Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post

Hun 30, 2019

Tagalog Christian Movie | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"


Tagalog Christian Movie | Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?! | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"


"Jehovah" at "Jesus" ang mga pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, at nakapropesiya sa Pahayag na ang Diyos ay magkakaroon ng bagong pangalan sa mga huling araw. Bakit iba-iba ang mga pangalan ng Diyos sa magkakaibang kapanahunan? Ano ang kahalagahan ng dalawang pangalan, ang "Jehovah" at "Jesus"? Tutulong ang maikling video na ito na ibunyag ang hiwagang ito para sa inyo.

Yamang sinasabi mong ang pangalan ng Diyos sa bawat panahon ay hindi maaaring kumatawan sa Kanyang kabuuan, kung gayon, ano ang kahalagahan ng Kanyang pangalan sa bawat kapanahunan?

May 7, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi)

soberanya, karunungan, manlilikha, Mga Pagsasalaysay, soberanya

Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Unang bahagi)

 Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha. Bago nilikha ang mundo, o matapos itong likhain, hindi pa binalak ni Jehovah ang unang yugto ng gawain, sa kautusan; ang pangalawang yugto ng gawain, sa biyaya; o ang pangatlong yugto ng gawain, ang panlulupig, na kung saan Siya muna ang gagawa kasama ang isang grupo ng tao—ang ilan ay mga inapo ng Moab, at mula rito lulupigin Niya ang buong sansinukob. Hindi Niya sinabi ang mga salitang ito matapos likhain ang mundo; hindi Niya sinabi ang mga salitang ito pagkatapos ng Moab, lalo’t higit bago si Lot. Ang lahat ng Kanyang mga gawain ay napatupad nang kusang-loob. Mismong ganito kung papaano sumulong ang Kanyang buong anim na libong taon ng gawaing pamamahala; hindi Siya sumulat ng plano na katulad ng Paglalagom na Talaguhitan para sa Pagsulong ng Sangkatauhan bago likhain ang mundo. Sa gawain ng Diyos, tuwiran Niyang ipinahahayag kung ano Siya; hindi Niya pinahihirapan ang Kanyang isipan upang gumawa ng plano. Mangyari pa, maraming mga propeta ang nagpahayag ng kanilang mga hula, ngunit hindi pa rin masasabi na ang gawain ng Diyos ay laging tiyak sa paggawa ng plano; ang mga hula ay ginawa ayon sa aktwal na gawain ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas. Ganito ang paraan nang unang nilikha ni Jehovah si Adan at Eba nang sa gayon maihayag nila ang Diyos sa lupa at upang magkaroon ng mga saksi sa Diyos sa mga likha, ngunit nagkasala si Eba matapos tuksuhin ng ahas; gayundin ang ginawa ni Adan, at magkasama sa hardin nilang kinain ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Kaya, mayroong idinagdag na gawain si Jehovah para sa kanila. Nakita Niya ang kahubaran nila at binalot ang kanilang katawan ng damit na gawa sa katad ng hayop. Matapos ito, sinabi Niya kay Adan, “Sapagka’t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo … hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.” Sa babae ay sinabi Niyang, “Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.” Mula noon ay pinalayas Niya sila mula sa Hardin ng Eden at sila’y hinayaang mamuhay sa labas ng hardin, katulad ng ginagawa ngayon ng mga makabagong tao sa lupa. Nang nilikha ng Diyos ang tao sa simula, hindi Niya binalak na hayaang matukso ng ahas ang tao matapos niyang likhain at isinumpa ang tao at ang ahas. Wala talaga Siyang ganitong plano; ito ay ang pagsulong lamang ng mga bagay na nagbigay sa Kanya ng bagong gawain sa mga nilikha. Matapos maisagawa ni Jehovah ang gawain kina Adan at Eba sa lupa, ang sangkatauhan ay patuloy na sumulong sa loob ng ilang libong taon, hanggang “At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati. At nagsisi ang Panginoon na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso. … Datapuwa’t si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ng Panginoon.” Sa oras na iyon si Jehovah ay nagkaroon ng mas maraming bagong gawain, dahil ang sangkatauhan na Kanyang nilikha ay naging sobrang makasalanan matapos tuksuhin ng ahas. Sa kalagayang ito, pinili ni Jehovah ang pamilya ni Noe mula sa mga taong ito at kinahabagan sila, at isinagawa ang Kanyang gawain na wasakin ang mundo sa pamamagitan ng baha. Ang sangkatauhan ay nagpatuloy sa pagsulong sa ganitong paraan hanggang sa araw na ito, naging labis na tiwali, at nang ang pagsulong ng sangkatauhan ay umabot sa tuktok, ito rin ay ang magiging katapusan ng sangkatauhan. Mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo, ang katotohanan ng Kanyang gawain ay nanatili sa ganitong paraan. Ito ay katulad kung paano mauuri ang tao ayon sa kanilang klase; malayo sa bawat isang tao na itinalaga sa kalagayang kanilang kinabibilangan sa pinakasimula, ang mga tao ay unti-unting nabibilang sa mga kalagayan matapos sumailalim sa pamamaraan ng pagsulong. Sa katapusan, kung sinuman ang hindi maililigtas ay ibabalik sa kani-kanilang mga ninuno. Wala sa mga gawa ng Diyos sa sangkatauhan ang nakahanda na nang likhain ang mundo; sa halip, ang pagsulong ng mga bagay ang nagpahintulot sa Diyos na makatotohanan at praktikal na isagawa ang bawat hakbang ng Kanyang gawain sa sangkatauhan. Ito ay tulad nang kung paanong hindi nilikha ng Diyos na Jehovah ang ahas upang tuksuhin ang babae. Hindi ito ang Kanyang tiyak na plano, o isang bagay na sinadya Niya; ang isa ay makapagsasabi na ito ay hindi inaasahan. Ito ang dahilan kung bakit pinalayas ni Jehovah si Adan at Eba mula sa Hardin ng Eden at nangako na hindi na muling lilikha ng tao. Ngunit ang karunungan ng Diyos ay natuklasan lamang ng mga tao dahil sa pagkasimulang ito, katulad ng punto na aking sinabi kanina: “Ang Aking karunungan ay ginagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas.” Kahit gaano naging tiwali ang sangkatauhan o kung paano sila tinukso ng ahas, mayroon pa ring karunungan si Jehovah; kaya, naggugol Siya sa bagong gawain mula nang nilkha Niya ang mundo, at wala sa mga hakbang ng gawaing ito ang naulit kailanman. Patuloy na nagsagawa ng mga balangkas si Satanas; patuloy na ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at patuloy na isinagawa ng Diyos na si Jehovah ang Kanyang madunong na gawain. Hindi Siya kailanman nabigo, at hindi Niya itinigil ang Kanyang gawain mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon. Matapos itiwali ni Satanas ang sangkatauhan, patuloy Siyang gumawa sa mga tao upang talunin ang Kanyang mga kaaway na itinitiwali ang sangkatauhan. Magpapatuloy ang labanang ito mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo. Sa paggawa ng lahat na mga gawaing ito, hindi lamang Niya pinahintulutan ang sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas, upang matanggap ang Kanyang dakilang kaligtasan, ngunit pinahintulutan din Niya ang sangkatauhan na makita ang Kanyang karunungan, pagka-makapangyarihan at awtoridad, at sa katapusan hahayaan Niyang makita ng sangkatauhan ang Kanyang matuwid na disposisyon—pinarurusahan ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti. Nilalabanan Niya si Satanas hanggang sa araw na ito at hindi kailanman natalo, dahil Siya ay isang marunong na Diyos, at ang Kanyang karunungan ay nagagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas. Kaya hindi Niya lamang napasusunod ang lahat sa langit sa Kanyang awtoridad; nagagawa rin Niyang panatilihin ang lahat sa Kanyang paanan, at hindi huli sa lahat, napababagsak sa Kanyang pagkastigo ang mga gumagawa ng masama na nanghihimasok at nanggugulo sa sangkatauhan. Ang lahat ng mga bunga ng Kanyang gawain ay dulot ng Kanyang karunungan. Hindi Niya kailanman ibinunyag ang Kanyang karunungan sa harap ng pag-iral ng sangkatauhan, dahil wala Siyang kaaway sa langit, sa lupa, o sa buong daigdig, at walang mga puwersa ng kadiliman na sumakop sa anuman sa kalikasan. Matapos Siyang ipagkanulo ng arkanghel, nilikha Niya ang sangkatauhan sa lupa, at dahil sa sangkatauhan ay pormal Niyang sinimulan ang isang libong taong digmaan nila ni Satanas, ang arkanghel, isang digmaan na lalong umiigting sa bawat magkakasunod na yugto. Ang Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan ay naroon sa bawat yugto. Tanging sa oras na ito ay makikita ng lahat ng nasa langit at lupa ang karunungan ng Diyos, pagka-makapangyarihan, at ang katotohanan ng Diyos. Isinasagawa pa rin Niya ang gawain sa paraang makatotohanan na tulad ng dati; bilang karagdagan, habang isinasagawa Niya ang Kanyang gawain, ibinubunyag din Niya ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan; pinahihintulutan Niya kayong makita ang katotohanan sa loob ng bawat yugto ng gawain, upang makita kung paano nga ba maipaliliwanag ang pagka-makapangyarihan ng Diyos, at higit sa lahat kung paano maipaliliwanag ang katotohanan ng Diyos.

Mar 25, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang

Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang kapanahunan ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa anumang yugto ng gawaing ito ang nilisan ang Israel; ang mga ito ay ang mga yugto ng gawain na natupad sa kalagitnaan ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehovah ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagkumpleto ng gawain ng pagpapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Ingles, ni ang Panginoon na tumubos sa mga Amerikano, ngunit Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Ang nakaraang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay naganap sa Israel, at sa ganitong paraan, ilang mga pagkaintindi ang nabuo sa mga tao. Iniisip ng mga tao na si Jehovah ay nasa paggawa sa Israel at si Jesus Sarili Niya ay tinupad ang Kanyang gawain sa Judea—bukod pa rito, ito ay sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao na Siya ay nasa paggawa sa Judea-at anuman ang kalagayan, ang gawain na ito ay hindi na lumawak nang lampas sa Israel. Hindi Siya nasa paggawa sa mga taga Egipto; hindi Siya nasa paggawa sa mga Indiyano; nasa paggawa lamang Siya sa mga Israelita. Samakatuwid ang mga tao ay bumuo ng iba’t-ibang mga pagkaintindi; bukod pa rito, binuo nila ang plano ng gawain ng Diyos sa loob ng isang tiyak na saklaw. Sabi nila na kapag ang Diyos ay nasa paggawa, dapat itong matupad sa mga piniling tao at sa Israel; maliban sa mga Israelita, ang Diyos ay wala ng iba pang tagatanggap ng Kanyang gawain, at wala rin Siyang iba pang saklaw para sa Kanyang gawain; sila ay partikular na mahigpit sa “pagdidisiplina” ng Diyos na nagkatawang tao, hindi Siya pinapahintulutan na lumampas sa saklaw ng Israel. Hindi ba lahat ng ito ay mga pagkaintindi ng tao? Ginawa ng Diyos ang lahat ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ginawa lahat ng mga nilalang; paanong lilimitahan Niya ang Kanyang gawain na para lamang sa Israel? Kung magkagayon, ano ang silbi sa Kanya para gawin ang kabuuan ng Kanyang paglalang? Nilikha Niya ang buong sanlibutan; isinagawa Niya ang plano sa pamamahala ng anim-na libong-taon hindi lamang sa Israel kundi pati na rin sa bawat tao sa sansinukob. Hindi alintana kung sila ay nakatira sa Tsina, sa Estados Unidos, sa United Kingdom o Rusya, isang inapo ni Adan ang bawat tao; silang lahat ay ginawa ng Diyos. Walang kahit isang tao ang maaaring umaklas mula sa saklaw ng paglalang ng Diyos, at walang kahit isang tao ang maaaring makatakas sa tatak bilang “inapo ni Adan.” Nilalang silang lahat ng Diyos, at lahat sila ay inapo ni Adan; kaapu-apuhan rin sila ng ginawang tiwaling Adan at Eba. Hindi lamang ang mga Israelita ang nilalang ng Diyos, ngunit ang lahat ng mga tao; gayon pa man, sinumpa ang ilan sa mga nilikha, at pinagpala ang ilan. Maraming kanais-nais na mga bagay ang patungkol sa mga Israelita; ang Diyos sa simula ay nasa paggawa kasama nila dahil sila ang mga pinaka-di-tiwaling tao. Ang Intsik ay walang sinabi kung ihahambing sa kanila, at hindi maaaring umasa upang makapantay sila; kaya, ang Diyos ay unang gumawa sa gitna ng mga tao ng Israel, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay natupad lamang sa Judea. Bilang resulta nito, bumuo ang mga tao ng mga maraming pagkaintindi at mga maraming patakaran. Sa totoo lang, kung kikilos Siya nang ayon sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita; sa ganitong paraan hindi Niya makakayanang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil, sapagkat Siya ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita sa halip na Diyos ng lahat ng nilalang. Sinabi ng mga propesiya na magiging dakila sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah at kakalat sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah—bakit nila sasabihin ito? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, sa gayon Siya ay nasa paggawa lamang sa Israel. Karagdagan pa, hindi Niya palalawakin ang gawaing ito, at hindi Niya gagawin ang propesiyang ito. Dahil ginawa Niya ang propesiyang ito, kailangan Niyang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil at sa bawat bansa at lugar. Dahil sinabi Niya ito, gagawin Niya ito. Ito ang Kanyang plano, dahil Siya ay ang Panginoong lumalang ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi alintana kung Siya ay nasa paggawa kasama ang mga Israelita o sa buong Judea, ang gawain Niya ay ang gawain ng buong sansinukob at ang gawain ng lahat ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bansang Gentil—ay ang gawain pa rin ng lahat ng sangkatauhan. Maaaring maging batayan ang Israel para sa Kanyang gawain sa lupa; gayon din naman, maaari ring ang Tsina ang maging batayan para sa Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Hindi pa ba Niya natupad ngayon ang hula na “ang pangalan ni Jehovah ay magiging dakila sa mga bansang Gentil”? Ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa mga bansang Gentil ay tumutukoy sa gawain na Kanyang ginagawa sa bansa ng malaking pulang dragon. Upang ang Diyos na nagkatawang-tao ay maging nasa paggawa sa lupaing ito at upang maging nasa paggawa sa mga sinumpang tao ay partikular na salungat sa mga pagkaintindi ng tao; ang mga taong ito ay ang pinakamababa at walang halaga. Ito ang lahat ng mga tao na unang inabandona ni Jehovah. Maaaring abandonahin ng mga tao ang ibang tao, ngunit kung sila ay inabandona ng Diyos, hindi magkakaroon ng katayuan ang mga taong ito, at sila ay magkakaroon ng pinakamababang halaga. Bilang isang bahagi ng paglalang, ang pagiging sakop ni Satanas o inabandona ng ibang tao ay parehong mga masasakit na bagay, ngunit kung ang isang bahagi ng paglalang ay inabandona ng Panginoon ng paglalang, nagpapahayag ito na ang kanyang katayuan ay nasa isang lubusang pagkababa. Isinumpa ang mga inapo ni Moab, at ipinanganak sila sa loob ng di-mauunlad na bansang ito; walang duda, ang mga inapo ni Moab ay ang mga taong may pinakamababang katayuan sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Dahil ang mga taong ito ay nagtataglay ng pinakamababang katayuan noong nakaraan, may kakayahang sumira ng mga pagkaintindi ng tao ang gawaing ginawa sa gitna nila, at ito rin ang gawaing pinaka-kapakipakinabang sa Kanyang buong anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Para sa Kanya ang gumawa sa gitna ng mga taong ito ay ang aksyon na tunay na may kakayahang magwasak ng pagkaintindi ng tao; dahil dito naglunsad Siya ng isang panahon; gamit ito winawasak Niya ang lahat ng pagkaintindi ng tao; sa ganito Niya tinatapos ang gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Isinagawa sa Judea ang Kanyang unang gawain, sa loob ng saklaw ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang panahong naglulunsad ng gawain. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang natupad sa mga tao ng mga bansang Gentil; higit pa, isinagawa ito sa mga sinumpang taong iyon. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na may pinaka-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay naging” ang Diyos ng lahat ng nilalang sa sansinukob at naging Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.

Mar 24, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Umiiral ba ang Trinidad?

    Noon lamang pagkatapos ng katotohanan na si Jesus ay maging tao saka naisip ito ng tao: Hindi lamang ang Ama sa langit, pati ang Anak din, at maging ang Espiritu. Ito ang karaniwang paniwala ng tao, na mayroong isang ganitong Diyos sa langit: isang Trinidad na yaon ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, lahat nasa isa. Ang lahat ng sangkatauhan ay may ganitong mga paniwala: Ang Diyos ay isang Diyos, ngunit binubuo ng tatlong mga bahagi, ang lahat ng mga ito ay matinding nakatanim sa karaniwang mga paniwala na ipinalalagay na ito ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Yaong tatlong mga bahagi na pinag-isa ay ang kabuuan ng Diyos. Kung wala ang Banal na Ama, ang Diyos ay hindi magiging buo. Sa kaparehong kalagayan, hindi rin magiging buo ang Diyos kung wala ang Anak o ang Banal na Espiritu. Sa kanilang mga paniwala, pinaniniwalaan nila na kung ang Ama lamang o ang Anak lamang hindi ito maipagpapalagay na Diyos. Ang pinagsama-sama lamang na Ama, Anak, at Banal na Espiritu ang maipagpapalagay na Diyos Mismo. Ngayon, lahat ng mananampalataya, kasama ang bawat isang tagasunod na sa gitna ninyo, ay nanghahawak sa paniniwalang ito. Ngunit, maging kung ang pananampalatayang ito ay tama, walang makapagpapaliwanag, sapagkat palagi naman kayong diskumpiyado sa mga bagay patungkol sa Diyos Mismo. Bagamat ang mga ito ay mga paniwala, hindi ninyo alam kung ang mga ito ay tama o mali, sapagkat kayo’y lubhang nahawaan na ng mga relihiyosong paniwala. Tinanggap na ninyo nang husto ang ganitong mga karaniwang relihiyosong paniwala, at ang lasong ito ay dumaloy nang husto sa loob ninyo. Samakatwid, gayundin sa bagay na ito ay nagpaubaya kayo sa ganitong nakapipinsalang impluwensiya, sapagkat ang Trinidad ay hindi umiiral. Iyon ay, ang Trinidad ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay hindi umiiral. Ang mga ito ay mga karaniwang mga paniwala ng tao, at mga nakalilinlang na mga paniniwala ng tao. Sa loob ng maraming mga siglo, naniniwala ang tao sa Trinidad na ito, sa idinulot ng mga paniwalang ito sa isip ng tao, gawa-gawa ng tao, at hindi pa kailanman nakita ng tao. Sa loob ng maraming mga taon na ito, marami ng mga tanyag na teologo ang nagpaliwanag sa “totoong kahulugan” ng Trinidad, ngunit ang mga gayong paliwanag tungkol sa Trinidad bilang tatlong natatanging magkaka-ugnay na mga persona ay naging malabo at hindi malinaw, at ang lahat ay nalito sa “kaanyuan” ng Diyos. Walang dakilang tao ang kailanman ay nakapag-alok ng isang masusing paliwanag; karamihan sa mga pangangatuwiran ay pasado sa larangan ng pangangatwiran at sa kasulatan, ngunit walang sinumang tao ang may buong linaw na may pagkaintindi sa kahulugan nito. Ito ay sapagkat ang dakilang Trinidad na pinahahalagahan ng tao sa puso ay hindi talaga umiiral. Sapagkat wala pang nakakita sa totooong mukha ng Diyos o nagkaroon man ng sinumang mapalad na umakyat sa tahanan ng Diyos upang bumisita para magsuri kung anong mga bagay ang makikita sa kinaroroonan ng Diyos, upang eksaktong malaman kung ilang sampu-sampung libo o daan-daang milyon ng mga henerasyon ang nasa “tahanan ng Diyos” o upang imbestigahan kung ilang mga bahagi ang bumubuo sa likas na kaanyuan ng Diyos. Ang pangunahing dapat masuri ay: ang panahon ng Ama at ng Anak, gayundin ng Banal na Espiritu; ang kanya-kanyang anyo ng bawat persona; at paanong ganap na nangyari na Sila ay magkakahiwalay, at paano nangyaring ginawa Silang isa. Sa kasawiang-palad, sa napakaraming mga taon na ito, wala ni isa mang tao ang nakaalam sa katotohanan sa mga bagay na ito. Ang lahat ng ito ay haka-haka lamang, sapagkat wala ni isa mang tao ang nakaakyat sa langit para bumisita at bumalik dala ang isang “masusing pag-ulat” para sa lahat ng sangkatauhan upang iulat ang katotohanan sa lahat ng masigasig at debotong mananampalataya ng relihiyon na nakatuon tungkol sa Trinidad. Sabihin pa, ang sisi ay hindi dapat ibunton sa tao sa pagbuo niya ng gayong mga paniwala, sapagkat bakit hindi isinama ng Amang si Jehovah ang Kanyang Anak na si Jesus nang nilikha Niya ang sangkatauhan? Kung, sa pasimula, ang lahat ay natapos sa pangalan ni Jehovah, mas naging maigi pa sana ito. Kung kailangan mang manisi, hayaang ilagay ito sa panandaliang pagkalimot ng Diyos na Jehovah, na hindi tinawag ang Anak at ang Banal na Espiritu sa harap Niya sa oras ng paglikha, ngunit sa halip isinagawa ang Kanyang gawain nang mag-isa. Kung Sila ay gumawa lamang nang sabay-sabay, kung gayon ay hindi ba Sila magiging isa? Kung, mula sa umpisa hanggang sa katapusan, mayroon lamang pangalang Jehovah at hindi ang pangalan ni Jesus mula sa Kapanahunan ng Biyaya, o kung Siya noon ay tinawag na Jehovah, kung gayon hindi ba palalampasin ng Diyos ang pagdurusang dulot ng paghahati ng sangkatauhan? Sa katiyakan, hindi maaaring daingan si Jehovah sa lahat ng ito; kung ang sisi ay dapat na maihayag, hayaang ilagay ito sa Banal na Espiritu, na sa libu-libong taon ay nagpatuloy sa Kanyang gawain sa pangalang Jehovah, ni Jesus, at maging ng Banal na Espiritu, ginugulo at nililito ang tao sa gayon ay hindi malaman ng tao kung sino talaga ang Diyos. Kung ang Banal na Espiritu Mismo ay gumawa nang walang anyo o imahen, at higit pa rito, walang pangalan kagaya ng kay Jesus, at hindi Siya makita o mahawakan ng tao, at naririnig lamang ang mga tunog ng kulog, kung gayon hindi ba magiging mas kapaki-pakinabang ang ganitong uri ng gawain sa tao? Kaya ano ang maaaring gawin ngayon? Ang mga paniwala ng tao ay natipong sing-taas ng bundok at sing-lawak ng dagat, hanggang sa ang Diyos sa kasalukuyan ay hindi na sila matiis at ganap na nasa kawalan. Sa unang panahon nang si Jehovah pa lang, si Jesus, at ang Banal na Espiritu sa pagitan ng dalawa, nawawala na ang tao kung paano niya kakayanin, at ngayon mayroong pagdaragdag ng Makapangyarihan, na ito man ay sinasabi ring isang bahagi ng Diyos. Sino ang nakakaalam kung sino Siya at sa kaninong persona ng Trinidad Siya nakikihalo o nakatago sa gaano mang karaming taon? Paano ito natitiis ng tao? Ang Trinidad pa lamang ay sapat na upang gugulin ng tao ang habambuhay para magpaliwanag, ngunit ngayon ay mayroong “isang Diyos sa apat na mga persona.” Paano ito maipapaliwanag? Kaya mo bang ipaliwanag ito? Mga kapatid! Papaanong kayo ay naniniwala sa ganitong uri ng Diyos hanggang sa araw na ito? Saludo Ako sa inyo. Ang Trinidad ay sapat na upang tiisin, at kahit na ngayong nagpapatuloy kayo sa pagkakaroon ng di-matinag na pananampalataya sa isang Diyos na ito sa apat na persona. Kayo ay hinihimok na lumabas, ngunit kayo ay tumatanggi. Hindi kapani-paniwala! Kakaiba talaga kayo! Ang tao ay kayang makarating hanggang sa paniniwala sa apat na Diyos at walang gagawin ukol dito; iniisip ba ninyo na ito ay milagro? Hindi ko makakayang sabihin na kayo ay maaaring makagawa ng ganito kalaking milagro! Para sabihin Ko sa inyo, sa katotohanan, ang Trinidad ay hindi umiiral saanmang dako sa mundong ito. Ang Diyos ay walang Ama at walang Anak, lalong wala itong konsepto ng kasangkapan na magkalakip na ginagamit ng Ama at ng Anak: ang Banal na Espiritu. Ang lahat ng ito ay napakalaking kamalian at hindi man lang umiiral sa mundong ito! Ngunit maging ang ganitong kamalian ay may pinagmulan at hindi ganap na walang basehan, sapagkat ang inyong mga kaisipan ay hindi ganoon kapayak, at ang inyong mga saloobin ay hindi walang katuwiran. Sa halip, ang mga ito ay masyadong angkop at malikhain, lalong hindi ang mga ito maigugupo maging ng sinumang Satanas. Ang nakakaawa ay na ang mga saloobing ito ay pawang mga kamalian at hindi man lang umiiral! Hindi pa ninyo nakita ang tunay na katotohanan; kayo ay gumagawa lamang ng mga haka-haka at mga pagkaintindi, pagkatapos ay hinahabi ninyo ang lahat sa isang kuwento upang makuha nang may pandaraya ang tiwala ng iba at upang pangibabawan ang mga pinakahangal sa mga tao na walang talino o katuwiran, nang sa gayon ay maniwala sila sa inyong kahanga-hanga at kilalang “dalubhasang mga pagtuturo.” Katotohanan ba ito? Ito ba ang paraan ng pamumuhay na dapat tanggapin ng tao? Ang lahat ng ito ay walang katuturan! Wala ni isang salita ang angkop! Sa loob ng napakaraming mga taon, ang Diyos ay pinagbaha-bahagi ninyo sa ganitong paraan, papino nang papino ang pagbabahagi sa bawat henerasyon, hanggang sa ang isang Diyos ay lantarang pinagbaha-bahagi sa tatlong Diyos. At ngayon totoong imposible na para sa tao na pagdugtung-dugtungin ang Diyos bilang isa, sapagkat pinagbaha-bahagi ninyo Siya nang pinung-pino! Kung hindi sa Aking mabilis na paggawa bago mahuli ang lahat, mahirap masabi kung gaano katagal kayong mananatiling garapal sa ganitong paraan! Sa patuloy ninyong pagbabaha-bahagi ng Diyos sa ganitong paraan, paano pa Siya magiging inyong Diyos? Makikilala pa ba ninyo ang Diyos? Makababalik pa ba kayo sa Kanya? Kung nahuli pa ng kaunti ang Aking pagdating, malamang ay pinadala na ninyo ang “Ama at Anak,” si Jehovah at si Jesus pabalik sa Israel at inari ang inyong mismong mga sarili na bahagi ng Diyos. Sa kabutihang-palad, ngayon ay ang mga huling araw. Sa wakas, ang araw na ito na matagal Ko nang hinihintay ay dumating na, at pagkatapos na Aking maisagawa ang yugto ng gawaing ito sa pamamagitan ng Aking sariling kamay saka pa lamang matitigil ang inyong pagbabaha-bahagi sa Diyos Mismo. Kung hindi dahil dito, maaaring kayo ay namayagpag na, naipapatong na ang lahat ng mga Satanas sa gitna ninyo sa mga dambana upang sambahin. Ito ay inyong pakana! Ang inyong pamamaraan sa pagbabaha-bahagi sa Diyos! Magpapatuloy pa rin ba kayo ngayon? Hayaan ninyong tanungin Ko kayo: Gaano ba karami ang Diyos? Aling Diyos ang magdadala sa inyo sa kaligtasan? Ito ba ang unang Diyos, ang ikalawa, o ang ikatlo na palagi ninyong dinadalanginan? Alin sa Kanila ang palagi ninyong pinaniniwalaan? Ito ba ang Ama? O ang Anak? O ito ba ang Espiritu? Sabihin mo sa Akin kung sino ang iyong pinaniniwalaan. Bagamat sa bawat salita na iyong sinasabi na naniniwala ka sa Diyos, ang inyong totoong pinananiniwalaan ay ang inyong sariling utak! Wala talaga kayong Diyos sa inyong puso! At gayunman sa inyong mga isip ay isang bilang ng gayong mga “Trinidad”! Hindi ba kayo sumasang-ayon?

Nob 10, 2017

Punong Salita

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos – Punong Salita
   
      Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, sa gayon, na lahat ng mga taong hindi nakakaalam sa Diyos ay nagtataglay ng isang nakakalitong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagkat ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, sa gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang hangarin ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwat ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagkat sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa guwang na mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang sustansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugang wala nang higit pa sa pagtanggap sa maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Kanya nguni’t tinututulan Siya, tunay na makakatupad sa hangarin ng Diyos?
    Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring mapag-usapan bilang magkapantay. Ang Kanyang sustansya at ang Kanyang gawain ay ang pinaka di-maaarok at hindi kayang unawain ng tao. Kung ang Diyos ay hindi personal na gumagawa ng Kanyang gawain at nagbibigkas ng Kanyang mga salita sa mundo ng tao, samakatwid ang tao ay hindi kailanman mauunawaan ang kalooban ng Diyos, at sa gayon, kahit yaong mga naglaan ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi maaaring makatamo ng Kanyang pagsang-ayon. Kung wala ang gawain ng Diyos, gaano man kabuti ang ginagawa ng tao, mababalewala iyon, pagkat ang mga pag-iisip ng Diyos ay palaging magiging mas mataas kaysa sa mga pag-iisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi maaarok ng tao. At sa gayon sinasabi ko na yaong mga “umalam” sa Diyos at Kanyang gawain ay walang saysay, lahat sila ay mayabang at mangmang. Ang tao ay hindi dapat limitahan ang gawain ng Diyos; higit pa rito, hindi maaaring limitahan ng tao ang gawain ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang tao ay mas maliit kaysa sa isang langgam, kung kaya paano maaarok ng tao ang gawain ng Diyos? Yaong mga patuloy na nagsasabi, “Ang Diyos ay hindi gumagawa sa ganito o ganoong paraan” o “Ang Diyos ay tulad nito o noon”—hindi ba silang lahat ay mayabang? Dapat nating kilalanin ang ganoong mga tao, na siyang galing sa laman, na lahat ay sinira ni Satanas. Ito ay kanilang kalikasan na tutulan ang Diyos, at hindi sila kapantay ng Diyos, lalong hindi nila kayang mag-alok ng payo para sa gawain ng Diyos. Kung paano gabayan ng Diyos ang tao ay gawain ng Diyos Mismo. Dapat pasailalim ang tao, at dapat hindi magkaroon ng gayo’t gayong pananaw, pagkat ang tao ay alabok lang. Yamang sinusubukan nating hanapin ang Diyos, hindi natin dapat ipaibabaw ang ating mga kabatiran sa gawain ng Diyos para sa pagsasaalang-alang ng Diyos, lalo na sa lahat hindi dapat natin gamitin ang ating mga tiwaling disposisyon upang sadyang subukan na tutulan ang gawain ng Diyos. Hindi kaya nito gawin tayong mga antikristo? Paano maaaring sabihin ng mga ganoong tao na sila’y naniniwala sa Diyos? Yamang tayo ay naniniwala na mayroong Diyos, at yamang ninanais natin na bigyan-kasiyahan Siya at makita Siya, dapat nating hanapin ang daan ng katotohanan, at hanapin ang paraan upang maging kaayon ng Diyos. Hindi tayo dapat patigasang-leeg na nakikipagpaligsahan sa Diyos; anong kabutihan ang maaaring manggaling mula sa ganoong mga pagkilos?
    Ngayon, ang Diyos ay may bagong gawain. Maaaring hindi mo matanggap ang mga salitang ito, maaaring sila ay may kakaibang iparamdam sa iyo, subalit ang payo ko sa iyo ay huwag ibunyag ang iyong pagiging likas, pagkat tanging yaon na tunay na nagugutom at nauuhaw para sa pagkamatuwid sa harap ng Diyos ang maaaring makatamo ng katotohanan, at tanging yaon na tunay na taos-puso ang maaaring maliwanagan at magabayan ng Diyos. Walang ibubunga ang paghahanap sa katotohanan sa pamamagitan ng pakikipag-away. Tanging sa paghahanap nang mahinahon tayo maaaring makakuha ng mga resulta. Kapag sinabi ko na, “Ngayon, ang Diyos ay may bagong gawain,” ang tinutukoy ko ay ang pagbabalik ng Diyos sa katawang-tao. Marahil hindi mo papansinin ang mga katagang ito, marahil kinamumuhian mo sila, o marahil ikaw ay may malaking interes sa kanila. Ano man ang kaso, inaasahan ko na lahat yaong mga tunay na naghahangad ng pagpapakita ng Diyos ay maaaring humarap sa katunayang ito at bigyan ito ng maingat na pagsasaalang-alang. Napakainam na huwag padalus-dalos sa mga pagpapasya. Ito ang paraan na dapat ikilos ng mga taong marurunong.
    Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, ngunit nangangailangan mula sa bawat isa sa atin na alamin ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay sa sustansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Yamang ang Diyos ay nagiging laman, dapat Niyang ilahad ang gawaing dapat Niyang gawin, at yamang ang Diyos ay naging laman, dapat Niyang ipahayag kung ano Siya, dapat dalhin ang katotohanan sa tao, pagkalooban ng buhay ang tao, at ipakita sa tao ang daan. Ang laman na hindi naglalaman ng sustansya ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; ito ay walang pag-aalinlangan. Upang siyasatin kung ito ay ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, dapat natukoy ito ng tao mula sa disposisyon na ipinapahayag Niya at sa mga salita na binibigkas Niya. Na ibig sabihin, kung ito o hindi ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, at kung ito o hindi ang tunay na daan, ay dapat mahusgahan mula sa Kanyang sustansya. At sa gayon, sa pagtukoy[a] kung ito ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao, ang susi ay ang bigyan-pansin ang Kanyang sustansya (ang Kanyang gawa, Kanyang mga salita, Kanyang disposisyon, at marami pang iba) sa halip na sa panlabas na kaanyuan. Kung nakikita lamang ng tao ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi pansinin ang Kanyang sustansya, samakatwid yaon ay nagpapakita ng kamangmangan at pagkawalang-muwang ng tao. Ang panlabas na kaanyuan ay hindi tumutukoy ng sustansya; bukod pa rito, ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman umayon sa mga kabatiran ng tao. Hindi ba’t ang panlabas na kaayuan ni Jesus ay salungat sa mga kabatiran ng tao? Hindi ba’t ang Kanyang kaanyuan at pananamit ay hindi nakapagbigay ng anumang palatandaan hinggil sa Kanyang tunay na pagkakakilanlan? Hindi kaya ang dahilan kung bakit ang mga pinakaunang mga Pariseo ay sumalungat kay Jesus ay sapagkat tiningnan lamang nila ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi isinapuso ang mga salita na Kanyang binigkas? Aking pag-asa na ang mga kapatid na lalaki at kapatid na babae na naghahanap ng pagpapakita ng Diyos ay hindi uulitin ang trahedya ng kasaysayan. Hindi kayo dapat maging mga Pariseo ng modernong panahon at muling ipako ang Diyos sa krus. Dapat ninyong maingat na isaalang-alang kung paanong malugod na tanggapin ang pagbabalik ng Diyos, at dapat magkaroon ng malinaw na isip kung paanong maging isang tao na nagpapasailalim sa katotohanan. Ito ang pananagutan ng bawat isa na naghihintay kay Jesus na bumalik kasama ang mga ulap. Dapat nating kuskusin ang ating mga espiritwal na mga mata, at hindi dapat mabiktima sa mga salita na puno ng mga paglipad ng guniguni. Dapat nating pag-isipan ang tungkol sa praktikal na gawain ng Diyos, at dapat tingnan ang tunay na panig ng Diyos. Huwag padadala o iwaglit ang inyong mga sarili sa mga pangangarap nang gising, palaging inaabangan ang araw na ang Panginoong Jesus ay biglaang bababa sa inyo mula sa isang ulap upang dalhin kayo na kailanma’y hindi nakakilala sa Kanya ni nakakita sa Kanya, at hindi alam kung paano gagawin ang Kanyang kalooban. Mas mainam na pag-isipan ang praktikal na mga bagay!
    Maaaring nabuksan mo ang aklat na ito para sa layunin ng pagsasaliksik, o na may balak na tumanggap; anuman ang iyong saloobin, inaasahan ko na babasahin mo ito hanggang sa katapusan, at hindi madaliang isasantabi ito. Marahil, matapos mong basahin ang mga salitang ito, ang iyong saloobin ay magbabago, subalit iyon ay nababatay sa kung gaano ka naganyak at kung gaano kadali mong isapuso ang mga bagay-bagay. May isang bagay, gayunman, na dapat mong malaman: Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi ang tao na ginamit ng Diyos; may malaking pagkakaiba. Marahil, matapos mong basahin ang mga salitang ito, hindi mo tatanggapin na iyon ay mga salita ng Diyos, at tanging tatanggapin lamang sila bilang mga salita ng isang tao na naliwanagan. Sa ganoong kaso, ikaw ay binubulag ng kamangmangan. Paanong magiging pareho ang mga salita ng Diyos sa mga salita ng isang tao na napaliwanagan? Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, ibunyag ang mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang pagliliwanag na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa at kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o ibunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may sustansya ng Diyos, at ang tao ay may sustansya ng tao. Kung titingnan ng tao ang mga salitang binigkas ng Diyos bilang simpleng pagliliwanag ng Banal na Espiritu, at ituturing ang mga salita ng mga apostol at mga propeta bilang mga salita na personal na binigkas ng Diyos, samakatwid ang tao ay mali. Gayunpaman, hindi mo dapat kailanman palitan ang tama ng mali, o pag-usapan ang mataas bilang mababa, o pag-usapan ang malalim bilang mababaw; gayunpaman, hindi mo dapat kailanman kusang pasinungalingan ang alam mo na katotohanan. Ang bawat isa na naniniwala sa isang Diyos ay dapat isaalang-alang ang problemang ito mula sa wastong pananaw, at dapat tanggapin ang Kanyang bagong gawain at mga salita bilang isang nilikha ng Diyos—at kung hindi ay pupuksain ng Diyos.
    Matapos ang gawa ni Jehovah, si Jesus ay nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa mga tao. Ang Kanyang gawain ay hindi isinagawa nang nag-iisa, subalit itinatag sa gawa ni Jehovah. Ito ay gawain para sa isang bagong kapanahunan matapos tapusin ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan. Gayundin, nang matapos ang gawa ni Jesus, ipinagpatuloy pa rin ng Diyos ang Kanyang gawain para sa susunod na kapanahunan, sapagkat ang buong pamamahala ng Diyos ay palaging umuunlad nang pasulong. Kapag ang lumang kapanahunan ay lumipas, ito ay mapapalitan ng isang bagong kapanahunan, at kapag ang lumang gawain ay nakumpleto na, isang bagong gawain ang magpapatuloy ng pamamahala ng Diyos. Ang pagkakatawang-taong ito ng Diyos ay ang ikalawang pagkakatawang-tao kasunod ng kaganapan ng gawain ni Jesus. Mangyari pa, ang pagkakatawang-taong ito ay hindi nangyari nang mag-isa, ngunit ito ang ikatlong yugto ng gawain matapos ang Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya. Bawat bagong yugto ng gawain ng Diyos ay palaging nagdadala ng isang bagong simula at isang bagong kapanahunan. Sa gayon din may mga katumbas na mga pagbabago sa disposisyon ng Diyos, Kanyang paraan ng paggawa, sa lugar ng Kanyang gawa, at sa Kanyang pangalan. Hindi nakapagtataka, samakatwid, na mahirap para sa tao ang tanggapin ang gawain ng Diyos sa bagong kapanahunan. Ngunit hindi alintana kung paano Siya sinalungat ng tao, palaging ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, at palaging pinangungunahan ang buong sangkatauhan pasulong. Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng mga tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao, at nang Siya’s naging tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ang paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, tanging kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa lahat ng sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanang pag-aalay ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan rin sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na sinira ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik sa nagkatawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ito ay nagdala sa tao sa mas mataas na kaharian. Ang lahat ng napapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
