Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa “Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han” ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …
Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit
Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, “Nararapat ninyong maintindihan, hindi ninyo dapat gawing payak ang mga ito. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng ibang karaniwang gawain. Ang himala nito ay hindi maiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi basta lamang makakamit. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi rin Niya winawasak ang mga ito. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang mga nilikha at dinadalisay ang lahat ng mga bagay na nadungisan ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang mga malalaking gawain, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Matapos mabasa ang mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay payak?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Walang sinumang makakaarok sa gawain ng Diyos at karunungan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapaglalantad ng hiwaga ng kung paano madadala sa langit ang mga nananalig sa mga huling araw, kung paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol para linisin ang mga tao …. Ang maikling video na ito ay ipapakita sa iyo ang kaalaman tungkol sa tanging landas para maiangat sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon!
Isang elder si Fu Jinhua sa isang iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming iba pang mga Tsino, masigasig niyang inilaan ang kanyang sarili sa Panginoon, nagpakapagod nang lubos para sa Kanya. Partikular siyang may tiwala sa kanyang sarili, at tinuruan ang kanyang sarili na maging isang taong tunay na nagmahal sa Panginoon. Sinunod niya ang Panginoon nang maraming taon, buong puso siyang naniwala na ang Biblia ay pinukaw ngDiyos, at ang mga salita sa Biblia ay salita lahat ng Diyos. Kung kaya, sa kanyang isipan, inihalintulad niya ang paniniwala sa Panginoon bilang paniniwala sa Biblia. Inisip niya na ang mga taong humiwalay mula saBibliaay hindi matatawag na mga tagasunod ng Panginoon. Naniwala rin siya na kailangan lamang umayon ng mga tao sa Biblia upang madala sa kaharian ng langit kapag bumaba ang Panginoon na nasa mga alapaap. Kaya kapag nagsimulang magpatotoo ang isang lupon ng mga tao sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, naniwala si Fu Jinhua sa mga maling paniwala ng mga relihiyosong pastor at elder, at hindi na hinangad ang mag-imbestiga pa sa mga bagay-bagay.
Magmula noong maliit siya, naniwala si Novo sa Panginoong Jesus, tulad ng kanyang ina. Kahit na madalas siyang nagbabasa ng Biblia, nagdarasal, at dumadalo sa mga sermon, madalas niyang hindi mapigilang sundan ang mga masasamang kalakaran ng mundo, hanapin ang mga kasayahan ng laman, at magsinungaling at mandaya … Maraming beses siyang nagpasyang iwaksi ang buhay na paulit-ulit sa pagkakasala at pangungumpisal, pangungumpisal at pagkakasala. Subalit, palagi siyang nabibigo. Paglaon, noong nagtatrabaho si Novo sa Taiwan, narinig niya ang ebanghelyo ng kaharian, at sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos naisip niya na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at na ang Kanyang gawain ng paghatol at pagpapadalisay sa mga huling araw ay ganap na makakayang lutasin ang problema ng makasalanang kalikasan ng sangkatauhan. Kaya tinanggap niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw nang may pusong puno ng galak. Pagkalipas ng dalawang taon, bumalik si Novo sa Pilipinas at sinimulang tuparin ang kanyang tungkulin sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natagpuan niya ang kanyang layunin at direksyon sa buhay, at magmula noon nakauwi na sa wakas ang kanyang pagala-galang puso.
Maraming mga pastor at mga elder ng relihiyon, dahil maraming taon na silang sumasampalataya sa Diyos, ang palaging masipag na gumagawa para sa Panginoon at nananatiling mapagmasid, naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon, naniniwala sila na sa pagdating ng Panginoon tiyak na magbibigay Siya sa kanila ng pagbubunyag. Ang pananaw bang ito ay umaayon sa mga katunayan ng gawain ng Diyos? Tiyak bang magbibigay ng pagbubunyag ang Diyos sa tao kapag Siya ay nagkatawang-tao? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hindi pinag-aaralan ng tao ang bagong gawain ng Diyos nang maingat ni tinatanggap ito nang may pagpapakumbaba; sa halip, ang tao ay pumapanig sa asal na pag-aalipusta, naghihintay sa mga paghahayag at paggabay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng tao na naghihimagsik at tumututol sa Diyos? Paano makakamit ng ganoong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?”(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (1) | "Ang Hiwaga ng Pagdating ng Anak ng Tao"
Sa pagsasalita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, sinabi ng Panginoong Jesus, “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). ” Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Binabanggit ng mga propesiyang ito na “ang Anak ng tao ay darating” o “ang pagdating ng Anak ng tao,” kung gayon ano ba talaga ang ibig sabihin ng “pagdating ng Anak ng tao”? Sa anong paraan gagawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang pagbabalik? Ipapaalam sa inyo ng maikling pelikulang ito ang katotohanan.
Si Lin Bo’en ay isang elder noon sa isang bahay na iglesia sa China. Sa lahat ng kanyang mga taon bilang isang mananampalataya, ikinarangal niya ang magdusa para sa Panginoon, at pinahalagahan ang kaalaman at pagkakamit ng Panginoong Jesucristo nang higit sa anupaman sa mundo. Isang nakatadhanang araw, lumabas siya upang mangaral at may narinig na nakabibiglang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa katawang-tao, at Siya ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naguluhan si Lin Bo’en. Sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay dapat bumaba sa mga ulap, kaya bakit Siya magkakatawang-tao Mismo at lihim na gagawin ang Kanyang gawain? Anong mga hiwaga ang nakatago sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Kung totoong nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa tayo dinala? … Nagkaroon ng isang matinding debate sa pagitan ni Lin Bo’en at ng kanyang mga kasamahang manggagawa at mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos … Mauunawaan ba nila sa wakas na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao?
Panimula Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan. Pagkatapos ng maraming taon na pinangangalagaan ng ibang tao, nakaramdam ng lungkot si Wenya at kawalan ng pag-asa, at pinananabikan ang init ng isang tahanan. Nakabalik lamang siya sa piling ng kanyang Itay noong nagdiborsyo ang kanyang Itay at madrasta at magmula noon nagkaroon na siya ng tahanan, sa hirap o ginhawa.
Nang lumaki si Wenya, siya ay naging napaka-ingat at masunurin, at nag-aral nang mabuti. Ngunit noong siya’y nagsisikap pa lamang sa paghahanda para sa eksamen para sa pagpasok sa kolehiyo, dumating sa kanya ang mga kasawian: nagkaroon ng pagdurugo sa utak ang kanyang ina at naging paralisado at naratay. Inabandona ng kanyang madrasto ang kanyang ina at kinamkam pa ang lahat ng kanyang ari-arian, at pagkatapos, ang kanyang itay ay naospital dahil sa kanser sa atay…. Hindi makayanan ni Wenya ang lahat ng responsibilidad sa kanyang pamilya, kaya dumulog siya sa mga kamag-anak at kaibigan, ngunit tinanggihan siya. …
Noong panahong nagdurusa si Wenya at wala nang matakbuhan, dalawang kapatid mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang tumestigo kay Wenya, sa kanyang ina at kapatid sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Naunawaan nila ang ugat ng paghihirap sa buhay ng mga tao mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at naunawaan na matatamo lamang ng mga tao ang proteksyon ng Diyos at mabubuhay nang maligaya kapag sila ay humarap sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng kaginhawahan mula sa mga salita ng Diyos nagawa ng ina at dalawang magkapatid na makalaya mula sa kanilang pagdurusa at kawalan ng pag-asa. Tunay na naranasan ni Wenya ang pagmamahal at pagkamaawain ng Diyos; sa wakas naramdaman niya ang init ng isang tahanan, at nagkaroon ng totoong tahanan. …
Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia. Partikular sa isang nagyeyelong gabi nang ang temperatura ay mas mababa ng 20 degrees sa zero, pinuwersa siyang hubaran, ibinabad sa nagyeyelong tubig, sinindak ng kuryente sa kanyang maselang bahagi, at puwersahang pinainom ng mustasang tubig ng mga pulis….Nagdusa siya sa malupit na pagpapahirap at hindi maipaliwanag na pagkapahiya. Sa panahon ng pagsisiyasat, nasaktan at napahiya siya. Desperado siyang nanalangin sa Diyos nang paulit-ulit. Binigyan siya ng napapanahong pagliliwanag at patnubay ng salita ng Diyos. Sa pananampalataya at lakas na tinanggap niya mula sa salita ng Diyos, nalampasan niya ang mabagsik na pagpapahirap at malademonyong pinsala at nagbigay ng kahanga-hanga at tumataginting na pagsaksi. Tulad ng bulaklak ng sirwelas sa taglamig, nagpakita siya ng matatag na kalakasan sa pamamagitan ng pamumukadkad nang may buong kapurihan sa gitna ng matinding kahirapan, na pinagmumulan ng kalugud-lugod na katahimikan …
Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa ring nagkakasala ang tao, napatawad na ng Panginoon ang kanyang mga kasalanan, agad babaguhin ang kanyang imahe para maging banal at iaangat siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Gayunman, sa nagdaang mga taon, lubhang naging mapanglaw ang iglesia, naging negatibo at mahina ang lahat ng nananalig, nanlamig ang kanilang pananampalataya at pagmamahal. Ang ilang mga katrabaho ay sumusunod sa salita ng Panginoon: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” Pinagdududahan nila ang paniwala na “Pagdating ng Panginoon, agad Niyang babaguhin ang imahe ng tao at iaangat siya sa kaharian ng langit.” Nadarama nila na dahil patuloy pa rin tayong nagkakasala, hindi pa rin natin natatamo ang kabanalan at sinusuway natin ang kalooban ng Diyos, tayo maiaangat sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon? Matapos makipag-usap at makipagtalo, nadarama ni Su Mingyue na, may ilang kontradiksyon sa pagitan ng salita ng Panginoon at ng ideya ni Pablo na agad babaguhin ang imahe ng tao pagdating ng Panginoon. Aling ideya ba naman ang tama? Problemado at nalilito ang puso ni Su Mingyue. Para makakita ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu upang lutasin ang kanyang praktikal na pagkalito, para hindi siya pabayaan ng Panginoon, nagpasiya si Su Mingyue na pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikipagtalo at pakikipag-usap sa mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa huli ay naunawaan ni Su Mingyue at ng iba ang tanging landas papasok sa kaharian ng langit …
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pelikulang Kristiano | Pananalig sa Diyos | Ang Pagsunod ba sa Yaong nasa Kapangyarihan ay Talagang Pareho sa Pagsunod sa Diyos?
