Maraming mga pastor at mga elder ng relihiyon, dahil maraming taon na silang sumasampalataya sa Diyos, ang palaging masipag na gumagawa para sa Panginoon at nananatiling mapagmasid, naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon, naniniwala sila na sa pagdating ng Panginoon tiyak na magbibigay Siya sa kanila ng pagbubunyag. Ang pananaw bang ito ay umaayon sa mga katunayan ng gawain ng Diyos? Tiyak bang magbibigay ng pagbubunyag ang Diyos sa tao kapag Siya ay nagkatawang-tao? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Hindi pinag-aaralan ng tao ang bagong gawain ng Diyos nang maingat ni tinatanggap ito nang may pagpapakumbaba; sa halip, ang tao ay pumapanig sa asal na pag-aalipusta, naghihintay sa mga paghahayag at paggabay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng tao na naghihimagsik at tumututol sa Diyos? Paano makakamit ng ganoong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?”(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (1) | "Ang Hiwaga ng Pagdating ng Anak ng Tao"
Sa pagsasalita tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, sinabi ng Panginoong Jesus, “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40). ” Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24-25). Binabanggit ng mga propesiyang ito na “ang Anak ng tao ay darating” o “ang pagdating ng Anak ng tao,” kung gayon ano ba talaga ang ibig sabihin ng “pagdating ng Anak ng tao”? Sa anong paraan gagawin ng Panginoong Jesus ang Kanyang pagbabalik? Ipapaalam sa inyo ng maikling pelikulang ito ang katotohanan.
Isang grupo ng masisigla at kaibig-ibig na mga kabataan ang walang-malay na naglalaro nang itanong nila nang diretsahan, nang hindi nag-iisip, na: “Saan nanggaling ang sangkatauhan?” Alam mo ba ang sagot sa tanong na ito?
Nang makakita si Xiaozhen ng isang malaking pirasong ginto, tinawag niya ang kanyang mga kaibigan para ipakita ito. Ang hindi niya alam ay kapag nakakita ng ginto ang mga tao, lumilitaw ang likas na kabutihan at kasamaan ng tao …
Si Xiaozhen ay dating isang wagas at mabait na Kristiyano, na laging taos-pusong makipagkaibigan. Gayunman, nang makikinabang sila, naging kaaway niya ang dati niyang mga kaibigan. Matapos masaktan sa trahedyang ito, napilitan si Xiaozhen na talikuran ang kanyang tunay na niloloob at mga prinsipyo. Nagsimula siyang magtaksil sa sarili niyang mabuting konsiyensya at kalooban, at nagumon sa burak ng masamang mundo. … Nang magkasala siya at magpakasama, tinapak-tapakan siya ng mundo at tinadtad siya ng mga peklat at pasa. Wala na siyang masulingan, at nang mawalan na siya ng pag-asa, sa huli ay napukaw ng taos-pusong panawagan ng Makapangyarihang Diyos ang puso’t diwa ni Xiaozhen …
I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman; bagay na di madaling kunin ng kahit na sino. Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula, Diyos lang ang may diwa ng buhay, Diyos lang ang may landas ng buhay. Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay, at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao; Nagbayad Siya nang mahal upang tao’y makatamo ng buhay. Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay; Siya ang daan upang tao’y muling mabuhay.
II
Kailanma’y Diyos di-nawalay sa puso ng tao, Siya’y laging kasama nila. Siya ang pwersa ng kanilang pamumuhay, at ang pundasyon ng kanilang pag-iral; Siya’y masaganang deposito para tao’y mabuhay. Siya’ng dahilan na tao’y muling ipanganak, at pinapalakas silang ipamuhay ang tungkulin. Diyos lang Mismo ang may diwa ng buhay, Diyos lang ang may landas ng buhay. Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay, at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Dahil sa kapangyarihan at di nabibigong pwersa ng buhay Niya, tao’y nabuhay ng sali’t salinlahi.
III
Kapangyarihan ng buhay ng Diyos, suporta sa tao’y patuloy; Nagbayad ang Diyos ng halaga na kailanman tao’y di-naibigay. Pwersa ng buhay ng Diyos ay nananaig sa lahat; at nangingibabaw ito sa lahat ng kapangyarihan. Buhay Niya’y walang-hanggan, kapangyarihan Niya’y di-pangkaraniwan. Walang nilalang o kaaway ang dadaig sa Kanyang pwersa ng buhay, na umiiral at nagliliwanag sa anumang oras at lugar. Diyos lang Mismo ang may diwa ng buhay, Diyos lang ang may landas ng buhay. Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay, at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Langit at lupa ma’y magbagong lubos, kailanma’y hindi ang buhay ng Diyos. Lahat ma’y mawawala, buhay ng Diyos mananatili, dahil ang Diyos ang puno at ugat ng pag-iral ng lahat ng bagay, dahil ang Diyos Mismo ang walang-hanggang buhay.
IV
Buhay ng tao sa Diyos nagmumula, umiiral ang langit dahil sa Diyos, at lupa’y umiiral dahil sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang nabubuhay ang makakadaig sa kapangyarihan ng Diyos, at walang lakas ang makatatakas sa sakop ng kapamahalaan ng Diyos. Diyos lang ang may diwa ng buhay, Diyos lang Mismo ang may landas ng buhay. Kaya Diyos lang ang pinagmumulan ng buhay, at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Dahil dito, maging sinuman sila, sangkatauha’y dapat magpasakop sa dominyon ng Diyos, mabuhay sa ilalim ng utos Niya. Walang makakatakas, walang makakatakas, makakatakas sa kontrol Niya.
Babagsak ang Lungsod | Ang Relihiyosong Mundo ay Sumama sa Pagiging Lungsod ng Babilonia
Lumilihis ang mga lider ng relihiyosong mundo mula sa landas ng Panginoon at sinusunod ang mga makamundong kalakaran, nakikipagtulungan din sila sa mabangis na pagsuway at pagbatikos ng namamahalang kapangyarihan sa Kidlat ng Silanganan, at nagsimula na silang maglakad sa landas ng pagsalungat sa Diyos. Ang relihiyosong mundo ay sumama sa pagiging lungsod ng Babilonia. Sinasabi ng Biblia, “At pumasok si Jesus sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati; At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa’t ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan” (Mateo 21:12-13). “Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa’t espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa’t karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon. Sapagka’t dahil sa alak ng galit ng kaniyang pakikiapid ay nangaguho ang lahat ng mga bansa; at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid sa kaniya, at ang mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman dahil sa kapangyarihan ng kaniyang kalayawan” (Pahayag 18:2-3).
Babagsak ang Lungsod | Bakit Aba ang Sinapit ng mga Hipokritong Fariseo?
Nakatala sa Biblia na hinatulan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo ng pitong mga aba. Sa kasalukuyan, ang landas na nilakaran ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo ay ganoon sa mga Fariseo at parehas nilang pinagdurusahan ang pagkamuhi at pagtanggi ng Diyos. Kaya bakit hinatulan at isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo? Dahil una, sila’y mayroong hipokritong diwa na sumuway sa Diyos, dahil nakatuon lang sila sa pagsasagawa ng mga relihiyosong rituwal at pagsunod sa mga patakaran, ipinaliwanag lang nila ang mga patakaran at mga doktrina sa Biblia at hindi isinabuhay ang mga salita ng Diyos o sinunod ang mga utos ng Diyos o ano pa man, at binalewala pa nila ang mga utos ng Diyos. Ang lahat ng bagay na kanilang ginawa ay lubusang sumalungat sa kalooban at hinihingi ng Diyos. Ito ang hipokritong diwa ng mga Fariseo at ito ang pangunahing dahilan ng pagkapoot at pagsumpa ng Panginoong Jesus sa kanila.
Babagsak ang Lungsod | Ano ang Diwa ng Pagsalungat ng mga Fariseo sa Diyos
Sa dalawang libong taon, kahit na alam ng mga mananampalataya ang katunayan na sumuway ang mga Fariseo sa Panginoong Jesus, walang sinuman sa buong relihiyosong mundo ang tiyak na nakakaalam kung ano ang tunay na dahilan at diwa ng pagsuway sa Diyos ng mga Fariseo. Tanging sa pagdating ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na maaaring mabunyag ang katotohanan sa katanungang ito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang mga Fariseong ito sa pagkatao ay mga sutil, mayayabang, at ayaw sumunod sa katotohanan. Ang panuntunan ng paniniwala nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Babagsak ang Lungsod | Ang Pagbibigay-kahulugan ba sa Biblia ay Pareho sa Pagdadakila at Pagsasaksi sa Diyos?
Karamihan sa mga tao sa buong relihiyosong mundo ay naniniwala na iyong makakapagpaliwanag ng husto sa Biblia ay ang mga taong kilala ang Diyos, at kung kaya rin nilang bigyang-kahulugan ang mga misteryo ng Biblia at ipaliwanag ang mga propesiya, sila ang mga tao na umaayon sa kalooban ng Diyos, at sila’y dumadakila at sumasaksi sa Diyos. Maraming tao, sa makatuwid, ay may bulag na pananalig sa ganitong uri ng tao at kanilang pinupuri sila. Kaya, ang mga pagpapaliwanag ba sa Biblia ng mga pastor at elder ay talagang dumadakila at sumasaksi sa Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang umaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawasiwas nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!