Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na katapatan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na katapatan. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 19, 2019

Tagalog Christian Music Video | "Purihin ang Diyos Nang Buo ang Puso"


Tagalog praise and worship Songs | "Purihin ang Diyos Nang Buo ang Puso"


Nagdarasal-basa't nakikisalamuha 
nagninilay-nilay't Diyos ay ating hanap.
Buhay sa Kan'yang salita, kitang S'ya'y kaibig-ibig.
Katotohana'y nagpapalaya; 
lasap tunay N'yang pag-ibig.
Pagsamba'y kahanga-hanga't magkakaiba.
Mapapasayaw't awit sa pagpupuri sa Diyos.
Pagpuring walang hadlang, laging malaya,
taos-puso at dala'y ligaya.
Ang mabuhay sa Diyos, ligaya na tunay;
Siya'y iibigi't susundin habambuhay.
Kita ang dakilang pagliligtas ng Diyos,
purihin ang Diyos nang buo ang puso.
Katotohana'y ibinabahagi, Espiritu'y gumagawa,
sa pagsasama natin, buhay lumalago.

Ago 12, 2019

Tagalog Christian Movie 2019 | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" Only the Honest Can Enter God's Kingdom


Tagalog Christian Movie 2019 | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" Only the Honest Can Enter God's Kingdom


Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na matatapat na tao lamang ang makakapasok sa kaharian ng langit; matatapat na tao lang ang maaaring maging mga tao ng kaharian. Ikinukuwento ng pelikulang ito ang karanasan ng Kristiyanong si Cheng Nuo sa gawain ng Diyos at ang patuloy na paghahangad niyang maging matapat na tao sa buhay.

May 2, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo|Tatlong Paalaala



Bilang isang nananampalataya sa Diyos, dapat kang maging tapat sa Kanya lamang sa lahat ng mga bagay at makayang umayon sa Kanyang kalooban sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, ang mga katotohanang ito na pinaka-kitang-kita at pangunahin, sa ganang sa tao, ay hindi lubusang nakikita sa kanya, salamat sa kanyang iba’t ibang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, pagiging-katawa-tawa, at katiwalian.

Abr 27, 2019

Pagkaunawa sa Buhay|Ang Maging Isang Matapat na Tao ay Tunay na Dakila!



Patotoo ng Isang Kristiyano|Ang Maging Isang Matapat na Tao ay Tunay na Dakila!


Wu Ming, China

Isang araw noong 2004 sinabi sa akin ng isang kaibigan: “Bawat araw gumigising ka nang maaga at buong araw na abala sa paggupit ng tela, pinapagod mo ang sarili mo, ngunit hindi ka pa rin kumikita ng pera. Ang lipunan sa panahong ito ay umaasa sa dila para kumita ng pera, gaya ng sinasabi ng kilalang kasabihan: ‘Mas maigi ang magkaroon ng matatas na dila kaysa magkaroon ng malalakas na mga braso at binti.’

Mar 19, 2019

Tagalog Christian Movies | "Mabuting Tao Ako!" | How to Be Good People in the Eyes of God


Tagalog Christian Movies | "Mabuting Tao Ako!" | How to Be Good People in the Eyes of God


Nagustuhan na ni Yang Huixin, isang Kristiyano, na maging mabuting tao noong bata pa siya. Ayaw niyang makasakit ng iba. Naniniwala siya na mabuti siyang tao dahil siya ay mabait at kaaya-aya sa iba.

Ago 16, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

panalangin, Katapatan, Kaharian, Langit

Sa pagtawag ng Aking tinig, sa pagsiklab ng apoy mula sa Aking mga mata, sinusubaybayan Ko ang buong mundo, inoobserbahan Ko ang buong sansinukob. Nananalangin sa Akin ang buong sangkatauhan, tumitingala sila sa Akin, nagmamakaawang itigil Ko ang Aking galit, at isinusumpang hindi na kailanman sila magrerebelde laban sa Akin. Ngunit hindi na ito ang nakaraan; ito ay kasalukuyan. Sino ang makapapanumbalik sa Aking kalooban? Tiyak na hindi ang panalangin sa loob ng puso ng mga tao, ni hindi ang mga salita sa kanilang mga bibig? Kung hindi dahil sa Akin, sino ang makaliligtas hanggang sa kasalukuyan? Sino ang mabubuhay maliban sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig? Sino ang hindi nagsisinungaling sa ilalim ng mapagmatyag Kong mga mata? Sa patuloy Kong paggawa ng bago Kong gawain sa buong mundo, sino na ang may kakayahang makatakas mula dito? Maaari kayang iwasan ito ng mga bundok sa pamamagitan ng kanilang taas? Maaari kayang itaboy ito ng mga tubig, sa pamamagitan ng kanilang pagkarami-raming kalakhan? Sa Aking plano, kailanma’y walang anumang bagay ang basta-basta Kong hinahayaang lumisan, kaya wala kailanman kahit sinong tao, o anumang bagay, ang nakatakas mula sa pagdakma ng Aking mga kamay. Naitatanghal ngayon ang banal Kong pangalan sa buong sangkatauhan, at muli, umaangat sa buong sangkatauhan ang mga salitang may pagsalungat laban sa Akin, at laganap sa buong sangkatauhan ang mga alamat tungkol sa Aking pagiging. Hindi Ko hinahayaang gumagawa ang tao ng kanilang mga paghatol tungkol sa Akin, ni hindi Ko rin hinahayaang paghati-hatian nila ang Aking katawan, mas lalong hindi Ko hinahayaan ang kanilang mga panlalait laban sa Akin. Dahil kailanman ay hindi niya Ako ganap na nakilala, palagi nila Akong sinusuway at nililinlang, nabibigo silang mahalin ang Aking Espiritu o pahalagahan ang mga salita Ko. Mula sa bawat gawa at pagkilos niya, at mula sa saloobin niya tungo sa Akin, ibinibigay Ko sa tao ang “gantimpala” na nararapat sa kanya. Kaya, gumagawa lahat ang mga tao nakamasid sa kanilang gantimpala, at wala kahit isa ang gumawa kailanman nang may pagsasakripisyo. Ayaw ng mga tao ang gumawa ng walang pag-iimbot na pagtatalaga, ngunit nagagalak sila sa mga gantimpala na maaaring makuha ng walang kapalit. Kahit inilaan ni Pedro ang sarili niya sa harapan Ko, hindi ito para sa kapakanan ng gantimpala sa hinaharap, ngunit para ito sa kapakanan ng kasalukuyang kaalaman. Kailanman ay hindi pumasok sa tunay na pakikipag-ugnayan ang sangkatauhan sa Akin, ngunit paulit-uliti siyang nakikitungo sa Akin sa isang mababaw na paraan, sa gayo’y iniisip na makukuha niya ang pagsang-ayon Ko ng walang kahirap-hirap. Tumingin Ako sa kaibuturan ng puso ng tao, kaya natuklasan Ko sa kanyang kaloob-looban ang “isang mina ng maraming kayamanan,” isang bagay na kahit ang tao mismo ay walang kamalayan ngunit natuklasan Ko ito. At dahil dito, ititigil lamang ng mga tao ang banal-banalang pagpaparusa sa sarili kapag makakita sila ng “materyal na katibayan” at, nakaunat ang mga palad, inaamin ang maruming estado ng kanilang mga sarili. Sa gitna ng mga tao, marami pang mga bago at sariwang bagay ang naghihintay na “ilalabas” Ko para sa kasiyahan ng buong sangkatauhan. Hindi Ako titigil sa Aking gawain dahil sa kawalan ng kakayahan ng tao, ipagpapatuloy Ko siyang kukumpuniin at pananatilihin alinsunod sa Aking orihinal na plano. Ang tao ay parang isang puno ng prutas: Kung walang pagputol at pagpupungos, mabibigong mamunga ang puno at, sa katapusan, ang tanging makikita ninuman ay mga lantang sanga at nahuhulog na mga dahon, wala man lang itong prutas na mahuhulog sa lupa.

Ago 7, 2018

Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Aking tinatawag sa Aking bahay ang lahat ng Aking itinalaga upang maging tagapakinig ng Aking salita, at pagkatapos ay inilalagay ang lahat ng mga sumusunod at nananabik sa Aking salita sa harapan ng Aking trono. Yaong mga tumatalikod sa Aking salita, yaong mga hindi nakasunod at nagpasakop sa Akin, at yaong mga hayagang sumasalungat sa Akin, ay itatakwil lahat sa isang tabi upang hintayin ang kanilang huling kaparusahan. Ang lahat ng mga tao ay namumuhay sa kasamaan at sa ilalim ng kamay ng masama, kaya hindi marami sa mga taong sumusunod sa Akin ang talagang nagnanais ng katotohanan. Ibig sabihin, hindi sumasamba ang karamihan sa Akin nang may tapat na puso o nang may katotohanan, ngunit sinusubukang kunin ang Aking tiwala sa pamamagitan ng kasamaan, paghihimagsik, at mga hakbanging mapanlinlang. Sa kadahilanang ito kaya Ko sinasabi na, “Marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.” Ang lahat ng mga tinawag ay naging labis ang kasamaan at namumuhay sa parehong panahon, ngunit ang mga taong hinirang ay iyon lamang pangkat na naniniwala at tinatanggap ang katotohanan at isinasagawa ang katotohanan. Ang mga taong ito ay isa lamang napakaliit na bahagi ng kabuuan, at mula sa mga taong ito Ako ay makatatanggap ng higit pang kaluwalhatian."

Rekomendasyon:

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw



Ago 4, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas

katapatan, panalangin, Langit, buhay

Nahuhulog ang tao sa kalagitnaan ng Aking liwanag, at mabilis siyang nakakabangon dahil sa Aking kaligtasan. Noong dinala Ko ang kaligtasan sa buong sandaigdigan, sinusubukan ng tao na hanapin ang mga paraan upang makapasok sa daloy ng Aking pagpapanumbalik, ngunit marami ang mga natangay nang walang bakas sa malakas na agos ng panunumbalik na ito; marami ang mga nalunod at nilamon ng malakas na agos ng mga tubig; at marami rin ang nanatili sa gitna ng malakas na agos, na hindi kailanman nawalan ng kanilang diwa ng direksiyon, at sumunod sa malakas na agos hanggang ngayon. Humahakbang Ako kasabay ng tao, ngunit hindi pa rin niya Ako nakikilala; alam lamang niya ang mga panlabas Kong kasuotan, at wala siyang kaalam-alam sa mga kayamanan na nakatago sa Aking kaloob-looban. Kahit na tinutustusan Ko ang tao at nagbibigay Ako sa kanya sa bawat araw, hindi niya kaya ang tunay na pagtanggap, wala siyang kakayahang tanggapin ang lahat ng mga kayamanang ibinibigay Ko. Wala sa katiwalian ng tao ang nakakaiwas sa Aking paningin; para sa Akin, ang panloob na mundo niya ay katulad ng maliwanag na buwan sa tubig. Hindi Ako nakikipaglaro sa tao, ni hindi basta nakikisabay lang sa kanya; wala lang talagang kakayahan ang tao na panagutan ang kanyang sarili, at dahil dito palaging ubod ng sama ang buong sangkatauhan, at kahit ngayon nananatili siyang walang kakayahang lumaya mula sa naturang kasamaan. Kaawa-awa, kalunus-lunos na sangkatauhan! Bakit nga ba mahal Ako ng tao, ngunit hindi niya kayang sundin ang mga layunin ng Aking Espiritu? Talaga bang hindi Ko ibinunyag ang Aking Sarili sa sangkatauhan? Talaga bang hindi nakita kailanman ng sangkatauhan ang Aking mukha? Maaari kayang masyadong maliit ang awa na Aking ipinakita sa sangkatauhan? O ang mga rebelde ng buong sangkatauhan! Dapat silang mawasak sa ilalim ng Aking talampakan, dapat silang maglaho sa gitna ng Aking pagkastigo, at dapat, sa araw ng pagkakumpleto ng Aking dakilang plano, ay maitataboy sila mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, upang makita ng buong sangkatauhan ang pangit nilang pagmumukha. Bihirang makita ng tao ang Aking mukha o bihira niyang marinig ang Aking tinig dahil masyadong nakalilito ang buong mundo, at masyadong malakas ang ingay nito, at dahil dito naging masyadong tamad ang tao na hanapin ang Aking mukha at subukang unawain ang Aking puso. Hindi ba ito ang dahilan ng katiwalian ng tao? Hindi ba dahil dito kaya nangangailangan ang tao? Ang buong sangkatauhan ay palaging nasa gitna ng Aking pagtustos; kung di gayon, kung hindi Ako maawain, sino ang mabubuhay hanggang ngayon? Ang mga kayamanan na nasa Akin ay walang kapantay, ngunit ang lahat ng mga kalamidad ay nandito rin sa Aking mga kamay—at sino ang makaliligtas mula sa kalamidad kung kailan nila gusto? Ang mga panalangin ba ng tao ang magpapahintulot sa kanya upang gawin ito? O ang mga luha sa puso ng tao? Hindi kailanman tunay na nanalangin ang tao sa Akin, at dahil dito walang kahit isa sa buong sangkatauhan ang ganap na namuhay sa gitna ng liwanag ng katotohanan, at namuhay lamang ang mga tao sa gitna ng pasumpung-sumpong na paglitaw ng liwanag. Ito nga ang nagdulot sa pangangailangan ng sangkatauhan ngayon.

