakahanda ka bang isuko ang iyong sarili kay Satanas para sa wala? Kapag ang mga buhay ng mga tao ay maayos, at walang pagdurusa sa kanilang kapaligiran, wala silang kakayahan na magdanas. Sa maginhawang mga kapaligiran, madali para sa mga tao na maging ubod ng sama—ngunit ang gipit na mga kapaligiran ay aapurahin kang manalangin, at hahamunin kang huwag iwan ang Diyos. Habang lalong magaan at nakababagot ang kanilang mga buhay, lalong nadarama ng mga tao na walang halaga ang mabuhay, at mas makabubuting sila ay patay. Ganito kasama ang laman ng mga tao; maaari lamang silang tumanggap ng mga pakinabang kung makararanas sila ng mga pagsubok.
Ang yugto ng gawain ni Jesus ay ginawa sa Judea at Galilea, at hindi alam ng mga Gentil ang ukol rito. Ang gawain na Kanyang ginawa ay nakalihim nang lubos, at walang mga bansa maliban sa Israel ang may alam ukol rito. Nang matapos ni Jesus ang Kanyang gawain at nagdulot ito ng kaguluhan saka lamang ito nalaman ng mga tao, at sa panahong iyon Siya ay nakaalis na. Dumating si Jesus upang magsagawa ng isang yugto ng gawain, kamtin ang isang grupo ng mga tao, at tapusin ang isang yugto ng gawain. Sa ano pa mang yugto ng gawain na ginagawa ng Diyos, marami ang nagsisilbi bilang isang kasalungat. Kung ito ay ipinatupad lamang ng Diyos Mismo, magiging walang kabuluhan ito; kailangang mayroong mga tao na susunod sa Diyos at magpapatupad sa yugto ng gawaing ito hanggang sa wakas. Kapag ang gawain ng Diyos Mismo ay natapos na doon pa lamang magsisimula ang mga tao na ipatupad ang gawain na inutos ng Diyos, at pagkatapos lamang noon magsisimulang lalaganap ang gawain ng Diyos. Ginagawa lamang ng Diyos ang gawain ng paghahatid sa isang bagong panahon, at ang gawaing pagpapatupad nito ay ginagawa ng mga tao. Kaya, ang gawain sa kasalukuyan ay hindi magtatagal; ang Aking buhay kasama ng tao ay hindi magpapatuloy nang napakatagal. Tatapusin Ko lamang ang Aking gawain, at ipatutupad lamang sa inyo ang tungkulin na dapat ninyong tuparin, upang ang gawaing ito at ang ebanghelyong ito ay lalaganap sa lalong madaling panahon sa mga Gentil at sa ibang mga bansa—sa panahon lamang na iyon matatapos ang tungkulin ninyong mga tao. Ang panahon sa kasalukuyan ang pinakamahalaga sa lahat. Kung babalewalain mo ito, isa ka sa yaong mga hangal; kung, sa kapaligirang ito, kinakain at iniinom mo ang mga salitang ito at dinaranas ang gawaing ito, at gayunma’y wala kang anumang layunin sa paghahangad, at walang taglay ni katiting diwa ng pasanin, anong mga inaaasahan ang mayroon ka para tukuyin? Hindi ba aalisin ang gayong mga tao?

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento