Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Himno. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Himno. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 8, 2018

Himno ng Karanasan ng Kristiyano | Ang Langit Dito'y Bughaw na Bughaw (Tagalog Subtitles)



I Ay … Narito ang 'sang langit, Oh .... Isang langit na talagang ibang-iba! Isang marikit na halimuyak ang pumupuspos sa buong lupain, at hangi'y malinis. Nagkatawang-tao ang Makapangyarihang Diyos at nabubuhay kapiling natin, Nagpapahayag ng katotohanan at sinisimulan ang paghatol ng mga huling araw. Inilantad ng mga salita ng Diyos ang katotohanan ng ating kasamaan, nalinis tayo at naperpekto ng bawat uri ng pagsubok at pagdadalisay. Magpaalam na tayo sa masama nating buhay at baguhin ang dating itsura para sa bagong mukha. Kumikilos tayo at nagsasalita nang may prinsipyo at hinahayaang maghari ang mga salita ng Diyos. Ang apoy ng ating pagmamahal sa Diyos ay nag-aalab sa ating mga puso. Ipinalalaganap natin ang mga salitang Diyos, sumasaksi para sa Kanya, at ibinabahagi ang ebanghelyo ng kaharian. Iniaalay natin ang buo nating pagkatao para mapaligaya ang Diyos, at handa tayong harapin ang anumang pasakit. Salamat sa Makapangyarihang Diyos para sa pagbabago ng kapalaran natin. Nabubuhay tayo ng bagong buhay at sinasalubong ang isang bagong bukas!

Hul 31, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu"




I
Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan
di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.
Walang suporta at tulong,
ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,
sinusuong ang lahat,
inilalantad walang dangal na buhay sa mundo
sa katawang kaluluwa ay walang malay.
Buhay nang walang pag-asa't layunin.
Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,
ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat
na magliligtas sa nagdurusa
at naghahangad ng Kanyang pagdating.
Sa taong walang-malay,
paniwalang ito'y di pa matatanto hanggang ngayon.
Gayunman, tao'y hangad pa rin ito, hangad ito.

Hul 25, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Hanap ng Diyos ang Mga Uhaw sa Kanyang Pagpapakita

Diyos, Kristiyanismo, pananalig, Mga Biyaya





Hanap ng Diyos ang Mga Uhaw sa Kanyang Pagpapakita

  • I
  • Hanap ng Diyos yaong mga uhaw sa Kanyang pagpapakita.
  • Yaong mga di tumututol, masunuring tulad ng mga paslit.
  • Hanap ng Diyos ang may kaya,
  • kayang dinggin ang Kanyang mga salita,
  • wag limutin Kanyang habilin, ialay katawan at puso sa Kanya.
  • Kung walang makakayanig,
  • walang makakayanig sa'yong panata sa Diyos,
  • mamasdan ka Niya, mamasdan ka Niya nang may pabor, oh …
  • Igagawad Niya pagpapalang dapat sa 'yo, sa 'yo,
  • igagawad Niya pagpapalang dapat sa 'yo!

Hul 21, 2018

The Best Tagalog Christian Music HD | "Ang Resulta ng Pagkakakilala sa Diyos" (Tagalog Dubbed)



I
Isang araw, madarama mong ang Maylalang ay 'di palaisipan,
S'ya ay di itinago, 'di tinakpan ang mukha sa iyo;
S'ya ay 'di naging malayo sa iyo;
Di na S'ya ang 'yong hangad araw at gabi
ngunit 'di maabot ng damdamin mo.
S'yang tunay mong tagapagbantay sa iyong tabi,
buhay mo'y tinustustusan, at hawak ang 'yong kapalaran.
S'ya'y wala sa malayong abot-tanaw, at 'di nakatago sa ulap.
S'ya'y sa tabi mo, naghahari sa lahat sa'yo.
Siya ay 'yong lahat at 'yong nag-iisa.

Hul 18, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Sino ang Nakilala ang Diyos sa Katawang-tao

Diyos, Himno, Kaharian, langit

🎻 🎶 .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ 🎵.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ 🎶 🎻.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸🎵






Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Sino ang Nakilala ang Diyos sa Katawang-tao

I
Yamang ikaw ay isang mamamayan ng sambahayan ng Diyos,
yamang tapat ka sa kaharian ng Diyos,
kung gayon ang lahat ng iyong ginagawa ay dapat matugunan
ang mga pamantayan mula sa Diyos,
matugunan ang mga pamantayan na hinihingi ng Diyos.
Hinihiling ng Diyos na 'wag kang maging isang naaanod na ulap,
datapuwa't na ikaw ay maging niyebe na kumikislap ng puti,
pagkakaroon ng kakanyahan nito at higit pa sa halaga nito.
Dahil ang Diyos ay galing sa banal na lupa,
hindi tulad ng lotus, na mayroon lamang isang pangalan,
mayroon lamang pangalan ngunit walang diwa.
Dahil nagmula ito, nagmula sa maputik na putik,
hindi galing sa banal na lupa.

Hul 14, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Gusto ng Diyos ang mga Sumusunod sa Katotohanan

katotohanan, buhay, Diyos, Katapatan




I
Kung susundin mo ang hinihingi ng Diyos
at totoo ang direksyon mo,
kahit mawala ka sa landas nang bahagya,
o mahulog sa kahinaan,
hindi ito tatandaan ng Diyos;
sa halip, paroroon Siya upang suportahan ka.
Anong uri ng tao ang gusto ng Diyos?
Gusto ng Diyos ang mga sumusunod sa katotohanan,
isang taong may determinasyon,
tapat, kahit na sa kamangmangan.

Hul 7, 2018

Tagalog Christian Songs | "Si Satanas ay Walang Maaaring Mabago sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos"



I
Sa maraming taon, libu-libong taon,
na ang tao'y ginagawang tiwali ni Satanas,
gumawa ng higit na kasamaan.
Mga salinlahi, isa-isang nalinlang nito.
Oh, maraming krimen, kakila-kilabot na krimen
na ginawa ni Satanas sa buong mundong 'to.
Ang tao'y pinukaw na labanan ang Diyos,
inabuso, dinaya ang tao,
hinanap upang wasakin ang plano sa pamamahala ng Diyos.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
hindi nito, kahit kaunti, mababago ang tao o mga bagay.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
wala 'tong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.
Walang ni isang bagay itong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.

Hul 4, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan

pag-ibig, Diyos, langit, Cristo

🎻 🎶 .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ 🎶 🎻





I
Maging sa pagpapakita ng pagkamatuwid N'ya,
kamahalan N'ya o poot,
isinasagawa ng D'yos ang pamamahala N'ya't
inililigtas ang tao dahil sa pag-ibig N'ya.
Gaano kalaking pag-ibig? Ila'y nagtanong.
Hindi ito konting pag-ibig,
isangdaang pors'yento pag-ibig ng D'yos.
Dahil kung ang pag-ibig ng Diyos
ay medyo mas kaunti lamang,
ang mga tao ay hindi maliligtas.
Para sa sangkatauhan lahat ng pag-ibig N'ya,
ibinibigay ng D'yos.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya
sa sangkatauhan,
Ibinibigay N'ya lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay N'ya pag-ibig N'ya.

Hun 30, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Pag-ibig ng Diyos ay 'Di Taglay ng Anumang Nilalang

buhay, katotohanan, salita ng Diyos, Diyos





I
Ang mga salita ng Diyos ay puno ng buhay,
nag-aalok sa atin ng landas na dapat nating tahakin,
ang pag-unawa sa kung ano ang katotohanan.
Nagsisimula tayo na maakit sa Kanyang mga salita;
nagsisimula tayong tumuon sa tono
at paraan ng Kanyang pagsasalita,
at maging kusa na pakinggan
ang panloob na tinig ng ordinaryong taong ito.

II
Nagtutuon ang Diyos sa atin;
para sa atin, hindi Siya makatulog o makakain;
para sa atin, Siya'y umiiyak at naghihinagpis;
para sa atin, Siya'y dumadaing sa sakit.
Siya'y dumaranas ng hiya
para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan,
at ang puso Niya'y lumuluha at nagdurugo
para sa pagiging suwail at manhid natin.

III
Wala sa mga ordinaryong tao
ang gayong katangian at mga ari-arian Niya.
Gayundin, sinuman sa masasamang tao ay hindi mataglay
o makamit ang mga ito.
Ang Kanyang pagpapaubaya
at pagtitiis ay lampas sa mga ordinaryong tao,
at ang pag-ibig Niya
ay hindi taglay ng anumang nilalang.
Ang pag-ibig Niya
ay hindi taglay ng anumang nilalang.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao



Hun 24, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Tunay na Buhay ng Tao

buhay, Diyos, pag-ibig sa Diyos, Espiritu

.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸



I
Kapag nakakamit ng tao ang tunay na buhay sa lupa,
lahat ng pwersa ni Satanas ay nakagapos.
Ang tao'y mabubuhay nang may kagaanan sa mundo.
Mga pagkakumplikado ay hindi na makikita.
Pantao, panlipunan at pampamilyang mga bukluran
maaaring mag-abala at mapuno ng sakit.
Ngunit kapag ang tao ay ganap na nalupig,
ang kanyang puso at ang kanyang isip ay mabago.
Kapag ang tao ay ganap na nalupig,
ang kanyang puso at isipan ay mababago.
Ang tao ay magkakaroon ng isang puso
na gumagalang sa Diyos.
Isang puso na nagmamahal sa Diyos ay aariin nila.

Hun 20, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit

buhay, Diyos, Kaligtasan, Mga Himno, MP3, salita ng Diyos,



I
Ang Diyos ay nagiging katawang tao sa mga huling araw
upang iligtas ang tao dahil mahal Niya ang tao.
Hinimok ng Kanyang pag-ibig,
ginagawa Niya ang gawain ngayon.
Ito'y nasa ilalim ng pundasyon ng pag-ibig.
Ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagdurusa sa kahihiyan
upang iligtas ang mga nabahiran at durog.
Tinitiis Niya ang gayong sakit.
Sapagkat muli at muli,
ipinakikita N'ya ang Kanyang 'di masukat na pagmamahal.
'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.
Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.
'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.

Hun 16, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Worship Praise Songs 2018 | Mamahalin Ko ang Diyos Magpasawalang-hanggan




I
O Diyos! Mga salita Mo'y nagpabalik sa akin sa Iyo.
Tanggap ko na sanayin sa Iyong kaharian
araw at gabi.
Kayraming pagsubok at sakit,
kayraming mga paghihirap.
Malimit ako ay umiyak at ramdam puso'y nasugatan,
at maraming ulit nahulog sa bitag ni Satanas.
Nguni't 'di Mo ako iniwan kailanman.
Inakay Mo 'ko sa maraming hirap.
Iningatan sa maraming panganib.
Ngayo'y batid ko na iniibig Mo ako.

Hun 6, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Pinahahalagahan ng Diyos Yaong Nakikinig at Sumusunod sa Kanya


.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸💖
I Di mahalaga sa Diyos kung ang isa ay mapagkumbaba o dakila. Hangga't siya'y nakikinig sa Diyos, sumusunod sa mga iniuutos at ipinagkakatiwala Niya, makikipagtulungan sa Kanyang gawain, sa Kanyang plano at kalooban, upang ang Kanyang kalooban at plano ay maaaring magpatuloy nang walang hadlang, gayong pagkilos ay karapat-dapat sa pag-alala ng Diyos, at karapat-dapat sa pagtanggap ng Kanyang pagpapala. Pinahahalagahan ng Diyos ang gayong mga tao, at ang kanilang mga kilos, at ang kanilang puso at paggiliw sa Kanya. Ito ang saloobin ng Diyos.