Sa Biblia, sabi ni Pablo, “Ang bawa’t kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka’t walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao’y hinirang ng Dios. Kaya nga’t ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili. (Roma 13: 1-2). Paano ang pagtrato nating mga mananampalataya sa yaong nasa kapangyarihan? Ang pagsunod ba sa yaong nasa kapangyarihan ay talagang pareho sa pagsunod sa Diyos?
Maraming tao ang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan nang hindi binabatay ang mga pagkilos na ito sa mga salita at gawain ng Diyos. Sa halip, sinusunod nila ang mga takbo ng relihiyosong mundo at naniniwala sila na ang binabatikos ng Komunistang gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo ay hindi ang tunay na daan—ito ba ang tamang daan para tahakin? Sinasabi ng Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5: 19). “Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11: 29). Kung kaya, makikita na ang mga ateistang politikal na rehimen at ang relihiyosong mundo ay tiyak na itatakwil at babatikusin ang tunay na daan. Noong ginawa ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain noong Kapanahunan ng Biyaya, gigil na gigil Siyang sinalungat at hinatulan ng mga Judio at ng gobyerno ng Roma, at sa huli, ipinako sa krus ang Panginoong Jesus. Hindi ba ito ang tunay na sitwasyon? Kapag dumating ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang gawain sa mga huling araw, magdudusa Siya sa mabagsik na pagsuway at pambabatikos ng gobyerno ng Tsina at ng relihiyosong mundo. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba karapat-dapat na pagnilayan natin ito?
Sa bawat panahon na nagkakatawang-tao ang Diyos at nagpapakita para gawin ang Kanyang gawain, malupit na sinusuway at binabatikos ng masasamang puwersa ni Satanas ang tunay na daan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng digmaan sa loob ng espirituwal na mundo na humahati at naglalantad sa relihiyosong mundo. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Huwag ninyong isiping ako’y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak” (Mateo 10: 34). Noong nagpakita ang Panginoong Jesus at nagtrabaho sa Kapanahunan ng Biyaya, nahati sa maraming pangkat ang Judaismo. Sa pagpapakita ngayon at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ang relihiyosong mundo ay sumasailalim sa malaking paglalantad; ang trigo at ang mga damo, ang mga tupa at ang mga kambing, ang matatalinong birhen at ang mga hangal na birhen, at ang mga mabuting lingkod at ang mga masamang lingkod—ay lahat inilantad, ang bawat isa sa kanilang sariling uri. Tunay na hindi maarok ang karunungan at kamanghaan ng Diyos!
Pananalig sa Diyos | Ang Masusing Pagsusumikap ba para sa Panginoon ang Reyalidad ng Paniniwala sa Panginoon?
Karamihan sa mga mananampalataya ay naniniwala na hangga’t sinusunod natin ang pangalan ng Panginoon, madalas na nananalangin, nagbabasa ng Biblia at nagkakaroon ng mga pulong, at hangga’t inaabandona natin ang mga bagay, gumagastos at masusing nagsusumikap para sa Panginoon, ito ang tunay na paniniwala sa Panginoon, at madadala tayo sa kaharian ng langit kapag nagbalik ang Panginoon. Tama ba ang pananaw na ito? Sinabi ng Panginoong Jesus, “Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7: 22-23). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Wala Akong pakialam gaano man kapuri-puri ang iyong pagsisikap, kung gaano man kahanga-hanga ang iyong mga pagkamarapat, kung gaano mo man kahigpit Akong sinusunod, kung gaano ka man kabantog, o kung gaano man ang iniunlad ng iyong pag-uugali; hangga’t hindi mo ginagawa ang Aking hinihiling, hindi mo kailanman makakamit ang aking papuri” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?
Karamihan sa mga tao sa relihiyosong mundo ay naniniwala na ang Biblia ay ang panuntunan ng Cristianismo, na ang isang tao ay kailangang kumapit sa Biblia at ibatay ng buo ang paniniwala ng isang tao sa Panginoon sa Biblia, at ang isang tao ay hindi matatawag na mananampalataya kung ang isang tao ay humihiwalay sa Biblia. Kaya ang paniniwala ba sa Panginoon at paniniwala sa Biblia ay iisa at parehas? Ano ba ang eksaktong kaugnayan sa pagitan ng Biblia at ng Panginoon? Minsan nang pinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo sa mga salitang ito, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo’y magkaroon ng buhay” (Juan 5: 39-40). Patotoo lang sa Diyos ang Biblia, ngunit hindi ito naglalaman ng buhay na walang hanggan. Tanging Diyos ang katotohanan, ang daan at ang buhay. Sa sitwasyong iyon, paano natin titignan ang Biblia sa paraang naaayon sa kalooban ng Panginoon?