Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Karanasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Karanasan. Ipakita ang lahat ng mga post

Nob 23, 2018

Clip ng Pelikulang | "Mga Patotoo Mula sa Pagdanas sa Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw"


Clip ng Pelikulang | "Mga Patotoo Mula sa Pagdanas sa Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw"


Sa mga huling araw, ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan sa China at isinasagawa ang gawaing paghatol simula sa bahay ng Diyos. Nilupig at iniligtas Niya ang isang grupo ng mga tao, at sila ang mga nakakamit sa daan ng walang hanggang buhay.

Hul 19, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-walong Pagbigkas

buhay, karanasan, kaharian, langit

Sa isang siklab ng kidlat, naibubunyag ang bawat hayop sa tunay na anyo nito. Gayundin naman, dahil sa paglilinaw ng Aking liwanag, nabawi ng sangkatauhan ang kabanalang dati minsan nilang tinaglay. O, na sa wakas ang tiwaling mundo ng nakaraan ay nabuwal tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, naglaho sa putikan! O, na sa wakas muling nabuhay sa liwanag ang buong sangkatauhan na Aking nilikha, nahanap ang pundasyon ng pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! O, ang mga hindi mabilang na nilikhang hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan sa liwanag ang kanilang mga layunin? Hindi na payapa at tahimik ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Hindi na pinaghihiwalay ng isang puwang ang langit at lupa, nagkaisa na sila, at kailanman hindi na muling paghihiwalayin pa. Sa napakasayang pangyayaring ito, sa sandali ng pagbubunyi, ang Aking pagkamatuwid at ang Aking kabanalan ay umabot sa buong sansinukob, at walang humpay na pinupuri iyon ng buong sangkatauhan. Tumatawang may kagalakan ang mga bayan ng langit, at nagsasayawan ang mga kaharian ng lupa nang may kagalakan. Sino ang hindi nagagalak sa sandaling ito? At sino ang hindi umiiyak sa sandaling ito? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay kabilang sa langit, at nakaugnay ang langit sa lupa. Ang tao ang nag-uugnay sa langit at lupa, at salamat sa kanyang kabanalan, salamat sa kanyang pagpapanibago, hindi na lingid sa lupa ang langit, at hindi na nananatiling tahimik ang lupa sa langit. Nababalot sa ngiti ng kasiyahan ang mga mukha ng sangkatauhan, at naitago sa kanilang mga puso ang isang tamis na walang hangganan. Hindi nakikipag-away ang tao sa kapwa tao, at hindi rin sila nakikipagdagukan sa isa’t isa. Sa Aking liwanag, mayroon bang namumuhay nang hindi matiwasay kasama ang iba? Sa Aking panahon, mayroon bang nagbibigay ng kahihiyan sa pangalan Ko? Nakatuon sa Akin ang magalang na pagtingin ng buong sangkatauhan, at lihim silang tumatawag sa Akin sa kanilang mga puso. Sinaliksik Ko ang bawat pagkilos ng sangkatauhan: Sa mga taong nalinis, walang hindi masunurin sa Akin, walang makapagbibigay ng paghatol sa Akin. Napupuspos ang lahat ng sangkatauhan sa Aking disposisyon. Nakikilala na Ako ng bawat tao, mas lumalapit sila sa Akin, at sinasamba nila Ako. Tumindig Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa mata ng tao sa pinakamataas na tugatog, at dumadaloy ito sa dugo sa kanyang mga ugat. Pinupuno ng masayang pagbubunyi sa puso ng mga tao ang bawat lugar sa balat ng lupa, masigla at sariwa ang hangin, hindi na tinatalukbungan ng hamog ang lupa, at maningning ang sikat ng araw.

