Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban. Ipakita ang lahat ng mga post
Dis 10, 2018
Salita ng Diyos | Salita ng Buhay | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)
Mga etiketa:
handog,
Kaalaman,
kalooban,
Mga Pagbasa,
Pag-bigkas ng Diyos,
tumalima
Dis 4, 2018
Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Unang Bahagi)
Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Unang Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao. Kung wala ang mga pangitaing ito bilang saligan, hindi kayang magsagawa ng tao, o makakayang lubos na sumunod sa Diyos. Kung hindi kilala ng tao ang Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, lahat ng ginagawa ng tao ay walang kabuluhan, at walang kakayahang sang-ayunan ng Diyos.
Mga etiketa:
handog,
Kaalaman,
kalooban,
Mga Pagbasa,
Pag-bigkas ng Diyos,
tumalima
Dis 30, 2017
Kristianong Awitin – Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong
I
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong; bagamat di nagbabago ang layunin, paraan ng paggawa Niya’y patuloy sa pagbago, at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya. Habang mas maraming gawain ang Diyos mas maraming tao sa Kanya’y ganap na nakakakilala, mas nababago ang disposisyon ng tao kasama na ang Kanyang gawain. Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong; Kailanma’y gawain Niya’y di-luma, laging bago. Hindi Niya inuulit ang gawaing luma, tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong; bagamat di nagbabago ang layunin, paraan ng paggawa Niya’y patuloy sa pagbago, at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya. Habang mas maraming gawain ang Diyos mas maraming tao sa Kanya’y ganap na nakakakilala, mas nababago ang disposisyon ng tao kasama na ang Kanyang gawain. Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong; Kailanma’y gawain Niya’y di-luma, laging bago. Hindi Niya inuulit ang gawaing luma, tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.
Dis 29, 2017
Pag-bigkas ng Diyos – Ang Landas… (1)
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Pag-bigkas ng Diyos – Ang Landas… (1)
Sa buong buhay nila, walang tao ang nakaaalam kung anong uri ng mga kabiguan ang kanilang makakatagpo, ni nalalaman nila kung sa anong uri ng pagpipino sila mapapasailalim. Para sa ilan ito ay sa kanilang gawain, para sa ilan ito ay sa kanilang mga pagkakataon sa hinaharap, para sa ilan ito ay sa kanilang pamilyang pinagmulan, at para sa ilan ito ay sa kanilang pag-aasawa. Nguni’t ang kaibahan mula sa kanila ay na ngayon tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay nagdurusa para sa salita ng Diyos. Iyan ay, bilang isang naglilingkod sa Diyos, sila ay nagdusa ng mga kabiguan sa landas ng paniniwala sa Kanya, at ito ang landas na dinaraanan ng lahat ng mga mananampalataya at ito ang daan na tinatapakan ng lahat ng ating mga paa. Mula sa puntong ito ay opisyal nating sinisimulan ang ating landasin ng paniniwala sa Diyos, itinataas ang kurtina sa ating mga buhay bilang mga tao, at pumapasok tungo sa tamang landas ng buhay. Iyan ay, ito ang kung kailan pumapasok tayo tungo sa tamang landas na ang Diyos ay namumuhay kaagapay ng tao, na dinaraanan ng normal na mga tao. Bilang isa na tumatayo sa harap ng Diyos at naglilingkod sa Kanya, bilang isa na nagsusuot ng mga balabal ng isang saserdote sa templo, na may dibinong dignidad at awtoridad at kamahalan ng Diyos, Aking ginagawa ang sumusunod na pahayag sa lahat ng mga tao. Upang ipahayag ito nang mas malinaw: Ang maluwalhating mukha ng Diyos ang Aking kaluwalhatian, ang Kanyang plano ng pamamahala ang Aking sentro. Ako ay hindi naghahanap na magtamo ng makaisandaang ulit na mas marami sa mundong darating, nguni’t upang isakatuparan lamang ang kalooban ng Diyos sa mundong ito upang maaari Niyang matamasa ang isang maliit na bahagdan ng Kanyang kaluwalhatian sa lupa sanhi ng maliliit na mga pagsisikap na Aking ginagawa sa katawang-tao. Ito lamang ang Aking nasà. Sa Aking palagay, ito lamang ang Aking espirituwal na pagtutustos; Ako ay naniniwala na ang mga ito ang dapat na maging huling mga pananalita ng isa na namumuhay sa katawang-tao at siyang punô ng emosyon. Ito ang landas na tinatapakan ng Aking mga paa ngayon. Ako ay naniniwala na ang pananaw Kong ito ay ang Aking huling mga pananalita sa katawang-tao, at Ako ay umaasa na ang mga tao ay walang ibang mga paniwala o kaisipan tungkol sa Akin. Bagaman naibigay Ko na rito ang Aking lahat-lahat, hindi Ko pa rin nabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos sa langit. Ako ay labis-labis na nalulungkot—bakit ito ang nilalaman ng katawang-tao? Kaya, dahil sa mga bagay-bagay na Aking nagawa sa nakaraan gayundin ang gawain ng paglupig na naisakatuparan ng Diyos sa Akin, ngayon lamang Ako nakatamo ng mas malalim na pagkaunawa hinggil sa nilalaman ng sangkatauhan. Simula lamang doon Ako nakapagtakda ng pinakapangunahing pamantayan para sa Aking Sarili: ang hanapin lamang na maisakatuparan ang kalooban ng Diyos, ang ibigay rito ang Aking lahat-lahat, at mawalan ng anumang pabigat sa Aking konsensya. Hindi mahalaga sa Akin kung ano ang mga kinakailangan na itinalaga sa kanilang mga sarili ng iba na naglilingkod sa Diyos. Sa madaling salita, itinalaga Ko ang Aking puso sa pagsasakatuparan ng Kanyang kalooban. Ito ang Aking pagkukumpisal bilang isa sa Kanyang nilikha na naglilingkod sa harap Niya—isa na nailigtas at minamahal ng Diyos, at nakapagdusa ng Kanyang mga pagpalò. Ito ang pagkukumpisal ng isa na nababantayan, naiingatan, minamahal, at mabisang ginagamit ng Diyos. Mula ngayon, magpapatuloy Ako sa landas na ito hanggang maganap Ko ang mahalagang gawain na ipinagkatiwala sa Akin ng Diyos. Nguni’t sa Aking palagay, ang katapusan ng daan ay nakikita na dahil ang Kanyang gawain ay naganap na, at hanggang sa ngayon nagawa ng mga tao ang lahat ng kaya nilang gawin.
Dis 25, 2017
Kristianong Awitin – Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos – Kristianong Awitin – Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita
I
Nagmamahal sa isa’t-isa, tayo ay pamilya. Ahh … ahh … ahh … Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita; isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos. Na walang kinikilingan; malapit na samasama, ang tamis at saya sa puso’y umaapaw. Pagsisisi sala’y iniwan natin kahapon; ngayon tayo’y nagkakaintindihan, namumuhay sa pag-ibig ng Diyos. Gaano kasaya kung tayo’y nagkakaintindihan at walang katiwalian. Mga kapatid na nagmamahal, tayo ay pamilya. Na walang kinikilingan, malapit na samasama. Ahh … ahh … ahh … oohing……
Nagmamahal sa isa’t-isa, tayo ay pamilya. Ahh … ahh … ahh … Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita; isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos. Na walang kinikilingan; malapit na samasama, ang tamis at saya sa puso’y umaapaw. Pagsisisi sala’y iniwan natin kahapon; ngayon tayo’y nagkakaintindihan, namumuhay sa pag-ibig ng Diyos. Gaano kasaya kung tayo’y nagkakaintindihan at walang katiwalian. Mga kapatid na nagmamahal, tayo ay pamilya. Na walang kinikilingan, malapit na samasama. Ahh … ahh … ahh … oohing……
Dis 18, 2017
Babagsak ang Lungsod | Bakit Aba ang Sinapit ng mga Hipokritong Fariseo?
Babagsak ang Lungsod | Bakit Aba ang Sinapit ng mga Hipokritong Fariseo?
Nakatala sa Biblia na hinatulan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo ng pitong mga aba. Sa kasalukuyan, ang landas na nilakaran ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo ay ganoon sa mga Fariseo at parehas nilang pinagdurusahan ang pagkamuhi at pagtanggi ng Diyos. Kaya bakit hinatulan at isinumpa ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo? Dahil una, sila’y mayroong hipokritong diwa na sumuway sa Diyos, dahil nakatuon lang sila sa pagsasagawa ng mga relihiyosong rituwal at pagsunod sa mga patakaran, ipinaliwanag lang nila ang mga patakaran at mga doktrina sa Biblia at hindi isinabuhay ang mga salita ng Diyos o sinunod ang mga utos ng Diyos o ano pa man, at binalewala pa nila ang mga utos ng Diyos. Ang lahat ng bagay na kanilang ginawa ay lubusang sumalungat sa kalooban at hinihingi ng Diyos. Ito ang hipokritong diwa ng mga Fariseo at ito ang pangunahing dahilan ng pagkapoot at pagsumpa ng Panginoong Jesus sa kanila.
Rekomendasyon:
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ano ang Ebanghelyo ?