Ago 1, 2018

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Wuxin    Lungsod ng Taiyuan, Lalawigan ng Shanxi
Ang isang bagay na palagi nating tinatalakay noon sa mga nakaraang pagbabahaginan ay ang mga landas na nilakaran nina Pedro at Pablo. Sinasabing si Pedro ay nagtuon ng pansin sa pagkilala sa kanyang sarili at sa Diyos, at isang taong kinasihan ng Diyos, samantalang si Pablo ay nagtuon lamang ng pansin sa kanyang gawain, reputasyon at katayuan, at isang taong kinasuklaman ng Diyos. Palagi akong natatakot na tahakin ang landas ni Pablo, na dahilan kung bakit karaniwan ay madalas kong binabasa ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga karanasan ni Pedro para makita kung paano niya nakilala ang Diyos. Pagkatapos pansamantalang mamuhay nang ganito, nadama kong naging mas masunurin ako kaysa dati, ang hangarin ko para sa reputasyon at katayuan ay naging malamlam, at bahagya ko pang nakilala ang sarili ko. Sa panahong ito, naniwala ako na kahit hindi ako lubusang nasa landas ni Pedro, masasabi na naabot ko ang gilid nito, at kahit paano ibig sabihin nito hindi ako papunta sa landas ni Pablo. Gayunman, mapapahiya ako ng mga pagbubunyag ng salita ng Diyos.

Hul 26, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-siyam na Pagbigkas

katotohanan, pananalig, katapatan, kaharian

Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatiling buhay. Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawat isang bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay, sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito, patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao, nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin. Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang pakikipagsapalaran. Kailanman hindi ako naging maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso; ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring matuto ang tao at magbago. Hindi Ko hinihingi na maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t hinihingi sa kanya na maging tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na kapanahunan ng kanyang kabataan, o tratuhin ang sarili niyang buhay na parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay Satanas. Hindi ba napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?

Hul 14, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Gusto ng Diyos ang mga Sumusunod sa Katotohanan

katotohanan, buhay, Diyos, Katapatan




I
Kung susundin mo ang hinihingi ng Diyos
at totoo ang direksyon mo,
kahit mawala ka sa landas nang bahagya,
o mahulog sa kahinaan,
hindi ito tatandaan ng Diyos;
sa halip, paroroon Siya upang suportahan ka.
Anong uri ng tao ang gusto ng Diyos?
Gusto ng Diyos ang mga sumusunod sa katotohanan,
isang taong may determinasyon,
tapat, kahit na sa kamangmangan.

May 29, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikapitong Pagbigkas

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikapitong Pagbigkas

      Ang lahat ng mga sangay sa kanluran ay dapat makinig sa Aking tinig:
     Sa nakaraan, naging tapat ba kayo sa Akin? Sinunod ba ninyo ang Aking napakahusay na mga salita ng payo? May mga pag-asa ba kayong makatotohanan at hindi malabo at walang katiyakan? Ang katapatan, pag-ibig, at pananampalataya ng tao—walang iba maliban sa nagmumula sa Akin, maliban sa mga ipinagkaloob Ko. Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo? Na sa bawat sandali, lagi Kong binibigkas ang Aking tinig upang tawagin at iligtas kayo? Ilang beses na kayong nahulog sa bitag ni Satanas? Ilang beses na kayong nahuli sa mga patibong ng tao? At muli, gaano kayo kadalas mapasama sa walang katapusang pakikipagtalo sa isa’t isa, dahil nabigo kayong palayain ang inyong sarili? Gaano kadalas pumunta ang inyong mga katawan sa Aking tahanan ngunit ang inyong puso, walang nakakaalam kung nasaan? Gayon pa man, ilang beses Kong iniabot ang Aking mapagligtas na kamay upang itayo kayo; ilang beses Kong isinaboy sa inyo ang mga butil ng kaawaan; ilang beses na hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng inyong paghihirap? Ilang beses … alam ba ninyo?

Abr 27, 2018

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.”

Rekomendasyon:

Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan 





Peb 24, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan

Katapatan, Ebanghelyo, Jesus, Himno, buhay


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan

I
Kadakilaan, kabanalan, dakilang kapangyariha’t pag-ibig, mga detalye ng kakanyahan at disposisyon ng Diyos naibubunyag sa tuwing Siya’y nagpapatupad ng Kanyang gawain, nakita sa Kanyang kalooban para sa tao, natupad sa buhay ng sangkatauhan.

Set 1, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang

Kidlat ng Silanganan, Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos , Jesus, katapatan

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Marami ang mga Tinawag, Datapuwa’t Kakaunti ang mga Nahirang

  Ako ay naghanap ng marami sa mundo upang maging Aking mga alagad. Kabilang sa kanila ay iyong mga nagsisilbing mga pari, iyong mga namumuno, iyong mga bumubuo sa mga tao, at iyong mga naglilingkod. Ipinapalagay Ko ang mga pagkakaibang ito alinsunod sa katapatan ng tao sa Akin. Kapag pinagbukud-bukod ang lahat ng tao ayon sa uri, iyon ay, kapag ang kalikasan ng bawat uri ng tao ay naging malinaw, aking ibibilang kung gayon ang bawat tao sa kanilang nararapat na uri at ilalagay ang bawat uri sa kanilang nararapat na lugar sa gayon ay maaari kong matanto ang Aking layunin para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Kaugnay nito, aking tinatawag ang mga grupo ng mga nais Ko na maligtas upang bumalik sa Aking tahanan, at pagkatapos ay tatanungin Ko ang lahat ng mga ito na tanggapin ang Aking gawain sa mga huling araw. Kasabay nito, Aking pinagbukud-bukod ang mga tao ayon sa uri, at pagkatapos ay gagantimpalaan o parurusahan ang bawat isa batay sa kanilang mga nagawa. Ganyan ang mga hakbang na bumubuo sa Aking gawain.