Mar 19, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Nakita Ko ang Proteksyon ng Diyos sa Isang Karanasan

kapalaran, katotohanan, Salita ng Diyos, Karanasan, Jesus
Yongxin, Siyudad ng Yibin, Lalawigan ng Sichuan
    Hindi kami kailanman naniwala sa Diyos dati. Noong 2005, sa pag-angat ng Diyos, ang aking asawa, aking biyenan, aking tiyo at ako ay tinanggap ang gawain ng Diyos ng mga huling araw. Hindi nagtagal, ang iglesia ay nagsaayos para sa akin na gawin ang katungkulan ng pag-iingat ng mga libro. Pagkaraan nito, ang aming bahay ay nasunog, at sa panahon ng sunog na ito natanggap namin ang mahimalang proteksyon ng Diyos. Ang Diyos ay totoong makapangyarihan!
    Isang araw noong Marso ng taong 2006, pagkatapos ng tanghalian bandang ika-1 ng hapon, ay nagniniyebe nang malakas sa labas. Ang aking asawa, anak na babae at ako ay nasa loob, pinapainit ang aming mga sarili sa apoy at naghihimay ng mais, nang bigla namin narinig ang isang tinig mula sa labas na malakas na sumisigaw, “Ang inyong bahay ay nasusunog! Bilisan ninyo, lumabas kayo at patayin ito!” Dali-dali kaming tumakbo palabas, at nakita na ang sunog ay natupok na ang bubong ng kusina at babuyan. Tatlong di-mananampalataya ang tumulong sa amin na labanan ang apoy, at sumigaw, “Halikayo at tumulong patayin ang sunog!” Dalawang katabing baryo ang nakarinig ng aming mga sigaw, at agad tatlumpu o apatnapung katao ang dumating upang tumulong sa amin na labanan ang sunog. Sa oras na iyon, narinig ko ang isang tao na nagsabi, “Hindi ba naniniwala sa Diyos ang pamilyang ito? Paano nangyari ang sunog sa kanila? Ngayon na ang kanilang bahay ay nasunog, tingnan kung sila ay naniniwala pa rin sa Diyos.” Sa oras na iyon, wala akong pakialam sa kanilang mga sinasabi. Nakita ko na ang sunog ay nagiging mas masidhi. Isang malakas na hangin ang nagdala sa nagngangalit na liyab direktang papunta sa pangunahing bahagi ng aming bahay. Ako ay lubos na nabahala sa aking puso, sapagkat nasa bahay ang mga libro ng iglesia at ang trigo ng aming pamilya. Sa sandaling ito ng kawalan ng pag-asa, ang magagawa ko lamang ay tumawag ng tuloy-tuloy sa Diyos: “O Diyos! Nawa ay patnubayan mo at protektahan ang mga libro ng iglesia at ang aming mga trigo, huwag Mo hayaan na masunog ang mga ito.” Pagkatapos ko manalangin, isang himala ang nangyari. Ang hangin ay biglang nagbago ng direksyon; noon lamang ako naging mas hindi nabalisa sa aking puso, yamang alam ko na ang mga bagay sa loob ng aming bahay ay protektado lahat. Sa pagkarinig sa mga tao na lumalaban sa sunog na pinag-uusapan kung gaano kalaking pera ang halaga ng mga bagay na nasunog, agad naming naalala na may dalawang baboy sa babuyan. Ang aking asawa ay tumakbo upang iligtas ang mga ito; hindi nagtagal nang siya ay nakapasok, biglang nalaglag ang isang nasusunog na tipak at humarang sa daanan ng pintuan. Sa pagkakita ko nito ang aking puso ay lumukso sa aking lalamunan, at desperado akong umiyak sa Diyos sa aking puso, nagmamakaawa sa Kaniya na patnubayan at protektahan ang aking asawa. Lahat ng mga hindi mananampalataya ay nag-alala na ang aking asawa ay nasa malaking panganib. Gayunman, habang ang lahat ay nakamasid, ang aking asawa sa huli ay lumabas mula sa sunog na ligtas at maayos, itinutulak ang dalawang baboy na tumitimbang ng higit sa limampung kilo bawat isa. Sa oras na ito, ang aking puso sa wakas ay naging kalmado. Ang sunog ay tumagal sa loob ng isang oras o higit pa, sa kalahatan ay sumunog sa kusina at dalawang babuyan, na nagresulta sa tinatantyang kawalan na higit sa apat na libong yuan.

