Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pedro. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pedro. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 30, 2019

Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan (Unang Bahagi)



Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos|"Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" (Unang Bahagi)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kinatawan ni Jesus ang Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos na direktang gumagawa. Ginawa Niya ang gawain sa bagong panahon, ang gawain na walang pang nakagagawa. Nagbukas Siya ng bagong daan, kinatawan Niya si Jehova, at kinatawan Niya ang Diyos Mismo. Samantalang sina Pedro, Pablo at David, anuman ang tawag sa kanila, kinatawan lang nila ang pagkakakilanlan ng nilalang ng Diyos, o ipinadala ni Jesus o Jehova. Kaya gaano man karami ang gawaing kanilang isinagawa, gaano man kadakila ang mga himalang kanilang ginawa, sila pa rin ay mga nilalang lamang ng Diyos, at walang kakayahang kumatawan sa Espiritu ng Diyos.

Okt 26, 2019

Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit


Ebanghelyo ngayong araw: Bakit Ibinigay ng Panginoong Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit


Yang Qing

Baffled From Reading the Bible

Nang maaga akong magising, ako ay nanalangin, at pagkatapos ay binuksan ang Biblia sa Mateo 16:19, kung saan sinasabi ng Panginoong Jesus kay Pedro: “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Sa pagbabasa sa talatang ito ng kasulatan, ako ay nalito, iniisip: “Hindi gumawa si Pedro ng anumang dakilang gawain ni ang kanyang mga isinulat ay talagang tanyag. Higit sa lahat, nang ang Panginoong Jesus ay dinakip at nilitis, tatlong beses Siyang ikinaila ni Pedro. Bakit hindi ibinigay ng Panginoong Jesus ang mga susi ng kaharian ng langit sa iba pang mga disipulo, bagkus kay Pedro lamang?” Nagsaliksik ako nang husto sa Banal na Kasulatan, ngunit walang nakalutas sa aking pagkalito. Hindi maiiwasang pumasok ako sa trabaho.

Ene 10, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Tungkol sa Buhay ni Pedro

Si Pedro ay isang huwaran na ipinakilala ng Diyos para sa sangkatauhan, at siya ay isang kilalang personalidad. Bakit ang gayong pangkaraniwang tao ay isinaayos ng Diyos bilang isang huwaran at napuri ng mga salinlahi sa kalaunan? Siyempre, hindi na kailangang banggitin pa na ito ay hindi maihihiwalay sa kanyang pagpapahayag at kanyang kapasyahan ng pag-ibig para sa Diyos. Hinggil sa kung saan ang puso ng pag-ibig ni Pedro para sa Diyos ay ipinahayag at kung ano ang tunay na kahalintulad ng mga karanasan niya sa buong buhay niya, dapat tayong bumalik sa Kapanahunan ng Biyaya upang tingnan minsan pa ang mga kaugalian nang panahong iyon, upang masilayan ang Pedro nang kapanahunang yaon.

Nob 17, 2017

Ang Ikawalong Pagbigkas

Job, Pedro, pag-ibig, karunungan, Pananampalataya

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos – Ang Ikawalong Pagbigkas

    Kapag nasa rurok na ang Aking kapahayagan at ang Aking paghatol ay malapit na sa katapusan, ito na ang magiging oras kung saan ang lahat ng Aking mga tao ay malalantad at magiging ganap. Ang Aking mga yabag ay lumilibot sa lahat ng sulok ng mundo ng sansinukob dahil sa walang katapusang paghahanap sa mga naghahangad ng Aking sariling puso at naaayon sa Aking paggamit. Sino ang maaaring tumayo at makikipagtulungan sa Akin? Ang pag-ibig ng tao sa Akin ay napakakulang at ang pananampalataya niya sa Akin ay hamak na maliit. Kung ang sidhi ng Aking mga salita ay hindi nakatuon sa mga kahinaan ng tao, siya ay magyayabang at magsasalita nang labis, mag-aastang relihiyosong lider, at lilikha ng matatayog na kuro-kuro, na para bang alam niya ang lahat at marunong sa lahat ng bagay sa mundo. Sino pa ang maglalakas-loob na magyabang sa gitna ng mga “tapat” sa Akin noon, at sa ngayon ay “naninindigan” sa Aking harapan? Sino ang hindi lantarang nagagalak sa kanilang sariling hinaharap? Nang hindi Ko tuwirang inilantad, ang tao ay walang lugar na napagtaguan, at nagdusa sa kahihiyan. Gaano kalala pa ito kung magsasalita Ako sa ibang paraan? Ang mga tao ay lalong makararamdam ng pagkakautang, sila ay maniniwala na walang makagagamot sa kanila, at ang lahat ay lalong magagapos ng kanilang pagsasawalang-kibo. Kapag ang tao ay nawalan ng pag-asa, ang pagpugay sa kaharian ay pormal ng umalingawngaw, kaya ito ay “ang oras kung kailan ang pitong beses na pinaigting na Espiritu ay nagsisimulang kumilos,” tulad ng sinabi ng tao; sa madaling salita, ang buhay ng kaharian ay opisyal na nagsimula sa daigdig, at iyon ay, nang ang Aking pagka-Diyos ay lumabas upang kumilos nang tuluyan (nang hindi kailangang iproseso ng utak). Ang lahat ng tao ay naging abala na maihahalintulad sa mga bubuyog; para bang muli silang nabuhay, na parang nagising sila mula sa isang panaginip, at pagkagising na pagkagising nila ay namangha sila nang makita ang kanilang sarili sa ganoong kalagayan. Noong nakaraan, marami Akong sinabi tungkol sa pagtatayo ng iglesia, inilahad Ko ang maraming hiwaga, at nang nasa rurok na ang pagtatayo ng iglesia, ito ay biglang nagwakas. Ang pagtatayo ng kaharian, gayon man, ay iba. Tanging kapag ang digmaan sa kahariang espirituwal ay nasa huling yugto, saka Ko sisimulang muli ang daigdig. Ito ay para sabihin na, tanging kapag malapit nang tumalikod and tao saka Ko lang pormal na sisimulan ang pagbangon ng Aking bagong gawain. Ang kaibahan sa pagtatayo ng kaharian at pagtatayo ng iglesia ay ganito, sa pagtatayo ng iglesia, Ako ay gumawa sa sangkatauhang pinamamahalaan ng pagka-Diyos. Tuwiran Kong pinakitunguhan ang lumang kalikasan ng tao, tuwirang inilantad ang pansariling kapangitan ng tao, at inihayag ang kakanyahan ng tao. Ang resulta, natutunan ng tao ang sarili niya sa ganitong paraan, at kaya ay napaniwala sa puso sa pamamagitan ng salita. Sa pagtatayo ng kaharian, Ako ay kumilos nang tuwiran sa Aking pagka-Diyos, at pinapahintulutan ang lahat ng tao na malaman kung anong mayroon Ako at sino Ako batay sa kaalaman ng Aking mga salita, at sa huli, pinapahintulutan silang makamit ang kaalaman tungkol sa Akin na nasa katawang-tao. Kaya ito ay magbibigay ng wakas sa paghahangad ng sangkatauhan sa isang malabong Diyos, at ito ay nagbibigay-katapusan sa lugar ng “Diyos ng langit” sa puso ng tao, na ibig sabihin ay, ito ay nagpapahintulot sa tao na malaman ang Aking mga gawa sa Aking katawang-tao, at winawakasan nito ang Aking panahon sa daigdig.

Nob 14, 2017

Ang Ikaanim na Pagbigkas

Kaalaman, Kaharian, Pedro, pag-ibig, karunungan, Langit

 Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos – Ang Ikaanim na Pagbigkas

    Sa mga bagay tungkol sa espiritu, kailangan kang maging sensitibo; sa Aking mga salita, maging maingat ka sa pakikinig. Kailangang magkaroon ka ng layuning makita ang Aking Espiritu at ang Aking sariling laman, ang Aking mga salita at ang Aking sariling laman, bilang isang buong hindi mahahati, at isagawa ito upang mabigyan Ako ng kasiyahan ng lahat ng sangkatauhan sa Aking harapan. Nalibot na ng Aking mga paa ang sandaigdig, nakita na ng Aking paningin ang buong kalawakan, at lumakad na Ako sa gitna ng buong sangkatauhan, natikman Ko na ang lasa ng tamis, asim, pait, at anghang ng karanasan ng tao, ngunit hindi kailanman Ako nakilala ng tao, o napansin man niya habang Ako’y naglalakad sa liwanag. Dahil tahimik Ako at walang ginagawang di-pangkaraniwan, dahil dito wala talagang nakakita sa Akin. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay ngayon: Gagawa Ako ng mga bagay na hindi pa nakikita ng mundo, simula nang likhain ang sanlibutan, magpapahayag Ako ng mga salitang hindi pa naririnig ng mga tao sa mahabang panahon, dahil ninais Kong makilala Ako sa nagkatawang-tao na ito. Ito ang mga hakbang ng Aking pamamahala, na hindi lubos na maunawaan ng sangkatauhan. Kahit magsalita Ako sa kanila nang lantaran, magulo pa rin ang kanyang isipan at imposible silang maliwanagan sa kanya sa bawat detalye. Nakalakip rito ang kasuklam-suklam na kababaan ng tao, hindi ba? Ito ang nais kong bigyan ng lunas sa kanya, tama ba? Sa mga nakaraang taon, wala Akong ginawang anuman para sa tao; kahit na silang tuwirang nakasama Ko sa Aking nagkatawang-tao ay walang narinig na tinig na nagmumula sa Aking pagka-Diyos. Kaya hindi maiiwasan na magkulang ang mga tao ng kaalaman tungkol sa Akin, ngunit ang bagay na ito ay hindi nakaapekto sa pagmamahal ng sangkatauhan sa Akin sa loob ng maraming taon. Ngunit ngayon, marami na Akong ginawa sa inyong himala at mga bagay na hindi maunawaan, at gayon din ang mga salita na Aking sinabi. Gayunpaman, kahit ganito, marami pa ring mga tao ang kumakalaban sa Akin nang harapan. Hayaan ninyo Akong bigyang ilang halimbawa.

Nob 6, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (6)

Paul, karunungan, Pedro, Jesus, Panalangin

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (6)


  Sa kasalukuyan, maraming mga tao ang ni hindi taglay ang pagkamaykatwiran o ang pansariling kamalayan ni Pablo, na, bagamat siya ay pinabagsak ng Panginoong Jesus, tinaglay na ang paninindigan na gumawa at magdusa para sa Kanya. Binigyan siya ng karamdaman ni Jesus, at kalaunan, patuloy na tiniis ni Pablo ang karamdamang ito sa sandaling nagsimula siyang gumawa. Bakit niya sinabi na mayroon siyang tinik sa laman? Ang tinik, sa totoo lang, ay karamdaman, at para kay Pablo, ito ay isang nakamamatay na kahinaan. Gaano man siya kahusay gumawa o gaano man katindi ang kanyang paninindigang magtiis, palagi niyang tinaglay ang karamdamang ito. Si Pablo ay mayroong mas matatag na kakayahan kaysa sa inyong mga tao sa kasalukuyan; hindi lamang na siya ay mayroong mahusay na kakayahan, ngunit tinaglay din niya ang kamalayang pansarili at tinaglay niya ang higit na pagkamaykatwiran kaysa sa inyo. Sa kasalukuyan, huwag nang isipin kailanman ang pagtatamo sa pagkamaykatwiran ni Pedro—maraming mga tao ang ni hindi magagawang matamo ang pagkamaykatwiran ni Pablo. Matapos na si Pablo ay pabagsakin ni Jesus, siya ay tumigil sa pag-uusig sa mga disipulo, at nagsimulang mangaral at magdusa para kay Jesus. At ano ang gumabay sa kanyang pagdurusa? Pinaniniwalaan ni Pablo na, yamang nakita niya ang dakilang liwanag, kailangan niyang magpatotoo sa Panginoong Jesus, dapat hindi na usigin pa ang mga disipulo ng Panginoong Jesus, at hindi na dapat salungatin pa ang gawain ng Diyos. Pagkatapos niyang makita ang dakilang liwanag, sinimulan niyang magdusa para sa Diyos, at ialay ang sarili niya sa Diyos, at kanyang itinakda ang kanyang paninindigan. Pagkatapos na ang “dakilang liwanag” ay lumiwanag sa kanya, nagsimula siyang gumawa para sa Diyos, at nagawa niyang itakda ang kanyang paninindigan, na nagpapatunay na taglay niya ang pagkamaykatwiran. Sa relihiyon, si Pablo ay isang mataas-na-ranggong tao. Siya ay totoong maalam at likas na matalino, mababa ang tingin niya sa karamihan ng mga tao, at taglay ang isang higit na mas malakas na pagkatao kaysa sa karamihan. Ngunit pagkatapos na ang “dakilang liwanag” ay lumiwanag sa kanya, sinabi niya na dapat siyang gumawa para sa Panginoong Jesus—at ito ang kanyang pagkamaykatwiran. Nang inusig niya ang mga disipulo, si Jesus ay nagpakita sa kanya at sinabing: “Pablo, bakit mo ako inuusig?” Kaagad natumba si Pablo at sinabing: “Sino Ka?” Isang tinig mula sa langit ang nagsabing: “Ako ang Panginoong Jesus, na iyong inuusig.” Sa isang iglap, nagising si Pablo, kanyang naunawaan, at sa gayon lamang niya nalaman na si Jesus ay si Cristo, na Siya ay Diyos. Dapat akong sumunod, ibinigay sa akin ng Diyos ang biyayang ito, at inusig ko Siya sa halip, gayunman hindi Niya ako pinabagsak, ni hindi Niya ako sinumpa—dapat akong magdusa para sa Kanya. Kinilala ni Pablo na inusig niya ang Panginoong Jesuscristo at sa kasalukuyan ay pinapatay ang Kanyang mga disipulo, na hindi siya sinumpa ng Diyos, ngunit pinagliwanag ang ilaw sa kanya; ito ang gumabay sa kanya, at kanyang sinabi: “Bagamat hindi ako tumingin sa Kanyang mukha, narinig ko ang Kanyang tinig at nakita ang Kanyang dakilang liwanag. Ngayon ko pa lamang tunay na nakikita na iniibig talaga ako ng Diyos, at na ang Panginoong Jesus ay talagang ang Diyos na mayroong habag sa tao at pinatatawad Niya ang mga pagkakasala ng tao magpakailanman. Tunay kong nakikita na ako ay isang makasalanan.” Bagamat, pagkatapos, ginamit ng Diyos ang mga kaloob ni Pablo upang gumawa, kalimutan ito sumandali. Ang kanyang paninindigan sa panahong iyon, ang kanyang normal na pantaong pagkamaykatwiran, at ang kanyang pansariling kamalayan—wala kayong kakayahan na matamo ang mga bagay na ito. Sa kasalukuyan, hindi ba kayo nakakatanggap ng gaanong liwanag? Hindi ba nakikita ng maraming mga tao na ang disposisyon ng Diyos ay isa na kamahalan, poot, paghatol, at pagkastigo? Madalas mayroong mga sumpa, mga pagsubok, at pagpipino ang sumasapit sa mga tao—at ano ang kanilang natutunan? Nakapagkamit ba kayo ng anuman mula sa inyong displina at pakikitungo? Ang malabis na mga pananalita, paghampas, at paghatol ay sumapit sa inyo sa maraming mga pagkakataon, ngunit hindi ninyo pinag-ukulan ng pansin ang mga ito. Ni hindi ninyo taglay ang kaunting pagkamaykatwiran na taglay ni Pablo—hindi ba kayo masyadong paurong? Napakarami ang hindi nakita nang malinaw ni Pablo. Nalaman lamang niya na ang liwanag ay nagliwanag sa kanya, at hindi namalayang siya ay pinabagsak. Sa kanyang personal na paniniwala, pagkatapos na ang ilaw ay magliwanag sa kanya, dapat niyang gugulin ang sarili niya para sa Diyos, magdusa para sa Diyos, gawin ang lahat upang ihanda ang daan para sa Panginoong Jesucristo, at magtamo ng mas maraming makasalanan upang iligtas ng Panginoon. Ito ang kanyang paninindigan, at ang tanging layunin ng kanyang gawain—ngunit kapag siya ay gumawa, hindi pa rin siya iniwan ng karamdaman, hanggang sa kanyang kamatayan. Si Pablo ay gumawa nang mahigit sa dalawampung taon. Siya ay nagdusa nang husto, at nagdanas ng maraming mga pag-uusig at mga kapighatian, bagamat, mangyari pa, ang kanyang mga pagsubok ay higit na kaunti kaysa doon kay Pedro. Gaano pa ito kahabag-habag kung hindi pa ninyo taglay ang pagkamaykatwiran ni Pablo? Sa ganito, paano makapagsisimula ang Diyos sa mas higit na gawain sa inyo?

Okt 19, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol


 Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

 Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

   Noong siya ay kinakastigo ng Diyos, nanalangin si Pedro, “O Diyos! Ang aking laman ay masuwayin, at kinakastigo Mo ako at hinahatulan ako. Ako ay nagagalak sa Iyong pagkastigo at paghatol, at kahit hindi Mo ako nais, sa Iyong paghatol ay nakikita ko ang Iyong banal at matuwid na disposisyon. Kapag hinahatulan Mo ako, upang makita ng iba ang Iyong matuwid na disposisyon sa Iyong paghatol, ako ay nasisiyahan. Kung ito ay makapagtatanghal ng Iyong disposisyon, at magtutulot na ang Iyong matuwid na disposisyon ay makita ng lahat ng mga nilalang, at kung madadalisay nito nang higit ang aking pag-ibig sa Iyo, upang aking matamo ang larawan ng isa na matuwid, kung gayon ang Iyong paghatol ay mabuti, sapagka’t gayon ang Iyong mapagpalang kalooban. Batid ko na malaki pa rin sa akin ang mapanghimagsik, at na ako ay hindi pa rin naaangkop na lumapit sa harap Mo. Nais ko para sa Iyo na hatulan pa ako nang higit, kung sa pamamagitan man ito ng palabang kapaligiran o malaking mga kapighatian; sa paanong paraan Mo man ako hatulan, para sa akin ito ay napakahalaga. Ang Iyong pag-ibig ay napakalalim, at ako ay payag na ihain ang aking sarili sa Iyong kahabagan nang walang munti mang pagdaing.” Ito ang kaalaman ni Pedro pagkatapos niyang maranasan ang gawa ng Diyos, at ito rin ay isang patotoo sa kanyang pag-ibig sa Diyos. Ngayon, kayo ay nalupig na—nguni’t sa paanong paraan ang pagkalupig na ito ay naihahayag sa inyo? May mga taong nagsasabi, “Ang paglupig sa akin ay ang pinakamataas na biyaya at pagtataas ng Diyos. Ngayon ko lamang napagtanto na ang buhay ng tao ay hungkag at walang halaga. Ang mabuhay ay lubhang walang kabuluhan, mas gugustuhin ko pang mamatay. Bagaman ginugugol ng tao ang kanyang buhay sa pagmamadali, pamumunga at pagpapalaki ng henerasyon pagkatapos ng isa pang henerasyon ng mga bata, sa kasukdulan ay walang matitira sa tao. Ngayon, pagkatapos lamang na malupig ng Diyos ay nakita ko na walang kabuluhan ang pamumuhay sa ganitong paraan; ito ay tunay na walang-kahulugang buhay. Mabuti pang mamatay tayo at matapos na ito!” Ang gayon bang mga tao na nalupig ay matatamo ng Diyos? Sila ba ay maaaring maging halimbawa at huwaran? Ang gayong mga tao ay mga aral sa pagiging walang-pakialam, wala silang mga hangarin, at hindi nagsisikap upang mapabuti ang kanilang mga sarili! Bagaman sila ay nabibilang sa nalupig, ang gayong mga tao na walang-pakialam ay hindi kayang gawing perpekto. Noong malapit na siyang mamatay, pagkatapos siyang magawang perpekto, sinabi ni Pedro, “O Diyos! Kung ako ay mabubuhay ng ilan pang mga taon, nais kong magkaroon nang higit pang dalisay at higit pang malalim na pag-ibig sa Iyo.” Noong siya ay ipapako na sa krus, nanalangin siya sa kanyang puso, “O Diyos! Ang Iyong panahon ay ngayon dumating, ang panahong Iyong inihanda para sa akin ay dumating na. Ako ay dapat maipako sa krus para sa Iyo, dapat kong dalhin itong patotoo sa Iyo, at ako ay umaasa na ang aking pag-ibig ay makatutugon sa Iyong mga kinakailangan, at na ito ay magiging higit pang dalisay. Ngayon, ang makayang mamatay para sa Iyo, at maipako sa krus para sa Iyo, ay umaaliw at nagbibigay-katiyakan sa akin, sapagka’t wala nang higit pang kasiya-siya sa akin kaysa makayang mapako sa krus para sa Iyo at mabigyang-kasiyahan ang Iyong mga kanaisan, at makayang ibigay ang sarili ko sa Iyo, maialay ang aking buhay sa Iyo. O Diyos! Ikaw ay lubhang kaibig-ibig! Kung tutulutan Mo akong mabuhay, lalo pa akong magiging handang ibigin Ka. Habang ako ay buhay, iibigin Kita. Nais kong ibigin Ka pa nang higit na malalim. Hatulan Mo ako, at kastiguhin ako, at subukin ako dahil ako ay hindi matuwid, dahil ako ay nagkasala. At ang Iyong matuwid na disposisyon ay nagiging higit na maliwanag sa akin. Ito ay isang pagpapala sa akin, sapagka’t naiibig Kita nang higit na malalim, at handa akong ibigin Ka sa ganitong paraan kahit na hindi Mo ako iniibig. Handa akong makita ang Iyong matuwid na disposisyon, sapagka’t mas lalo ako nitong binibigyang-kakayahan upang isabuhay ang isang makahulugang buhay. Nararamdaman ko na ang buhay ko ngayon ay higit na may kabuluhan, sapagka’t ipinapako ako sa krus para sa Iyong kapakanan, at napakahalagang mamatay alang-alang sa Iyo. Gayun pa man hindi pa rin ako nakakaramdam na nasisiyahan, sapagka’t lubhang kakaunti lamang ang nalalaman ko hinggil sa Iyo, batid ko na hindi ko ganap na matutupad ang Iyong mga iniaatas, at kakaunti lamang ang mga naibayad ko sa Iyo. Sa aking buhay, hindi ko nakayang ibigay ang buong sarili ko sa Iyo; malayo pa ako roon. Habang lumilingon ako sa sandaling ito, nararamdaman ko ang lubhang pagkakautang ko sa Iyo, mayroon na lamang ako ng sandaling ito upang bumawi mula sa lahat ng mga pagkakamali ko at lahat ng pag-ibig na hindi ko naibalik sa Iyo.”