Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na paggalang. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na paggalang. Ipakita ang lahat ng mga post

Peb 14, 2019

Cristianong Musikang | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"



Awit ng Pagsamba | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"


I
Tanaw ng Diyos ang lahat ng bagay mula sa taas,
at nangingibabaw sa lahat mula sa taas.
Kaligtasa'y ipinadala din ng Diyos sa mundo.
Nakamasid lagi ang Diyos mula sa lihim Niyang dako,
bawat kilos ng tao, sinasabi't ginagawa.
Tao'y kilala ng Diyos gaya ng palad N'ya.
Lihim na dako'y tahanan ng Diyos,
kalawaka'y higaan Niya.
Kampon ni Satanas 'di abot ang Diyos,
puspos S'ya ng kamahalan, katuwiran, at paghatol.

Peb 8, 2019

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Kabanata 36

Ang Makapangyarihang totoong Diyos, Haring nasa trono, ay namumuno sa buong sansinukob, hinaharap ang lahat ng mga bansa at lahat ng mga bayan, at lahat ng nasa silong ng langit ay sumisikat sa luwalhati ng Diyos. Makikita ng lahat ng nabubuhay sa mga kadulu-duluhan ng sansinukob. Ang mga bundok, ang mga ilog, ang mga lawa, ang mga lupain, ang mga karagatan at lahat ng nabubuhay na nilalang, sa liwanag ng mukha ng tunay na Diyos ay nagbukas ng kanilang mga pantabing, napanumbalik, parang nagising mula sa isang panaginip, umuusbong pasibol sa lupa!

Ene 10, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Tungkol sa Buhay ni Pedro

Si Pedro ay isang huwaran na ipinakilala ng Diyos para sa sangkatauhan, at siya ay isang kilalang personalidad. Bakit ang gayong pangkaraniwang tao ay isinaayos ng Diyos bilang isang huwaran at napuri ng mga salinlahi sa kalaunan? Siyempre, hindi na kailangang banggitin pa na ito ay hindi maihihiwalay sa kanyang pagpapahayag at kanyang kapasyahan ng pag-ibig para sa Diyos. Hinggil sa kung saan ang puso ng pag-ibig ni Pedro para sa Diyos ay ipinahayag at kung ano ang tunay na kahalintulad ng mga karanasan niya sa buong buhay niya, dapat tayong bumalik sa Kapanahunan ng Biyaya upang tingnan minsan pa ang mga kaugalian nang panahong iyon, upang masilayan ang Pedro nang kapanahunang yaon.

Nob 26, 2018

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikalawang Bahagi)


Mga Pagsasalaysay ng Salita ng Diyos | Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikalawang Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Maglakad sa Landas ng Diyos: Matakot sa Diyos at Iwasan ang Kasamaan Gumagamit ang Diyos ng Iba’t ibang mga Pagsubok upang Suriin kung ang mga Tao ay Takot sa Diyos at Iwas sa Kasamaan Ang Hindi Matakot sa Diyos at Iwasan ang Kasamaan ay Pagtutol sa Diyos

Nob 24, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung hindi mo alam ang diwa ng Diyos, magiging imposible para sa iyo na magpakita sa Kanya ng pagpipitagan at pagkatakot, pero sa halip tanging walang pakundangang pagwawalang-bahala at paglihis, at bukod diyan, hindi na maiwawastong paglapastangan. Bagama’t ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay tunay na mahalaga at ang pag-alam sa diwa ng Diyos ay hindi dapat maliitin, walang sinuman ang kailanman ay lubusang nakapagsuri o nakapagsiyasat na sa mga isyung ito.

Nob 19, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikalawang Bahagi)


Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikalawang Bahagi)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang pagbabawal sa Kanyang gawain, at hindi ito masisira ng sinumang tao, bagay, o kaganapan, at hindi ito maaaring guluhin ng anumang mga puwersa ng kaaway. Sa Kanyang bagong gawain, Siya ay palaging nagwawaging Hari, at ang anumang mga puwersa ng kaaway at ang lahat ng mga erehiya at mga panlilinlang mula sa sangkatauhan ay bumagsak lahat sa ilalim ng Kanyang tuntungan.

Nob 9, 2018

Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?

Tanong 2: Kababanggit lang ang tungkol sa ilang labag sa batas na gawain, kaya anong mga partikular na gawain ang ibig mong sabihin kapag sinasabi mong lumalala ang katampalasanan?


Sagot: Ang pangunahing ibig sabihin ng paglala ng katampalasanan ay ang pagsuway ng mga pinuno at pastor ng relihiyon, at mga elder sa kalooban ng Diyos at sa halip ay pagtahak sa sarili nilang daan. Hindi nila sinusunod ang mga utos ng Diyos, at binibigyan nila ng maling kahulugan ang Biblia para igapos, kontrolin, at linlangin ang mga tao, nilulunod sila sa teolohiya ng biblia, at inilalayo sila sa Diyos, ginagawa ang mga iglesia na mga lugar ng ritwal panrelihiyon, at itinuturing nila ang kanilang mga responsibilidad at tungkulin bilang paraan tungo sa katayuan at kita, na dahilan para gumawa ang marami ng mga mapagpaimbabaw na gawaing tumututol sa Diyos sa iglesia. Maraming tao ang nagbunyag sa kanilang mga sarili bilang mga hindi mananampalataya. Hinahanap nila ang mga makamundong kasiyahan, lumalayo sa daan ng Panginoon , at itinuturing pa ang mga salita ng Diyos bilang mga kuwentu-kuwento lang. Hindi talaga sila naniniwala na babalik muli ang Panginoong Jesus para magsalita at magsagawa ng gawain.

Okt 19, 2018

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Unang bahagi)


Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Unang bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Ang Timbang ng Kalalabasan sa Puso ng mga Tao Hindi Mapapalitan ng mga Paniniwala ng mga Tao

Okt 13, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikaanim na Bahagi)


Ang Gawain ng Diyos , ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikaanim na Bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Ang Patotoo ni Job ay Nagdulot ng Kaginhawahan sa Diyos Bagama’t ang Diyos ay Hindi Ibinunyag ang Sarili Niya kay Job, Si Job ay Naniniwala sa Dakilang Kapangyarihan ng Diyos Ang Pananampalataya ni Job sa Diyos ay Hindi Nayayanig Dahil Nakatago ang Diyos sa Kanya Pinagpapala ni Job ang Pangalan ng Diyos at Hindi Nag-iisip ng Pagpapala o Kapahamakan Bagaman ang Diyos ay Nakatago Mula sa Tao,

Okt 12, 2018

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Kanino Ka Matapat?" (Salita ng Buhay)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sumusunod kayo sa Akin sa mahabang panahon, nguni’t wala ni katiting na katapatan kayong naigawad para sa Akin. Sa halip, kayo’y uminog sa mga taong mahal ninyo at mga bagay na nagpapasaya sa inyo kaya sila ay pinanatiling malapit sa inyong mga puso at hindi kailanman tinalikdan, anumang oras, kahit saan man...