Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pananalig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pananalig. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 7, 2018

Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Aking tinatawag sa Aking bahay ang lahat ng Aking itinalaga upang maging tagapakinig ng Aking salita, at pagkatapos ay inilalagay ang lahat ng mga sumusunod at nananabik sa Aking salita sa harapan ng Aking trono. Yaong mga tumatalikod sa Aking salita, yaong mga hindi nakasunod at nagpasakop sa Akin, at yaong mga hayagang sumasalungat sa Akin, ay itatakwil lahat sa isang tabi upang hintayin ang kanilang huling kaparusahan. Ang lahat ng mga tao ay namumuhay sa kasamaan at sa ilalim ng kamay ng masama, kaya hindi marami sa mga taong sumusunod sa Akin ang talagang nagnanais ng katotohanan. Ibig sabihin, hindi sumasamba ang karamihan sa Akin nang may tapat na puso o nang may katotohanan, ngunit sinusubukang kunin ang Aking tiwala sa pamamagitan ng kasamaan, paghihimagsik, at mga hakbanging mapanlinlang. Sa kadahilanang ito kaya Ko sinasabi na, “Marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.” Ang lahat ng mga tinawag ay naging labis ang kasamaan at namumuhay sa parehong panahon, ngunit ang mga taong hinirang ay iyon lamang pangkat na naniniwala at tinatanggap ang katotohanan at isinasagawa ang katotohanan. Ang mga taong ito ay isa lamang napakaliit na bahagi ng kabuuan, at mula sa mga taong ito Ako ay makatatanggap ng higit pang kaluwalhatian."

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw



Ago 2, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay nangangahulugang lahat ng gawain at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay isinagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao, at sa pamamagitan ng Kanyang pagka-katawang-tao. Sa ibang salita, ang Espiritu ng Diyos ay parehong pinamamahalaan ang Kanyang gawaing pantao at ipinapatupad ang gawain ng pagka-Diyos sa katawang-tao, at sa pagkakatawang-tao ng Diyos iyong makikita ang parehong gawain ng Diyos sa pagkatao at ang ganap na gawain sa pagka-Diyos; ito ay ang tunay na kabuluhan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Kung nakikita mo ito nang malinaw, maaari mong pagdugtungin ang lahat ng iba’t-ibang bahagi ng Diyos, at titigil upang mailagay sa mataas na pagpapahalaga sa Kanyang gawain sa pagka-Diyos, at maging sobrang mapagmaliit sa Kanyang gawain sa pagkatao, at hindi ka tutungo sa mga sukdulan, o kahit na ano mang likuan. Sa pangkalahatan, ang kahulugan ng praktikal na Diyos ay ang gawain ng Kanyang pagkatao at ng Kanyang pagka-Diyos, ayon sa pamamahala ng Espiritu, ay ipinahahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, kaya’t maaaring makita ng mga tao na Siya ay buhay na buhay at makatotohanan, at tunay at aktwal."

Rekomendasyon:

Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?



Hul 26, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas

katotohanan, pananalig, katapatan, kaharian

Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatiling buhay. Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawat isang bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay, sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito, patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao, nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin. Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang pakikipagsapalaran. Kailanman hindi ako naging maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso; ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring matuto ang tao at magbago. Hindi Ko hinihingi na maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t hinihingi sa kanya na maging tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na kapanahunan ng kanyang kabataan, o tratuhin ang sarili niyang buhay na parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay Satanas. Hindi ba napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?

Hul 25, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Hanap ng Diyos ang Mga Uhaw sa Kanyang Pagpapakita

Diyos, Kristiyanismo, pananalig, Mga Biyaya





Hanap ng Diyos ang Mga Uhaw sa Kanyang Pagpapakita

  • I
  • Hanap ng Diyos yaong mga uhaw sa Kanyang pagpapakita.
  • Yaong mga di tumututol, masunuring tulad ng mga paslit.
  • Hanap ng Diyos ang may kaya,
  • kayang dinggin ang Kanyang mga salita,
  • wag limutin Kanyang habilin, ialay katawan at puso sa Kanya.
  • Kung walang makakayanig,
  • walang makakayanig sa'yong panata sa Diyos,
  • mamasdan ka Niya, mamasdan ka Niya nang may pabor, oh …
  • Igagawad Niya pagpapalang dapat sa 'yo, sa 'yo,
  • igagawad Niya pagpapalang dapat sa 'yo!

Hun 29, 2018

Tagalog Christian Movie | "Hindi Pa Tapos Ang Partido" A Christian's Experience of Being Persecuted


Si Li Ming’ai ay mula sa mainland China. Isa siyang babaing may mabuting pagkatao, na iginagalang ang kanyang mga biyenan niya, tinutulungan ang asawa niya, at tinuturuan ang kanyang anak at may masaya at mapayapang pamilya . Gayunman, sa China, kung saan ateismo ang may hawak ng kapangyarihan, laging marahas na inaaresto at inuusig ng pamahalaang komunista ang mga taong nananalig sa Diyos. Nuong 2006, si Li Ming’ai ay inaresto at pinagpiyansa dahil sa kanyang pananalig sa Diyos. Nuong makauwi na si Li Ming’ai, siya at ang kanyang pamilya ay madalas nang pagbantaan at tinatakot ng mga pulis ng komunistang China, pati ang kanyang pamilya at at sinusubukan siyang hadlangan na ipagpatuloy ang pananalig niya sa Diyos. Isang araw, habang wala sa bahay si Li Ming’ai at nakikipagpulong, ini-report siya ng isang informer. Pumunta ang mga pulis sa kanyang bahay at sinubukan siyang arestuhin. Napilitan siyang lisanin ang tahanan niya, at mula nang oras na iyon, nabuhay si Li Ming’ai na patago-tago sa iba’t ibang lugar at palipat-lipat ng tirahan. Hindi pa rin siya tinantanan ng mga komunistang pulis, palagi pa ring minamanmanan ang kanyang tahanan, at naghihintay ng pagkakataon na arestuhin siya. Isang gabi, palihim na umuwi si Li Ming’ai sa kanyang bahay para makita ang kanyang pamilya, pero agad na nagdatingan ang mga pulis para siya arestuhin. Sa kabutihang palad may nagsabi kay Li Ming’ai, kaya nakatakas siya.

Makalipas ang tatlong taon, habang sinasanay niya ang kanyang pananampalataya at ginagawa niya ang tungkulin niya nang malayo sa kanyang tahanan, sinundan siya at inaresto ng mga Komunistang pulis ng China. Isinagawa ng mga pulis ang hindi makataong pagpapahirap at pananakit kay Li Ming’ai, at ginamit ang pagmamahal niya sa kanyang pamilya para painan siya. Gumamit sila ng mga pagbabanta gaya ng pagkakait sa kanyang anak ng karapatang makapag-aral, at harangin ang pagkakataon ng bata na makapagtrabaho sa gobyerno sa hinaharap para lang mapilitan siyang talikuran ang kanyang pananampalataya sa Diyos, ipagkanulo ang mga namumuno sa iglesya, at isiwalat ang pondo ng iglesya. Nang panahong iyon, nanalangin si Li Ming’ai at inilagay ang kanyang pananalig sa Diyos. Natagpuan niya sa salita ng Diyos ang kaliwanagan at pamamatnubay. Natiis niya ang pagpapahirap at pananakit ng mga pulis, nakita niya ang mga panlilinlang ni Satanas, at nanindigan na hindi niya pagtataksilan ang Diyos. Matatag siyang nagpatotoo para sa Diyos. Hindi nagbunga ang pagtatanong ng mga pulis, at napahiya sila sa galit. Dinala nila si Li Ming’ai sa sarili niyang bayan nang nakadamit-bilanggo, ipinarada siya para makita ng lahat. Ginawa nila iyon para ipahiya siya, at para hikayatin ang kanyang pamilyana pakiusapan siyang pagtaksilan ang Diyos, at ibenta ang iglesya. Ikinagalit ni Li Ming’ai kung paano isinisisi ng mga komunista ang paghihirap ng kanyang pamilya sa pananalig niya sa Diyos. Puno ng makatwirang galit, isiniwalat ni Li Ming’ai ang masamang katotohanan kung paano inaaresto at inuusig ng pamahalaang komunista ng China ang mga Kristiyano. Ipinahayag niya na ang pamahalaang komunista ang tunay na tagapangwasak ng mga pamilyang Kristiyano, na ito ang pusakal na kriminal na nagdadala sa mga tao ng lahat ng uri ng kalamidad. Samakatwid, si Ling Ming’ai ang naghahatid ng lubusan at kahiya-hiyang pagkatalo sa mga komunistang Chinese.



Hun 22, 2018

Tagalog Christian Testimony Video 2018 | "Seventeen? Ano Ngayon!" The True Story of a Christian


“Bata! Alam mo ba’ng ang Partido Komunista ay ateista at tutol sa paniniwala sa Diyos? Sa China, Ano’ng Diyos ang naroon para sa iyo para paniwalaan mo? Nasaan ba ang Diyos mo?” “Huwag mo’ng ipalagay na dahil bata ka, magiging maluwag kami sa iyo! Kung patuloy ka’ng maniniwala sa Diyos, mamatay ka agad! “ Hawak ang mga de-kuryenteng pamalo, sinugod ng mga pulis ng Komunistang Tsino ang binatilyo na puno ng mga pasa.


Hun 11, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Pagkatapos Kong Makinig Gamit Ang Aking Puso, Tinanggap Ko Ang Pagbabalik ng Panginoon

Max Estados Unidos


 Noong 1994, ipinanganak ako sa Estados Unidos. Parehong Tsino ang mga magulang ko. Ang nanay ko ay klasikong halimbawa ng isang matagumpay na babaeng may karera. Nakapag-iisip siya para sa sarili at napakahusay niya. Mahal na mahal ko ang nanay ko. Noong nasa Ikalawang Baitang ako, ibinalik ako ng mga magulang ko sa Tsina para mag-aral para matutunan ko ang wikang Tsino. Iyon din ang panahong nagsimula kong makilala ang Panginoong Jesus. Natatandaan ko isang araw noong 2004, pagkauwi ko galing sa eskuwelahan, may panauhin kami sa bahay. Ipinakilala siya ng nanay ko at sinabi sa aking pastora siya mula sa Estados Unidos. Napakasaya ko dahil noon ko nalaman na matagal-tagal nang naniniwala sa Panginoong Jesus ang nanay ko. Dati, hindi siya naniniwala. Tuwing Bagong Taon ng mga Tsino, magsisindi siya ng insenso at sasamba kay Buddha. Gayon man, pagkaraang magsimulang maniwala sa Panginoong Jesus ang nanay ko, hindi ko na kailangang maamoy ang samyo ng sunog na perang papel at insenso. Sa araw na iyon, nagkuwento sa akin ang Amerikanang pastora tungkol sa Panginoong Jesus. Pagkatapos na pagkatapos, dinala ako sa banyo at bago ako makahuma, “plok,” naingudngod na ng pastora ang ulo ko sa bathtub at pagkaraan ng ilang saglit, iniangat ang ulo ko. Ang tanging narinig ko ay ang nanay ko at ang pastora na nagsasabi sa akin, “Tuloy sa yakap ng Panginoong Jesus. Tayong lahat ay nawawalang tupa.” Sa paraang ito, nagsimula ako sa bagong paglalakbay sa buhay bago ko pa nalaman. Gayon man, dahil kasama ko ang Panginoon, napakasaya ng puso ko. Pagkaraan, tuwing Linggo, pupunta ako sa iglesia para sumamba at pakinggan ang pastorang nagsasalita tungkol sa mga kuwento ng Bibliya at nagbabasa mula sa mga banal na kasulatan. Napakasaya ko habang nangyayari ito. Matatag ang puso ko at dama kong ang paniniwala sa Panginoong Jesus ay tunay na mabuting bagay.