    Kung ang mga tao ay nanatili sa Kapanahunan ng Biyaya, samakatwid sila kailanman ay hindi magiging malaya mula sa kanilang tiwaling disposisyon, lalong hindi ang makilala ang likas na disposisyon ng Diyos. Kung ang mga tao ay palaging namumuhay kasama ang kasaganaan ng biyaya subalit walang daan ng buhay na nagpapahintulot sa kanila na kilalanin ang Diyos at bigyan-kasiyahan ang Diyos, samakatwid hindi kailanman nila tunay na matatamo Siya bagaman sila ay naniniwala sa Kanya. Anong kaawa-awang anyo ng paniniwala iyon. Kapag natapos mong basahin ang aklat na ito, kapag naranasan mo na ang bawat hakbang sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao sa Kapanahunan ng Kaharian, mararamdaman mo na ang mga pag-asa ng maraming mga taon ay sa wakas naisakatuparan na. Mararamdaman mo na tanging ngayon mo lamang tunay na nakita ang Diyos nang harap-harapan; tanging ngayon na natitigan mo ang mukha ng Diyos, nadinig ang personal na pagbigkas ng Diyos, pinahalagahan ang karunungan ng gawain ng Diyos at tunay na nadama kung gaano katotoo at Makapangyarihang Diyos. Madarama mo na nakamtan mo ang maraming mga bagay na hindi nakita ni naangkin ng mga tao nang nakaraang mga panahong. Sa panahong ito, malinaw mong makikita kung ano ang maniwala sa Diyos, at kung ano ang sumunod sa puso ng Diyos. Mangyari pa, kung kakapitan mo ang mga pananaw ng nakaraan, at hindi tatanggapin o tatanggihan ang katunayan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, samakatwid ikaw ay mananatiling walang dala at walang nakamtan, at sa bandang huli ay may kasalanan sa pagsalungat sa Diyos. Yaong mga sumusunod sa katotohanan at nagpapasailalim sa gawain ng Diyos ay darating sa ilalim ng pangalan ng ikalawang Diyos na nagkatawang-tao—ang Makapangyarihan sa lahat. Makatatanggap sila ng personal na paggabay ng Diyos, at makakamit ang mas higit at mas mataas na katotohanan at matatanggap ang tunay na pantaong buhay. Makikita nila ang pangitain na hindi nakita ng mga tao nang nakaraan: “At ako’y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako’y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” (Pahayag 1:12-16). Ang pananaw na ito ay ang pagpapahayag ng buong disposisyon ng Diyos, at ang ganoong pagpapahayag ng Kanyang buong disposisyon ay pagpapahayag din ng gawain ng Diyos nang Siya ay nagkatawang-tao sa panahong ito. Sa mga dagsa ng mga pagpaparusa at mga paghuhukom, ang Anak ng Tao ay nagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita, nagpapahintulot sa lahat na tumatanggap ng Kanyang pagkastigo at paghatol na makita ang tunay na mukha ng Anak ng Tao, isang mukha na matapat na paglalarawan ng mukha ng Anak ng Tao na nakita ni Juan. (Mangyari pa, ang lahat ng ito ay hindi makikita ng mga taong hindi tumatanggap sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.) Ang tunay na mukha ng Diyos ay hindi maaaring ganap na mabigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao, at sa gayon ginagamit ng Diyos ang pagpapahayag ng Kanyang likas na disposisyon upang ipakita ang tunay Niyang mukha sa tao. Na ang ibig sabihin na ang lahat ng nakaranas sa likas na disposisyon ng Anak ng Tao ay nakakita sa tunay na mukha ng Anak ng Tao, pagkat ang Diyos ay masyadong dakila at hindi maaaring ganap na mabibigkas nang maliwanag gamit ang mga salita ng tao. Kapag naranasan ng tao ang bawat hakbang sa gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, samakatwid malalaman niya ang tunay na kahulugan ng mga salita ni Juan nang nangusap siya tungkol sa Anak ng tao sa gitna ng mga kandelero: “At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi.” Sa panahong iyon, malalaman mo nang walang halong pag-aalinlangan na itong karaniwang laman na nagbigkas ng napakaraming mga salita ay tunay na ikalawang Diyos na nagkatawang-tao. At tunay mong madarama kung gaano ka pinagpala, at mararamdaman na ang sarili mo ay napakapalad. Hindi ka ba magiging handa na tanggapin ang biyayang ito?
    Ang aklat na ito ay isang pagpili mula sa Ang Salita’y Nagpakita sa Katawang-tao, at mangyari pa ay mga salita rin ng Espiritu sa mga simbahan. Ang mga salitang ito ay katuparan ng mga salita sa Pagbubunyag na “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Sinasaklaw nila ang isang mayamang nilalaman ng mga ilang uri ng mga pagbibigkas at mga salita tulad ng propesiya, ang pagbubunyag ng mga hiwaga, at ang paraan ng pamumuhay. May mga hula sa panghinaharap ng kaharian, mga pahayag sa mga hiwaga ng plano sa pamamahala ng Diyos, mga pagsuri sa kalikasan ng tao, mga pangaral at mga babala, mahigpit na mga kahatulan, taos-pusong mga salita ng kasiyahan, usapan ng buhay, usapan ng pagpasok, at iba pa. Sa madaling salita, kung anong mayroon ang Diyos, kung ano Siya, at ang disposisyon ng Diyos ay lahat napapahayag sa Kanyang mga gawain at mga salita. Mangyari pa, kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahin sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa at sa gayon nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Nais mo bang pumasok sa bagong kapanahunan? Nais mo bang tanggalin sa iyong sarili ang tiwaling disposisyon? Nais mo bang makamtan ang mas mataas na katotohanan? Nais mo bang makita ang tunay na mukha ng Anak ng Tao? Nais mo bang mamuhay ng isang buhay na kapaki-pakinabang? Nais mo ba na gawing perpekto ka ng Diyos? Samakatwid, paano mo malugod na tatanggapin ang pagbabalik ni Jesus?
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay binabasa “bilang para.”
Rekomendasyon:
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos