Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na soberanya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na soberanya. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 8, 2018

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII" (Ikatlong Bahagi)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII" (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nagtrabaho nang palihim ang Diyos. Noong hindi pa dumarating ang tao sa mundong ito, bago makadaupang-palad ang sangkatauhang ito, nilikha na ng Diyos ang lahat ng ito. Ang lahat ng ginawa Niya ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, para sa kapakanan ng kaligtasan ng kanilang buhay, at para sa konsiderasyon ng pag-iral ng sangkatauhan, upang maaaring mamuhay ang sangkatauhan sa mayaman at saganang materyal na mundong nilikha ng Diyos para sa kanila,

Okt 30, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Ikalimang bahagi)


Salita ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I Awtoridad ng Diyos (I) (Ikalimang bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito: Hindi Kailanman Nangahas si Satanas na Suwayin ang Awtoridad ng Maylalang, at Dahil Dito, Maayos na Nabuhay ang Lahat ng mga Bagay Tanging ang Diyos, na May Pagkakakilanlan ng Maylalang, ang Nagtataglay ng Natatanging Awtoridad Natatangi ang Pagkakakilanlan ng Maylalang,

Okt 29, 2018

Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Ikalawang Bahagi)


Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw (Ikalawang Bahagi)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha. ...

Okt 20, 2018

Naging Isa Bang Biyaya o Sumpa ang Siyensiya sa Sangkatauhan?


Ttagalog Dubbed MoviesNaging Isa Bang Biyaya o Sumpa ang Siyensiya sa Sangkatauhan?


Sa paggamit ng mga argumentong gaya ng materyalismo at ng teorya ng ebolusyon, hindi nag-aksaya ng lakas ang Patido Komunista ng Tsina sa pagkontra sa pag-iral ng Diyos at sa pamumuno Niya.

Okt 10, 2018

Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)


Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw.

Set 13, 2018

Ibigay ang Isipan at Katawan sa Katuparan ng Utos ng Diyos


Tagalog Christian SongsIbigay ang Isipan at Katawan sa Katuparan ng Utos ng Diyos


Bilang mga kasapi ng sangkatauhan at mga Kristiyanong tapat, pananagutan at obligasyon nating lahat na ialay ang ating katawa't isipan sa katuparan ng utos ng Diyos, dahil buong pagkatao nati'y nagmula sa Diyos, at umiiral salamat sa kapangyarihan ng Diyos.

Ago 24, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan sa Buhay na Walang Hanggan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Kidlat ng Silanganan, Makapangyarihang Diyos

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan sa Buhay na Walang Hanggan
  Ang daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Ito ay dahil sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay. Simula nang Kanyang likhain ang mundo, maraming nagawa ang Diyos ukol sa kasiglahan ng buhay, maraming nagawa na nagbigay buhay sa tao, at nagbayad ng napakalaking halaga upang ang tao ay makamtan ang buhay, sapagkat ang Diyos Mismo ang buhay na walang hanggan, at ang Diyos Mismo ang daan upang ang tao ay mabuhay muli. Ang Diyos ay hindi kailanman nawawala sa puso ng tao, at naninirahan na kasama ng tao sa lahat ng mga panahon. Siya ang puwersang nagpapatakbo sa buhay ng tao, ang batayan ng pag-iral ng tao, at isang mariwasang lagak para sa pag-iral ng tao matapos ang kapanganakan. Siya ang nagsasanhi upang ang tao ay maipanganak muli, at tinutulungan siyang mahigpit na mabuhay sa kanyang bawat papel na ginagampanan. Salamat sa Kanyang kapangyarihan, at Kanyang di-mapapatay na puwersa ng buhay, nabuhay ang tao sa salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi, sa buong panahon kung saan ang kapangyarihan ng buhay ng Diyos ay naging pangunahing salik sa pag-iral ng tao, kung saan binayaran ng Diyos sa halaga na walang karaniwang tao ang kailanma’y nagbayad. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay kayang manaig sa anumang kapangyarihan; bukod dito, nahihigitan nito ang alinmang kapangyarihan. Ang Kanyang buhay ay walang hanggan, ang Kanyang kapangyarihan ay pambihira, at ang Kanyang puwersa ng buhay ay hindi madaling madaig ng kahit na anong nilalang o puwersa ng kaaway. Ang puwersa ng buhay ng Diyos ay umiiral, at pinagniningning ang makinang na liwanag nito, sa kahit na saang panahon o dako. Ang buhay ng Diyos ay mananatiling di-nagbabago kailanman sa buong panahon ng mga kaguluhan sa langit at lupa. Lahat ng bagay ay lilipas, ngunit ang buhay ng Diyos ay mananatili pa rin, sapagkat ang Diyos ay ang pinagmulan ng pag-iral ng lahat ng bagay, at ang ugat ng kanilang pag-iral. Ang buhay ng tao ay nanggaling sa Diyos, ang pag-iral ng kalangitan ay dahil sa Diyos, at ang pag-iral ng mundo ay nagmumula sa kapangyarihan ng buhay ng Diyos. Walang bagay na nagtataglay ng kasiglahan ang kayang malampasan ang paghahari ng Diyos, at walang anumang bagay na may lakas ang kayang humiwalay sa nasasakupan ng awtoridad ng Diyos. Sa ganitong paraan, kahit na sino pa sila, lahat ay dapat magpasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos, lahat ay dapat mamuhay sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at walang kahit isa ang makatatakas sa Kanyang kontrol.