Mar 14, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon

Kung Wala ang Pagliligtas ng Diyos, Wala Ako rito Ngayon

Zhang Jin, Beijing
August 16, 2012
    Ako’y isang matandang kapatid na may kapansanan sa dalawang paa. Kahit na ang panahon ay maaliwalas, hirap ako sa paglalakad, subalit nang ang tubig baha ay tatangayin na ako, ipinahintulot ng Diyos na mahimalang makaligtas ako sa panganib.
    Noon ay Hulyo 21, 2012. Nang araw na iyon isang humuhugos na ulan ang bumuhos, at nagkataong ako’y nasa labas na tumutupad ng aking tungkulin. Pagkatapos ng ika-4:00 n.h., hindi pa rin tumigil ang ulan. Nang matapos ang aming pulong, sinuong ko ang ulan at sumakay ng bus pauwi. Habang nasa byahe, lalong lumakas pa ang ulan, at nang ang bus ay kailangang tumigil bago ang sa amin, sinabihan ng tsuper ang mga pasahero, “Hindi na makapagpapatuloy ang bus na ito; ang daan sa unahan ay gumuho.” Wala nang ibang magagawa, kaya wala akong mapagpipilian kundi ang bumaba ng bus at maglakad na pauwi. Hindi nangangahas na iwan ang Diyos, patuloy akong nananalangin sa aking puso. Dahil sa puwersa ng delubyo, lubos na nilamon ng tubig ang kalsada. Sinubukan kong magpatuloy sa pamamagitan ng paghawak sa mga haliging semento na nakahilera sa kalsada, na ako’y umusad nang paisa-isang hakbang. Noon ay narinig kong may sumisigaw sa likuran ko, “Huwag ka nang magpatuloy! Bilis; umikot at bumalik ka na! Hindi ka makakadaan; malalim ang tubig at napakabilis ng agos. Kapag natangay ka nito, hindi kita kayang sagipin!” Nang panahong iyon, hindi na ako makasulong o umurong man sapagkat ang tubig ay umabot na sa aking dibdib. Hindi ko na tinangkang magpatuloy kaya ang aking nagawa ay manalangin sa Diyos at mamanhik na gumawa Siya ng daan palabas dito: “Diyos! Ipinahintulot po Ninyong sapitin ko ito, at nasa Inyong mga kamay kung ako’y mabubuhay o mamamatay. Kung ang tubig ay bumaba nang may kahit kalahating piye, kakayanin kong magpatuloy sa pagsulong. Diyos, gawin mo ang Iyong kalooban; handa akong ipagkatiwala ang aking buhay sa Iyo!” Matapos kong masambit ang panalanging ito, ako ay napanatag at nanahimik. Nagunita ko ang isa sa mga winika ng Diyos: “Ang mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay ay itinatatag at ginagawang ganap sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig at kasama Ako anumang bagay ay kayang maisakatuparan” (Mga Wika at Patotoo ni Cristo sa Pasimula). Ang mga salita ng Diyos ang nagbigay sa akin ng pananampalataya at lakas ng loob. Sapagkat ang kalangitan at kalupaan at lahat ng mga bagay ay nasa kamay ng Diyos, batid kong gaano man kalupit ng delubyong ito, di ito makalalampas sa kakayahan ng Diyos. Wala ni isa man ang maaaring asahan; ang aking anak na lalaki, anak na babae… wala ni isa man ang may kakayanang ingatan ang isa’t-isa. Nanalig ako na hangga’t ako’y nananahan sa Diyos, walang anumang pagsubok ang di ko malalampasan. Nang sandaling iyon, isang himala ang naganap. Ang agos ay humina nang humina hanggang sa ito’y hindi na kasing-tindi ng agos ilang sandali lang ang nakaraan, at ang mga haliging semento na nakahilera sa daan ay unti-unting lumitaw. Tunay nga, ang tubig ay bumaba nang may kalahating piye mula sa aking dibdib. At sa gayon, lumakad ako doon, paunti-unti, sa pamamatnubay ng Diyos. Kung hindi dahil sa kagandahang-loob at pag-iingat ng Diyos, hindi ko alam kung saan na ako tinangay ng baha. Mula sa kaibuturan ng aking puso, ipinahahayag ko ang aking pasasalamat at pagpupuri, na nagpapasalamat sa Makapangyarihang Diyos sa pagbibigay ng Diyos sa akin ng ikalawang pagkakataon sa buhay.