Dis 11, 2017
Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Ang Layunin ng Gawaing Pamamahala ng Diyos
Ang Diyos ay may 6,000-taong plano ng pamamahala,nahati sa tatlong yugto na tinawag na kapanahunan.
Una'y Kapanahunan ng Kautusan, saka Kapanahunan ng Biyaya,
at Kapanahunan ng Kaharian ang huling yugto.
Kahit magkakaiba mga gawain ng Diyos, lahat nauukol sa kailangan ng tao,
para mas tumpak, ukol sa mga panlilinlang ni Satanas sa paglaban sa Kanya.
Dis 1, 2017
Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas
Sino ang nanirahan sa Aking bahay? Sino ang nanindigan para sa Aking kapakanan? Sino ang nagdusa sa Aking ngalan? Sino ang nangako ng kanyang salita sa Aking harapan? Sino ang sumunod sa Akin hanggang sa kasalukuyan at gayon ay hindi nawalan ng malasakit? Bakit lahat ng mga tao ay malamig at walang pakiramdam? Bakit Ako ay iniwan ng sangkatauhan? Bakit napagod sa Akin ang sangkatauhan? Bakit walang kasiyahan sa mundo ng tao? Habang nasa Zion, nalasap ko ang kasiyahang nasa langit, at habang nasa Zion Ako ay nagtamasa ng pagpapalang nasa langit. Muli, Ako’y namuhay sa gitna ng sangkatauhan, nalasap Ko ang kapaitan sa mundo ng tao, nakita Ko sa Aking sariling mga mata ang lahat ng mga iba’t ibang mga kalagayan na umiiral sa gitna ng mga tao. Walang kamalay-malay, ang tao ay nagbago kasabay ng Aking pagbabago, at sa ganitong paraan lamang siya ay dumating sa kasalukuyang panahon. Ako ay hindi humihiling na gawin ng tao ang anumang bagay para sa Akin, at hindi Ko rin kinakailangan ang kanyang pagpaparami sa Aking pangalan. Nais ko lamang sa kanya ay maayon sa Aking plano, na hindi sumusuway sa Akin o nagdudulot ng marka ng kahihiyan sa Akin, at upang madala ng umaalingawngaw na pagpapatotoo sa Akin. Sa mga tao, mayroong mga taong nagdala sa Akin ng mahusay na patotoo at niluwalhati Ang Aking pangalan, ngunit paano ang mga gawain ng tao, ang pag-uugali ng tao ay posibleng makapagpasaya sa Aking puso? Paano niya posibleng matugunan ang Aking pagnanais o matupad ang Aking kalooban? Sa mga bundok at tubig sa ibabaw ng lupa, at ang mga bulaklak, damo, at mga puno sa lupa, walang sinuman ang nagpapakita ng mga gawa ng Aking mga kamay, wala ni isang umiiral para sa Aking pangalan. Ngunit bakit hindi maabot ng tao ang mga pamantayan ng Aking hinihiling? Maaari bang dahil ito sa kanyang kasuklam-suklam na kababaan? Maaari bang dahil ito sa Aking pagpapa-angat sa kanya? Maaari bang masyado Akong malupit sa kanya? Bakit ang tao ay laging sobrang natatakot sa Aking mga hinihiling? Ngayon, bukod sa napakaraming tao sa kaharian, bakit ba kayo ay nakikinig lamang sa Aking tinig ngunit hindi nais na makita ang Aking mukha? Bakit tumitingin lamang kayo sa Aking mga salita na hindi sinusubukang itugma ang mga ito sa Aking Espiritu? Bakit patuloy niyo Akong pinaglalayo sa ibabaw ng langit at sa ibaba ng lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi ang parehong Ako kapag ako ay nasa langit? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa langit, ay hindi makababa sa lupa? Maaari bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay hindi karapat-dapat na dalhin sa langit? Tila bang Ako, kapag Ako ay nasa lupa, ay isang mababang-loob na nilalang, na parang Ako, kapag ako ay nasa langit, ay dinakilang nilalang, at para bang mayroong namamalagi sa pagitan ng langit at lupa na isang hindi matawirang bangin. Ngunit sa mundo ng mga tao tila sila ay walang nalalaman sa mga pinagmulan ng mga bagay na ito, ngunit ang lahat ay nagsama-sama upang sumalungat sa Akin, na tila ang Aking mga salita ay may tunog lamang at walang kahulugan. Ang lahat ng tao ay gumugol ng pagsisikap sa Aking mga salita, nagsasagawa ng pagsisiyasat sa kanilang sarili sa Aking panlabas na anyo, ngunit lahat sila ay humantong sa pagkabigo, nang walang anumang mga resulta na maipakita, ngunit sa halip ay pinabagsak ng Aking mga salita at hindi na maglakas-loob na muling tumayo.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)