Nagbalik na ang Panginoon:Paano Natutupad ang mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon
Kamusta sa lahat, masayang masaya akong makita kayo rito. Una, pasalamatan natin ang Diyos sa paghahanda ng pagkakataong ito para sa atin, at nawa’y gabayan tayo ng Diyos at kumilos Siya sa atin.
Mga kapatid, pagkatapos ng muling pagkabuhay at pag-akyat sa langit ng ating Panginoong Jesus, lahat tayong naniniwala sa Panginoon ay nagnanais na bumalik Siya sa lalong madaling panahon nang sa gayon ay matupad ang ating mga hinihiling sa loob ng maraming taon, at nang sa gayon ay matanggap natin ang Kanyang pangako at matamasa ang Kanyang mga pagpapala. Lalo na sa mga huling araw, ang pagnanais nating makita ang pagbabalik ng Panginoon ay higit pang mahalaga. Ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus ay halos naisakatuparan na sa ngayon, at nakita at narinig na nating lahat ang madalas na pagdating ng lahat ng uri ng sakuna sa lahat ng bansa sa mundo. Higit pa, ang mga ito ay hindi pa nangyari sa kasaysayan, at mayroong mga sakuna sa lahat ng dako, gaya ng mga pagbaha, tagtuyot, lindol, epidemya, at digmaan. Nasa matinding kaguluhan rin ang mundo, at madalas na mayroong mga giyera at pag-atake ng terorismo. Dagdag pa, ang mga sermon ng mga pastor at pinuno sa simbahan ay pawang mga lumang kasabihang hindi nagtataglay ng bagong liwanag. Maraming mananampalataya ang nakakarinig ng mga sermon na ito at hindi nakakaramdam ng pagkaaliw, at napapalitan ng desolasyon ang kanilang pananampalataya at pag-ibig. Hindi ba’t ito ang tiyak na sitwasyon kung kailan maisasakatuparan ang propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus?